Noli de Castro on Korina Sanchez's TV Patrol throwback photo: "There is no forever.”

by Arniel C. Serato
Mar 24, 2021
Noli de Castro on working with former TV Patrol colleagues Korina Sanchez and Ted Failon: "I really missed the days we are together sa tv patrol, and nothing can beat our teamwork, nobody, but there is no forever.”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

“There is no forever.”

Ito ang binigyang diin ng batikang komentarista sa radyo at news anchor na si Noli de Castro sa kanyang komento sa throwback photo ng dating kasamahan sa trabaho na si Korina Sanchez.

Sa kanyang Instagram noong nakaraang Linggo, March 21, ibinahagi ni Korina ang throwback photo nila nina Noli at Ted Failon habang nasa studio ng TV Patrol.

Caption ng Rated Korina host, “FlashbackFriday: Days of Comfort Predictability [green heart emoji] @kabayannolidecastro #tedfailon

IG Photo: Korina Sanchez throwback photo with TV Patrol anchors Noli De Castro, Ted Failon

Continue reading below ↓

Nagkomento rito si Noli gamit ang kanyang Instagram account na @kabayannolidecastro.

Sabi niya, nakaka-miss ang pinagsamahan nila noon sa prime-time newscast ng Kapamilya network.

Wala rin daw tatalo sa kanilang teamwork noong magkasama pa sila.

Buong komento ni Noli: “I really missed the days we are together sa tv patrol, and nothing can beat our teamwork, nobody, but there is no forever.”

Sumang-ayon naman si Korina sa kanyang sinabi.

Sabi ng lady broadcaster, “@kabayannolidecastro Hay true. Pwede namang ForeverFriends Kabayan!

"And... Malay mo? Hahaha (smiling face with open mouth and smiling eyes, kiss mark, green heart emojis)”

IG Comment: Noli De Castro says there is no forever

Continue reading below ↓

Pareho nang nasa TV5 ngayon sina Korina at Ted.

TV PATROL HISTORY

Si Noli ang pinaka-pioneer anchor ng TV Patrol nang ilunsad ito ng ABS-CBN noong 1987. Kasama niya rito sina Mel Tiangco at Robert Arevalo.

Noong 1995, pumasok si Korina sa newscast nang umalis si Mel sa ABS-CBN para lumipat sa GMA.

March 5, 2001, si Korina na ang naging main anchor ng show dahil tumakbong senador si De Castro.

Sinamahan siya nina Henry Omaga-Diaz at Aljo Bendijo bilang co-anchors.

Noong 2004, binigyan ng bagong mukha ang palabas bilang TV Patrol World kung saan ang naging main anchor ay si Ted kasama sina Karen Davila at Julius Babao.

Sa relaunch ng programa noong 2010 bilang TV Patrol muli, nag-reunion ang mga original anchors na sina Noli, Korina, at Ted.

2015, umalis si Korina sa news program at pinalitan siya ni Bernadette Sembrano. Nanatili pa rin doon sina Noli at Ted.

Continue reading below ↓

Sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, nilisan ni Ted ang programa noong August 2020 upang lumipat sa TV5.

Umalis na rin ng ABS-CBN si Korina upang lumipat din sa Kapatid network.

Nanatiling anchors ng TV Patrol hanggang ngayon sina Noli, Bernadette, at Henry.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noli de Castro on working with former TV Patrol colleagues Korina Sanchez and Ted Failon: "I really missed the days we are together sa tv patrol, and nothing can beat our teamwork, nobody, but there is no forever.”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results