Edgar Mortiz discloses measures implemented in Goin' Bulilit to respond to MTRCB concerns

Since the MTRCB has called the attention of Goin' Bulilit several times in the past, Direk Edgar Mortiz says they have a psychologist check their script before airing an episode. He takes pride in directing shows that serve as "training ground" for celebrities.


Ang director ng Goin’ Bulilit na si Direk Edgar Mortiz ang masasabing nagsimula ng TV5 gag show na Tropang Trumpo noon kunsaan sina Michael V, Ogie Alcasid, Gelli de Belen ang ilan sa cast members.
Nakilala ang show na ito hanggang sa lumipat ang mga stars nito sa ibang network.
Tila doon, umusbong ang Goin’ Bulilit ng ABS-CBN na naglunsad naman ng mga batang komedyante. Ngayong 2015, isang dekada na sa telebisyon ang kiddie gag show na ito
Kuwento ni Direk Bobot nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press sa set visit sa taping ng GB noong Sabado ng gabi sa Studio 5 ng ABS-CBN, “Naisip ko, siguro mas madali na kumuha na lang kami ng mga bata at tuturuan namin ang mga bata na linya por linya. Noong nagsimula sila, talagang linya por linya sila. Kung paano bibitawan, sagot nila.
“Ang sa amin, mga bata sila, pero, adult ang material nila. Ang nangyayari, mga nanonood bata, pero, ang humor, pang-adult.”
Palaging 20 bata ang regular sa cast ng Goin’ Bulilit. Nadaragdagan lang ito tuwing may ga-graduate.
Ilan sa mga orihinal na Goin’ Bulilit kids ay sina Julia Montes, Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Nash Aguas at ilang buwan, pumasok naman daw sina Kathryn Bernardo.
Yung mga graduate ng GB, sila naman ngayon ang itinuturing na ilan sa mga important stars ng Kapamilya Network.
Anong pakiramdam?
“Well, siyempre, natutuwa ako kasi, lalung-lalo na kay Julia. Kasi, si Julia no'n, noong nag-audition siya, hindi siya natanggap. Parang meron lang akong nakita. Kasi, malungkot siya noong bata siya, nang mag-audition siya, pinipilit niyang mag-comedy.
“Pinili ko na pang-20 si Julia. Tapos, sabi nila, bakit gusto mo siya. Sabi ko, nakikita ko na may potential siya paglaki niya. Actually, kinausap ko sila, si Kathryn, si Miles, si Jane [Oineza], Kiray [Celis], kinausap ko sila, nagkukuwentuhan lang kami.
“Sabi ko, ikaw, paglaki mo, magiging ganito ka. At nakakatuwa na may mga kinapuntahan sila.”
Ngayon, ang dalawang anak na niya, sina Direk Frasco Mortiz at Direk Badjie Mortiz na ang nagdi-direk ng kiddie gag show na ito.
“Ang totoo, mga anak ko na ang nagdi-direk. Siguro, five years na sila. Ako ang nagsimula, siguro mga three or five years, tapos, pinasa ko na sa kanila. Pero, ako pa rin ang nag-e-edit ng show. Tinantanggal ko ang hindi ko gusto, pero, pinapaliwanag ko sa kanila kung bakit.”
Ano nga ba ang pakiramdam na umabot na ng isang dekada ang Goin’ Bulilit. Kung tutuusin, hindi madali, lalo na sa isang kiddie show at gag show na umabot ng sampung taon.
Nandoon yung “pride” na nagdiriwang sila ng ika-sampung anibersaryo ngayon?
“Siyempre, natutuwa kami ron at saka yung tagal ng samahan, yun ang importante.”
At sa ngayon, sila rin ang may hawak ng longest-running kiddie gag show sa bansa.
“Well, unang-una, nakakatuwa kasi, nakakuha kami ng konsepto na sa simula, isang gag show lang talaga siya. Na sa simula, yung mga bata, umaarte na mga matatanda.
“Tapos, parang pang-tapat din sa ibang gag show ng ibang istasyon. At the same time, tuloy-tuloy lang kami hanggang sa naging venue siya ng mga bagong artista, doon na sila nagsisimula. Parang nagiging training ground ng mga bata. Na natutuwa rin ako dahil doon ako nagsimula. May Eskuwelahang Munti ng GMA-7, doon din ako nagsimula.
“So, ang nangyayari, parang nakapagsimula kami ng venue na kung bata pa lang, gusto mong mag-artista e, may lugar kang kapupuntahan hanggang sa lumaki ka.”
Pagdating sa comedy shows ng ABS-CBN, siya ba talaga ang “brain?”
“Hindi naman, marami kami. Ang head namin, si Tita Linggit Tan. Natapat sa akin itong Bulilit, LUV U, Banana Split… natapat lang sa amin ang mga gag shows. Pero, maraming creatives and ABS. So, tulungan kami.
“Like, meron silang ginagawang search ngayon for comedy, nakakatuwa rin yun.”
Natatawa na lang si Direk Bobot dahil may mga panahong madalas talagang matawag ang pansin nila ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Sabi nga niya, “Yun, minsan napapagalitan kami. Iba-iba kasi talaga.
“Minsan, yung puwede sa ‘yo, hindi puwede sa kanila. Pero, nagkasundo na kami ng MTRCB. Kaya umabot pa kami na kumuha kami ng psychologist ng show. Pinapa-approve namin sa mga psychologist yung script namin.
“Ito ba, makaka-apekto sa mga bata. Kasi, kung ang habol mo makakapagpatawa ka lang, hindi mo na maiisip na offending ‘to. Ngayon, may guidelines na kaming sinusunod.
“Parang nag-mellow ng konti itong Bulilit, hindi kagaya noong una. Parang mas training ground na talaga siya.”
Sa mga batch ngayon ng mga Bulilit, sino-sino yung ngayon pa lang, nakikitaan na niya ng potential?
“Well, sana sina Bugoy [Carino], magsitangkaran sila. Si Bugoy, si Izzy [Canillo], may pupuntahan sila. Actually, si Mutya [Orquia]. Actually, yung mga bata, may pupuntahan sila.
“Huwag lang silang magbabago.”
Ano ang mas mahirap i-direk, yung mga bata o yung mga beterano o adult stars na?
“Mas mahirap ang mga bata. Kaya nga siguro binitawan ko na siya ngayon kasi siguro, nagkaka-edad na ko. Medyo umiigsa na ang pasensiya ko. Mas mahirap idirek ang mga bata, mga hayop tulad ng aso, mahirap idirek yun.
“Ang bata, may moods, may tantrums, mahirap.”
Ilang taon pa niya nakikitang magtatagal ang Goin’ Bulilit?
“Tingin ko, hangga’t may bulilit. Kasi, nagiging training ground na ‘to. Sana, tumagal pa siya. Kasi, maraming batang gustong mag-artista. Pati attitude rito, tinuturo namin.
“Nakakatuwa sila, lalo na kapag nagsu-shooting kami sa ibang bansa, para silang mga boyscout. Yung mga nanay nila, hindi kasama sa mismong shooting kaya sila lang.”
Halos karamihan na raw ng Asian countries, sa loob ng sampung taon ng Goin’ Bulilit ay napuntahan na nila. Ngayong summer, ang destinasyon naman nila ay South Korea.
Kung may malungkot naman na oras sa Goin’ Bulilit, ito ay kapag kailangan ng mag-graduate ng ilan sa cast kapag dumating na sila sa edad na 12-13.
Paano nga ba nila naha-handle yun?
“Well, minsan kasi, sila mismo, nakikita nilang awkward na sila, ang laki na nila. Sila na mismo. Pero siyempre, meron din talagang—lalo na noong unang batch.
“Apektado sila, pero, alam naman naming may kapupuntahan sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN