Kyline Alcantara now "closer" to Miguel Tanfelix: "Yung ilangan...that was years ago"

by Rose Garcia
Apr 9, 2021
Kyline Alcantara and Miguel Tanfelix reunite in GMA-7's I Can See You: Future.
PHOTO/S: @itskylinealcantara on Instagram

Ngayong gabi ang final episode ng week-long series na I Can See You: Future na pinagbibidahan ng mga Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.

Pero bago pa man ito umere, mainit na agad ang naging pagtanggap sa balik tambalan ng dalawa, at umani ng positive response mula sa kaninga mga social-media fans.

Lahad ni Kyline nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, "Ako po, I’m just really, really happy na, siyempre, nagkaroon kami ng fans ni Miguel together.

"Actually, nagulat ako sa kanila. There are photos na almost a million likes na siya.”

Ang mga photos na tinutukoy ni Kyline ay ang mga screen shots nila ni Miguel mula sa I Can See You: Future na in-upload ng GMA-7 bago ipalabas ang kanilang episode.

Sabi pa ni Kyline, “So nagulat ako talaga ko, and I’m really happy to be working again with Miguel and it’s fun to work with him.

Continue reading below ↓

“Siyempre, we’re familiar na rin with our work etiquettes.”

Inamin rin ni Kyline na noong ginawa nila ang Kambal, Karibal taong 2017, kasama ang girlfriend pa ni Miguel noon na si Bianca Umali ay nakaramdam daw siyang talaga ng pagka-ilang sa umpisa.

Nagkaroon nga raw ng mga isyu sa pagitan nilang tatlo.

“Honest answer, yes, nagkailangan,” saad ni Kyline.

Dagdag pa niya, “But alam naman talaga namin kung ano ang nangyayari. Kung ano ang mga hindi nagawa at nagawa namin. So nawala, e. Kasi alam naman namin ang totoo at sa amin na lang yun.”

Naibalik ba nila ni Miguel ang dati nilang closeness, lalo na ngayong nagkasama silang muli sa I Can See You: Future?

Tugon ng dalaga “Feeling ko, hindi na maibabalik yung dati,” saka niya mabilis na idinugtong ang, “Mas naging closer kasi ngayon.”

Sabi pa ni Kyline, “Yung ilangan naman, that was years ago.

“Naging closer rin because, nagkakatrabaho nga kami sa All-Out Sundays, tapos, ‘eto pa, ang I Can See You: Future.”

Continue reading below ↓

KYLINE's LOVE LIFE

Masaya naman daw ang puso ngayon ni Kyline Alcantara.

Pero minsan ay nabanggit na rin niya na hangga’t-maaari ay gusto raw niya sanang tahimik muna pagdating sa love life.

Paninindigan niya ito talaga?

Sagot ng 18-year-old star, “E, kasi naman, hindi pa naman talaga ko ready na magkaroon ng love life.

“Kahit na maniwala ka man o sa hindi, I’m just really focused on fixing my relationship with God and making my relationship with Him stronger.

“Of course, there are situation that happened that made me realized that.”

At saka nakangiti niyang sinabi, “Yun… okay, okay naman ang heart ko.”

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara and Miguel Tanfelix reunite in GMA-7's I Can See You: Future.
PHOTO/S: @itskylinealcantara on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results