Barbie Forteza says she's done doing teeny-bopper roles: "Medyo quota na 'ko ro'n."

by Rose Garcia
Apr 17, 2021
Barbie Forteza in The Lookout.
A different Barbie Forteza will be seen in the I Can See You: The Lookout. Barbie says she wants to do more edgy, out-of-the-box roles.
PHOTO/S: @barbaraforteza Instagram

Sa bagong episode na mapapanood sa weekly serye na I Can See You: The Lookout, isang kakaibang Barbie Forteza raw ang mapapanood.

Magsisimula na ngayong Lunes, April 19 at tatakbo hanggang April 23 sa GMA Telebabad ang I Can See You: The Lookout.

Sa ginanap na Zoom mediacon para sa serye nung April 16, umamin si Barbie na lipas na talaga siya sa teeny-bopper roles.

“Oo kasi, na-realize ko, tumatanda na rin naman ako. So, ibibigay ko na kay Elijah ang mga teeny-bopper. Graduate na 'ko sa Tween Hearts.

“Pero dahan-dahan, gusto ko lang na gradual para smooth naman yung transition.”

Ang batang aktres na si Elijah Canlas ang tinutukoy ni Barbie. Kasama rin ito sa cast ng The Lookout.

Mas mature na roles na ba ang maaasahan sa kanya ng fans sa mga susunod niyang teleserye?

“Well, para sa akin, for sure, it would be very challenging kung sabihin natin na yung ganitong klaseng material ay magiging pang-full-length na series, pang-mahabaang teleserye. Kasi kailangan talaga, nakakundisyon ako.

Continue reading below ↓

“I would always love a challenge, pero when I say na I am willing to accept more mature roles, I’m not saying na sexy. Kasi, kapag sinabing mature, yun agad ang iniisip nila.

“It’s more of how I handled the character, how I played the character.

"Enough of the teeny-bopper. Siguro naman, medyo quota na 'ko ro’n, yun… but let’s see, siyempre, ayaw naman nating pangunahan ang network, ang management.

"Siyempre, kung ano ang ibibigay sa atin, palagi ko namang ibibigay ang 100% ko.”

BARBIE'S REALIZATIONS

Samantala, tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie kung may realizations ba siya sa kanyang career lalo na ngayong panahon pa rin ng pandemic.

“Realization? Ang dami! Naku, lalo na kapag dumarating ang Judith [due date],” natawang sabi ng Kapuso Princess.

“Ang dami...I learned to think ahead. Kasi, ang hirap kapag nagse-settle lang ako sa nangyayari ngayon.

"Kasi, hindi naman natin alam na may mangyayari palang ganitong pandemic ngayon.

Continue reading below ↓

“So, yung parang naging eye opener siya sa akin na posible pala ‘tong mangyari. Hindi lang pala ‘to pampelikula.

“Okey, ano na next step? Yung sales ko, kumusta ba? Siyempre, ako po ang provider. Kailangan i-manage natin yan.

"So dito, bawas muna tayo sa spam, corned beef na lang muna,” natawa pang sabi ng 23-year-old Kapuso actress.

“Parang make each day count. 'Tapos, na-realize ko, ang tatanda na ng mga magulang ko. 'Tapos, perfect score pa sila sa high blood, diabetes, cholesterol, perfect score! So, talagang extra alaga.”

Mas maingat din daw siya ngayong may pandemya dahil din sa mga magulang.

“Extra-ingat ako, lalo na kapag lumalabas ako. Ligo muna, hindi ko muna sila hinaharap. Yung mga ganun…

"Ang daming realization na in a way, nakabuti kasi, personally, nakita kong nag-mature yung sarili ko. Na hindi ako basta bumibili na lang ng mga luho, yung ganyan.

“Parang lahat na ng ginagastos ko, pinag-iisipan kong mabuti kung kailangan ko ba o gusto ko lang.”

Continue reading below ↓

Kasama rin ba sa realizations ni Barbie ang magpakasal na, lalo na't marami nang showbiz ang nagpapakasal?

“Napagbibiruan, napagkukuwentuhan namin paminsan-minsan, biro, ganyan. Pero lalo na ngayon, considering our current situation, ang hirap magplano ng mga ganyang bagay.

“Parang sa ngayon, gusto ko munang i-secure ang parents ko, then, saka na mag-plano. Mahaba pa naman—well, kung mabibigyan kami ng chance ni Jak na humaba pa ang relasyon, pwede pa rin namang mapagplanuhan in the future.”

missing doing movies

Kung may nami-miss man daw si Barbie ngayon, yun ay ang makagawa sana siya ng pelikula.

Taong 2018 pa nung huli siyang gumawa ng pelikula.

“Naku, opo, matagal na!” saad niya. “Kahit anong klaseng proyekto. Miss na miss ko na po talagang magtrabaho.

"Sa pelikula, wala akong masabi. Wala akong bad experience sa pelikula. Lahat ng na-experience ko sa big screen, maganda. I can’t wait na mabigyan ako ulit ng chance na makapag-indie film ulit.

Continue reading below ↓

"Yun kasi ang edgy na material, very out-of-the-box. Very not Barbie.”

Katulad din daw ng I Can See You: The Lookout na out-of-the-box rin.

“Na-excite talaga 'ko rito,” sabi niya.

HOT STORIES

PEP.ph is now on Quento! Click the links below to download the app and enjoy more articles and videos from PEP.ph and your favorite websites!

On Android devices: https://bit.ly/3gaVs8O

On iOS devices: https://apple.co/3stitGq

On Desktop: https://www.quento.com.ph/

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A different Barbie Forteza will be seen in the I Can See You: The Lookout. Barbie says she wants to do more edgy, out-of-the-box roles.
PHOTO/S: @barbaraforteza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results