Adrian Alandy back in GMA-7: "They welcomed me with open arms."

by Rachelle Siazon
Apr 19, 2021
Luis Alandy on working with Christopher de Leon in I Can See You: The Lookout: "Sobrang nakakatuwa that I've been given the opportunity again. Lalo na si Brother Bo, matagal ko na kilala pero I've never really worked with him. May halong kaba and excitement..."
PHOTO/S: @adrian_alandy Instagram

Nagbabalik si Adrian Alandy, 41, sa GMA-7 matapos ang ilang taong pamamalagi sa ABS-CBN.

Ang gamit niyang screen name noon ay Luis, pero ang tunay na pangalan niya ay Adrian.

Sa GMA-7, ilan sa mga huli niyang proyekto ay ang The Rich Man's Daughter (2015) at Wanted Tatay" episode (2016) sa drama anthology na Karelasyon.

"They welcomed me with open arms," sabi ni Adrian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dugtong niya: "I started with them since 1997. And then nakabalik ako around 2006 to 2007 until 2016.

"Nakakatuwa na nabigyan ako ng project ulit."

Isang offbeat role ang ginagampanan ni Adrian sa Kapuso mini-series na I Can See You: The Lookout, ban mapapanood simula April 19 hanggang April 23.

Siya ay si Jason "Lakay" Bautista, isang triger-happy ex-military man na lolooban ang bahay ng mayamang doktor na si Dr. Robert Penuliar, na ginagampanan ni Christopher de Leon.

First time daw ni Adrian na makatrabaho ang award-winning actor na si Christopher, o kilala bilang Brother Bo sa Christian community nito.

Continue reading below ↓

"Sobrang nakakatuwa that I've been given the opportunity again.

"Lalo na si Brother Bo, matagal ko na kilala pero I've never really worked with him. So this is the first time.

"May halong kaba and excitement to be working with him."

Isa sa makakasagupa ni Luis sa The Lookout ay si Barbie Forteza, na gumaganap bilang Emma Castro, isang raketera na kakapit sa patalim at magiging lookout ng kaibigan niyang magnanakaw.

Binanggit ni Adrian na bilib siya kay Barbie, na kinilalang best actress sa 36th Fantasporto International Film Festival sa Oporto, Portugal, dahil sa pagganap ng dalaga bilang Badjao sa pelikulang Laut.

"Si Barbie also, award-winning actress for such a young age. Nung nabasa ko yung script na I'll be having two scenes with Barbie, nakakatuwa.

"And si Paul, since bata pa iyan kilala ko na."

Ang tinutukoy niya ay si Paul Salas na anak ni Christopher sa mini-series.

Dugtong ni Adrian, "To be given a chance to work with a younger generation, we constantly learn from each other, e.

Continue reading below ↓

"Yun ang hinahabol ko sa opportunity na binibigay sa akin ng GMA, yung opportunity to work with great actors, lalo na yung mga kabataan ngayon."

Nakapanayam ng PEP.ph si Adrian sa virtual presscon ng I Can See You: The Lookout noong April 16.

Christopher de Leon on I Can See You: The Lookout

WORKING WITH DIRECTOR JULES KATANYAG

Tulad ng iba niyang co-stars, hanga si Adrian sa director na si Jules Katanyag dahil pampelikula raw ang dating ng materyal nila sa The Lookout.

Continue reading below ↓

Hindi raw predictable ang tahi ng kuwento dahil sa treatment ng mga eksena.

"We just had four [taping] days. Ang daming gusto gawin ni Direk Jules na spectacular shots.

“Feeling ko lang din, with the type of story, just given more time, pwede siyang pang-movie talaga, e.

"Yung concept, kung paano isinulat, nakikita ko yung visualization ni Direk.”

Sabi naman ni Jules, naging maganda ang resulta ng kanilang mini-series sa tulong ng second unit director na si LA Madridejos.

"We had a very diffucult material, but we are lucky to have a great, great, great creative team. Nagawan nila ng paraan.

"Of course, Direk LA was there to help out. He was the second unit director to create a more concreate vision kung paano maikuwento ang ganitong klaseng kuwento na pasok at sulit pa rin."

I Can See You: The Lookout cast

Continue reading below ↓

MUST-WATCH SCENE OF ADRIAN

Ayon naman kay Marina Benipayo, kaabang-abang ang thrilling scenes ni Adrian sa The Lookout.

Sa kuwento, si Marina ay gumaganap na asawa ni Christopher.

Lahad ni Marina: "In between takes, nasisilip ko sa tent yung playback, how the shots come out. Ang masasabi ko lang, ang ganda-ganda!

"From the start, iba-iba yung treatment how the scenes were shot. Meron very light yung dating.

"From colorful, it changes color, and then it becomes black and white and gray.

"Nung natapos na lahat, sabi ko, 'Naku, Direk, ang ganda! Congrats!

"Especially the one with kay Adrian, abangan niyo yun. Ang ganda-ganda ng shot."

Adrian Alanda on I Can See You: The Lookout

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Alandy on working with Christopher de Leon in I Can See You: The Lookout: "Sobrang nakakatuwa that I've been given the opportunity again. Lalo na si Brother Bo, matagal ko na kilala pero I've never really worked with him. May halong kaba and excitement..."
PHOTO/S: @adrian_alandy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results