Erich Gonzales on playing a mistress onscreen: "Di naman ako ganun sa totoong buhay.”

According to Erich Gonzales, their ABS-CBN show Two Wives has been extended until March 2015.


Isa sa tinutukan ng publiko sa ngayon ay ang ABS-CBN teleserye na Two Wives. Bukod sa sensitibong tema na tumatalakay tungkol sa infidelity sa isang pagsasama, marami din ang nag-aabang sa pagpapalitan ng maaghang na mga dialogues sa pagitan nila Janine at Yvonne na mahusay na ginagampanan nila Erich Gonzales at Kaye Abad.

Ang karakter ni Erich ay isang mistress na nang-agaw ng asawa at sumira ng isang buong pamilya.

Nakakatanggap ba si Erich ng pamba-bash mula sa mga manonood dahil sa pagganap niya bilang isang mistress?

“Siguro di yun maiiwasan kasi yung mga nanonood nadadala sila sila sobra sa mga kaganapan pero siyempre gusto ko silang i-remind na role playing lang yun, acting lang yun. Di naman ako ganun sa totoong buhay,” sabi ni Erich sa PEP.ph at Cinema News nang mainterview siya noong nakaraang Linggo sa ASAP XX.

“For as long as si Janine naman ang ina-ano nila, okay lang yun. Sobrang affected sila kay Janine, wala namang problema.”

Isa sa inaabangan sa Two Wives ay mga tarayan at confrontation scenes sa pagitan nila ni Kaye na gumaganap bilang Yvonne, ang original wife ng karakter ni Jason Abalos.

Wala bang sapawan na nangyayari sa mga eksena nila?

“Kaya nandiyan ang direktor natin na sila Direk FM [Reyes] at si Direk Raymond [Arellano] para gabayan kami kung ano ang gusto nilang makita sa eksena. [Sasabihin nila] 'O, gusto ko sa ganitong eksena, maipakita ninyo ito.' Yung mga ganung bagay so siyempre kami sinusunod lang namin kung ano ang pinapagawa sa amin. Kaya may blocking and rehearsal.”

Dahil sa consistent high ratings ng Two Wives, masayang binalita sa amin ni Erich na extended sila hanggang March 2015. Nagpasalamt din ang aktres sa mga taong patuloy na tumatangkilik at sumusubaybay sa kanila.

“Sobrang pasasalamat namin sa lahat ng sumusubaybay at sumusuporta sa Two Wives gabi-gabi. Sana wag silang tumigil na tumutok dahil marami pang mangyayari na dapat nilang abangan.”

“Hanggang March pa ang Two Wives, sana wag silang bumitiw. Extended kami kasi dapat ilang scripts lang pero nadagdagan kami ng two to three more scripts. Hiling ng management yun.”
Ilang teleserye na rin ang naipalabas na tumatalakay tungkol sa isyu ng extramarital affairs at mainit itong tinanggap ng publiko.

Sa palagay niya, bakit patuloy pa rin na kinakagat ng publiko ang ganitong klase ng mga istorya sa teleserye at sa pelikula?

Ani Erich, “Siguro kasi kahit paulit-ulit na yung mga kuwento na ganito siguro dahil alam natin sa buhay natin yung mga characters, nakaka-relate tayo, yung mga bagay na ginagawa natin dahil sa pag-ibig, sa pamilya, yung mga sakripisyo, yung mga ganun."
Dahil sa pagganap niya bilang mistress na si Janine sa istorya, mas naiintindihan na ni Erich ngayon ang mga babaeng pumapasok sa ganitong uri ng relasyon.

“Basta ang stand ko ngayon wala sa atin sinuman ang makakapag-judge ng tao kasi di natin alam yung mga pinagdadaanan nila.”
Isang daring at mature ang role na ginagampanan ni Erich sa small screen. Sa simula pa lang ay hindi siya nagkaroon ng inhibisyon sa ganitong klase ng mga roles basta alam niyang kailangan at di nakakabastos sa kanya bilang isang artista at nbialng isang babae.

“Ever since naman simula pa lang daring na ang mga ginagawa natin basta kailangan sa eksena, lagi ko naman yung sinasabina 'pag hinihiling, nire-require fo as long as di naman siya nakakabastos, gagawin ko yun.”
Dahil uso na ang engagement at pagpapakasal ngayon ng mga showbiz couples o mga artistang may mga non-showbiz na karelayon, isa sa inaabangang mauwi sa kasalan ay ang relasyon ni Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend. Siniguro naman ng aktres na kapag umabot sila sa ganitong estado ay hindi niya ito ililihim sa lahat.

“Masaya. Naku 'pag mayroon, sasabihan ko kayo, di natin isisekreto yung mga ganung bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN