Julie Anne San Jose reacts to David Licauco's topless scene in Heartful Café

by Rachelle Siazon
Apr 26, 2021
Julie Anne San Jose on leading man David Licauco: "Nung meron kaming mga scenes, medyo nahihiya ako kasi hindi ako sanay na nakakahawak or nakakakita ng katawan up-close."

Napapangiti si Julie Anne San Jose, 26, nang ilarawan niya ang eksenang naka-topless si David Licauco, 25, at nagkabungguan sila sa Heartful Café.

Ang Heartful Café ay ang romantic-comedy prime-time series na pagbibidahan nila sa GMA-7, at magsisimulang umere ngayong Lunes, April 26.

Base sa teaser, isa sa mga kilig scene ay nang nagkabungguan ang dalawa at makakaramdam ng tensiyon dahil nakahantad ang matipunong pangangatawan ni David.

Sabi ni Julie Anne ukol dito: "Hindi ko alam paano sagutin yung tanong... Pero di ko naman first time makakita ng topless, di ba?

"Pero nung meron kaming mga scenes, medyo nahihiya ako kasi hindi ako sanay na nakakahawak or nakakakita ng katawan up-close.

"Madalas ko nakikita si David na nagwo-workout kasi magkatapat lang villa namin.

"Kapag maaga call time ko, 'tapos nakikita ko nagwo-workout pa siya...

"Pero nakakailang siya, to be very honest. Pero he's just really professional."

Nilinaw naman ni David na hindi lang siya basta nagpakita ng kanyang sexy abs, kundi gusto rin niyang makita ng mga manonood ang kaya niyang gawin bilang aktor.

Continue reading below ↓

Sabi ng hunk actor, "Just the fact na binigyan ako ng platform ng GMA, and mga production manager na nagtiwala sa akin, gusto ko mag-thank you sa kanila.

"Kasi I have been waiting for a show na mapakita na hindi lang ako puro—gaya ng sinabi mo—katawan, papogian.

"With this teleserye, I was able to deliver. And with the help nila Direk Mark [Sicat dela Cruz], ng acting coach, I would say na talagang na-enjoy ko siya.

"Hopeful naman ako na maganda napakita ko."

Tulad ni David, ibinuhos din daw ni Julie Anne ang kanyang makakaya para bigyang-buhay niya ang role niya sa Heartful Café.

Saad niya, "In every role, kailangan talaga paghandaan. It's always part of the process.

"Passionate lang talaga ako about anything that I do. I make sure that I commit to it 100 percent. I love singing, I also love acting.

"Hopefully, na-execute ko nang maayos at nabigyang buhay ko ang character ni Heart.

Continue reading below ↓

"With the help of our team, I was able to imbibe kung paano siya around people."

Nagpasalamat naman si David dahil ang bumida sa isang prime-time series ang isa sa mga inaabangan niyang break sa showbiz.

"I'm super happy and excited especially now na na-move siya sa GMA [mula sa GTV], so mas marami makakanood.

"I am extremely grateful sa GMA and sa mga managers ko...

"I hope maging maganda turnout ng napakita ko."

Julie Anne San Jose, David Licauco in Heartful Cafe

Continue reading below ↓

CHARACTERS IN HEARTFUL CAFÉ

Si Julie Anne ay gaganap bilang Heart Fulgencio, may-ari ng isang restaurant sa loob ng campus at hobby ang maging matchmaker sa kanyang customers.

Pero dahil lugi ang kanyang restaurant, mapipilitan si Heart na gawing investor ang isang guwapo pero kinaiinisan niyang customer na si Ace Nobleza, na gagampanan ni David.

Bahagi rin ng cast si EA Guzman bilang Uno Ynarez, ang the one that got away ni Heart.

EA Guzman as Uno in Heartful Cafe

Continue reading below ↓

Si Ayra Mariano ay gaganap bilang Mars, isang barista na loyal friend na rin ni Heart.

Si Victor Anastasio ay gaganap bilang Roco, ang kuwelang master barista ng Heartful Café.

Victor Anastasio and Ayra Mariano in Heartful Cafe

Si Zonia Mejia ay gaganap bilang Sol Fulgencio, ang pinsan ni Heart na hindi naniniwala sa pag-ibig

Continue reading below ↓

Si Jamir Zabarte ay gaganap bilang Buddy Portales, isang charming repairman na magagawi sa Heartful Café.

Zonia Mejia and Jamir Zabarte in Heartful Cafe

Sa direksiyon ni Mark Sicat dela Cruz, ang Heartful Café ay mapapanood pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on leading man David Licauco: "Nung meron kaming mga scenes, medyo nahihiya ako kasi hindi ako sanay na nakakahawak or nakakakita ng katawan up-close."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results