David Licauco on Julie Anne San Jose: "I want to know her...deeply"

by Rose Garcia
Apr 29, 2021
David Licauco is overwhelmed by the response of fans to his love team with Julie Anne San Jose in Heartful Cafe.
PHOTO/S: @davidlicauco on Instagram

Hindi inaasahan ni David Licauco na magiging mainit ang pagtanggap sa tambalan nila ni Julie Anne San Jose.

Unang pagtatambal ito nina David at Julie Anne, na mga bida sa bagong serye ng GMA-7 na Heartful Café.

Kuwento ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa virtual mediacon na ginanap para sa bagong serye, “Actually, iyong start niya, nagugulat ako. Iyong atensiyon, ang dami na parang never kong na-experience before.

“Iniisip ko, baka naman sa lahat ng naging partner ni Julie, baka naman naging gano’n ang mga fans niya, di ba?”

Tinanong nga raw niya si Julie Anne mismo kung sa mga past leading men nito, pareho lang ang kilig at ipinapakitang suporta sa kung paano sila ngayon.

“I asked na baka naman gano’n lang sila sa lahat ng nagiging ka-pair mo. But then, Julie answered na hindi, parang ngayon lang sila kinilig.

“So parang wow,” masayang sabi ni David.

Continue reading below ↓

“Baka nga it might work, hopefully. Actually, sobrang natuwa ako sa mga fan niya na halos lahat ng gawin ko, almost every day silang nagtatanong na, wala man lang ba, like mag-post ako about Julie.

“Kahit ano talaga ang ginagawa ko and nakakatuwa lang, nakakapagpa-happy ka ng mga fan.”

DAVID LICAUCO ON working with JULIE ANN SAN JOSE

Nagkaroon na rin ng ibang kapareha si David sa mga dati niyang serye. Pero, ano ang masasabi niyang espesyal sa pagiging katrabaho si Julie Anne?

“Well, aside from the fact that we all know, sobrang talentado talaga ni Julie, but also, iyong passion niya, e. Nakikita mong gusto niya ang ginagawa niya whether it’s acting or singing.

"Alam ko na araw-araw, marami siyang ginagawa. Masipag talaga siya, walang reklamo, go-getter, very passionate. and I’m sure, maraming actors ang gustong makapareha si Julie.

“So it’s a blessing and honor for me,” saad ni David.

Continue reading below ↓

Inamin naman ni David na dati pa raw, nang tanungin siya kung sino ang gusto niyang maging ka-love team sa GMA, ang isinagot daw niya ay si Julie Anne.

Balita kasing crush niya talaga ito, kung kaya't naiilang siya nang magsimula silang mag-taping para sa Heartful Café.

“Actually, doon siya nagsimula,” sabi niya.

“And then, na-meet ko si Julie. 'Tapos, nakita ko ang post niya sa Instagram. Sabi ko, 'Okay ‘tong si Julie a, ang ganda!' Mga gano’n, yeah… ayon,” nakangiti niyang pag-amin.

Sabi rin niya, “Nag-taping na kami. And siguro, normal naman na mahiya ka talaga sa isang tao dahil kaka-meet niyo lang, first time niyong mag-usap.

“Pero eventually, nawala rin naman iyon. Iba nga kasi si Julie na katrabaho, very professional.”

Umaasa si David na simula pa lang ang tambalan nila ni Julie sa Heartful Café.

“Sabi ko nga kay Julie, tinanong ko nga siya one time, 'May plano ka pa bang umarte pagkatapos nito?' Kasi, alam ko na ang passion niya talaga, nasa singing.

Continue reading below ↓

“Sabi naman niya, 'Sige…' Kaya sabi ko, 'E di, okay.' Tingnan natin.”

Sa tingin ba ni David ay may chance na mag-level up pa ang pagiging on-screen love team nila sa off-cam?

“Let's see,” saad niya.

“As of right now, pandemic din kasi. Hindi ka rin makalabas, makapag-date. Siguro, given the chance, why not?

“I want to know her rin naman, deeply.”

Mayroong touch ng Korean drama ang Heartful Café, at dahil sa physical looks ni David, puwedeng sabihin na effortless para sa kanya na makuha ang tamang look ng mga leading man sa K-drama.

Ayon sa Kapuso actor, “Well, I guess, iyon nga iyong medyo theme ng teleserye. Nowadays, medyo uso iyong mga Korean, hindi ako nanonood, but everybody’s raving about it.

“So siguro medyo suwerte na gano’n ang itsura ko. I think, it’s time for me to capitalize it.”

Umere ang pilot episode ng Heartful Café sa GMA-7 at GMA Heart of Asia noong April 26, 2021.

Continue reading below ↓

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco is overwhelmed by the response of fans to his love team with Julie Anne San Jose in Heartful Cafe.
PHOTO/S: @davidlicauco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results