Senator Bong Revilla dedicates Agimat ng Agila to late father Ramon Revilla Sr.

by Rose Garcia
May 1, 2021
Senator Bong Revilla Jr. to late dad Ramon Revilla Sr.: “Alam naman natin na kapag sinabi mong agimat, Nardong Putik, lahat iyan, kanya iyan. Kaya I would like to dedicate this project to him.”
PHOTO/S: GMA-7 / File

Pagkatapos ng walong taon, nagbabalik sa telebisyon ang actor-politician na si Bong Revilla Jr. sa Kapuso network sa pamamagitan ng Agimat ng Agila, na magsisimula nang mapanood ngayong Sabado, May 1, 2021.

Matagal daw pinangarap ng senador na muling umarte sa telebisyon.

Ayon kay Senator Bong, “Unang-una siyempre, simula nang manggaling tayo sa loob, may pananabik ako sa mga projects na katulad ng Agimat ng Agila.

"Matagal na puro pangarap lang, kailan ko ito magagawa na maisasakatuparan ko ulit."

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang pagkaka-detain sa PNP Custodial Center sa Camp Crame noong 2014 dahil sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam. Na-acquit siya noong December 2018.

Sabi pa ni Senator Bong, “Nagawa nating napakaganda kasi napakagaling ng mga nakapaligid sa atin. Iyong mga kasama natin, mula sa director, sa writer and, of course, iyong buong cast, lahat sila ay talagang Class A.

"Masasabi kong napakagagaling and I’m very, very thankful sa kanilang lahat na, kumbaga, nakagawa kami ng napakagandang proyekto na ganito.

Continue reading below ↓

“Kaya iyong pananabik ko, matagal kong hinintay, ito ay isang magandang regalo sa akin ng Panginoon na naibigay sa akin.”

Iniaalay raw niya ang Agimat ng Agila sa kanyang namayapang ama, si dating Senator Ramon Revilla Sr.. na nakilala sa agimat at anting-anting movies.

Ayon kay Senator Bong, “Siyempre, kapag sinabi mong agimat, Ramon Revilla iyan. I would like to dedicate this Agimat ng Agila to my father, Ramon Revilla.

“Alam naman natin na kapag sinabi mong agimat, Nardong Putik, lahat iyan, kanya iyan. Kaya I would like to dedicate this project to him.”

Kahit na ang kuwento ng agimat at anting-anting ay mas kilala at popular noon, naniniwala si Senator Bong na magugustuhan pa rin ito ng mga kabataan ngayon.

“Well, unang-una, sa panahon ng pandemya, we need a project that will entertain them. You can give something new.

“Sa tingin ko, nandito ang element na iyon, lahat ng hinahanap natin. Fantasy, action, drama, about family, pagproteksiyon sa kalikasan. Nandito iyon sa proyekto natin, it’s all-in-one.

Continue reading below ↓

"And as I’ve said nga, itong proyektong ito, ginawang pampelikula at na-achieve naman namin. Kahit sa telebisyon ipapalabas, ito ay gawang pelikula.”

Inamin naman ng actor-politician na dahil comeback niya ito pagkatapos ng mahabang taon sa telebisyon, may kaba siyang nararamdaman.

“Kapag hindi ka na kinakabahan, e, may problema ka na. Ako, sa totoo lang, kinakabahan ako,” pag-amin niya.

Pero mas maganda raw na senyales para sa kanya kapag kinakabahan siya.

“Kapag kinabahan ako, malamang sa magiging successful ito.”

MORE GUIDE ARTICLES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla Jr. to late dad Ramon Revilla Sr.: “Alam naman natin na kapag sinabi mong agimat, Nardong Putik, lahat iyan, kanya iyan. Kaya I would like to dedicate this project to him.”
PHOTO/S: GMA-7 / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results