Jhong Hilario not leaving ABS-CBN: "Unang-una wala akong offer"

by Melba R. Llanera
May 12, 2021
In April 2021, Jhong Hilario makes the decision to take a break from his It's Showtime hosting duties and give up his Your Face Sounds Familiar stint. But his reason, he says, is not because he has plans of leaving ABS-CBN.
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram

Iiwanan na ba ni Jhong Hilario ang ABS-CBN?

Marami ang nagulat nang lumabas ang balitang hindi muna siya lalabas sa It's Showtime, kung saan siya naging Sample King, hurado, at co-host sa loob ng mahigit isang dekada.

Nagpaalam rin siya sa Your Face Sounds Familiar (YFSF), kung saan isa sana siya sa strong contenders.

Pero ang desisyon raw niya ay para sa kapakanan ng kanyang baby girl.

Sabi ni Jhong sa video call niya kay Luis Manzano, host ng YFYS, noong April 17, 2021, “Pinag-isipan ko ito, hindi ako nakatulog pero itong desisyon po na ito, talagang inisip ko talaga yung anak ko, e."

Wala raw katotohanan ang balitang lilipat siya sa ibang network.

Sa panayam niya sa CinemaNews At Home edition via zoom nung nakaraang April 23, 2021, "May narinig ako na lilipat yata, dalawang show ang tinanggihan, baka may offer.

"Unang-una wala akong offer, walang lipat na mangyayari.

Continue reading below ↓

"It's about my daughter, siya pinag-uusapan dito."

Ipinanganak ng partner ni Jhong na si Maia Azores si Sarina Oceania nung March 27, 2021.

Sa pagpapatuloy ni Jhong, "Yung nangyayari ngayon sa Pilipinas, yung pandemic, gaano katagal nangyagari. "Hindi siya kumukaunti, lalo siyang dumadami.

"Ako kung sa kakayanin ko, kakayanin ko.

"Kahit nag-pandemic, nag-Showtime ako, nag-YFSF. Kung ako, okay lang.

"Pero paano pag ang anak ko, wala siyang kalaban-laban, matatamaan at maaapektuhan?

"Di ko iri-risk ang buhay ng anak ko dahil lang sa trabaho."

Mabuti na lang daw at naipaliwanag niya ito nang maigi sa mga bosses.

Aniya, "Sobra siyang naiintindihan ng ABS management, ng mga kasama ko kaya sobrang thankful ako."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In April 2021, Jhong Hilario makes the decision to take a break from his It's Showtime hosting duties and give up his Your Face Sounds Familiar stint. But his reason, he says, is not because he has plans of leaving ABS-CBN.
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results