John Arcilla called "drug addict" by netizen over his role in Ang Probinsyano

by Arniel C. Serato
May 11, 2021
Veteran actor John Arcilla to netizen calling him "drug addict": "Chill chill lang po.”
PHOTO/S: Courtesy: @johnarcilla on Instagram

Naguguluhan ang aktor na si John Arcilla sa isang netizen na mukhang sineryoso ang kanyang karakter sa teleseryeng Ang Probinsyano.

Sa serye, si John ay gumaganap sa karakter ni Renato "Buwitre" Hipolito, ang mortal na kalaban ng bidang si Cardo Dalisay na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni John ang screenshot ng komento ng isang netizen tungkol sa kanya.

Ginawa kasing realidad ng netizen ang sitwasyon ng serye sa totoong buhay.

Sa takbo ng istorya ng Ang Probinsyano, nangangarap ang karakter ni Hipolito ng mas mataas na posisyon sa pulitika.

Komento ng netizen, “Hoy hwg ka mangarap Na mgng president ng buong Pilipinas galng mo nmn kung ikw ang papalit mgng president ng Pilipinas ngpatawa ka ba ah eh sa role mo plng sa probinsyano ngkakagago ka noh drug addict ka”

Ayon kay John, dapat “chill” lang ang netizen dahil sa teleserye lamang ito nangyayari at hindi sa totoong buhay.

Continue reading below ↓

Buong sagot ni John: “Hindi ko po alam kung seryoso siya o nagpapatawa. Relax ka lang [Twitter user] ang teleserye ho e hindi totoong buhay. Chill chill lang po.”

Hindi lamang si John ang na-bash dahil sa epektibo nilang pagganap sa kanilang karakter sa Ang Probinsyano.

Co-star's death threat

Nitong nakaraang Marso, ang co-star niyang si Michael de Mesa ay nakatanggap naman ng death threat mula sa isang netizen.

Si Michael ay gumaganap bilang Ramil "Manager" Taduran, kasama ni Cardo sa grupong Vendetta.

Sabi ng netizen, kanya raw “titirahin sa ulo” at sa “t*t*” ang aktor kapag makita niya ito nang personal.

Buong banta ng netizen kay Michael: “Hoy manager sana mamatay kna sa probinsyano mo

“Pag nakita kita sa personal. Titirahin kita sa ulo mo at t*t* mo”

Sagot ng aktor sa netizen, “Ganun ba ako ka effective? Bro, teleserye lang yan.

"Wag masyadong seryoso. Positive vibes lang. Hahaha!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor John Arcilla to netizen calling him "drug addict": "Chill chill lang po.”
PHOTO/S: Courtesy: @johnarcilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results