Ogie Alcasid comments on TV5's decision not to produce any more full-length teleseryes

Ogie Alcasid bares TV5's plans to launch televised singing talent competition titled Rising Stars.



Dalawang taon na rin ang Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid bilang isang TV5 talent. Para kay Ogie, maayos at masaya naman daw siya sa pagiging isang Kapatid niya sa TV5.

Tatlong taon ang pinirmahan niyang kontrata sa Kapatid Network.

Ayon naman kay Ogie nang makausap namin noong January 23 sa taping ng Tropa Mo Ko sa Rainforest Pasig, “Okay, basta huwag silang bibitaw. Yung mga boss natin, maging patient lang sila, mahahanap at mahahanap natin ang gusto nating gawin.

“Feeling ko, nangyayari na ‘no, very solid naman sila sa gusto nilang happy network. ‘Eto nga, comedy, then sports. Isusunod natin yung mga shows ko, mga musical shows.

“Like, ilo-launch na ang Rising Stars," aniya.

Ang Rising Stars ay ang televised singing talent competition na ilulunsad ng TV5.

"Doon tayo sa hindi tayo gagawa ng drama, hindi tayo gagawa ng mga teleserye, except yung mga Wattpad.”

Okay ba sa kanya na wala munang mga teleseryeng ipo-produce ang TV5?

“Okay ako kung yun ang gusto nila, basta stick tayo dun. And mukhang yun na. Nagwu-work yung comedy, sports and a little bit of musical.”

Sabi naman namin kay Ogie, sa isang banda nga lang, tila ang ibang Kapatid stars ay nalilimitahan na ang ginagawa dahil sa pagkawa ng mga teleserye?

“Hindi naman,” saad niya.

“Lahat naman sila, yung ating mga talents sa TV5, nagagamit naman sila sa comedy. Kaya lang, yun ang direksiyon na gusto nila, e.”

May “say” siya sa direksiyon?

“No, no,” tanggi niya.

“Ako ay sundalo lang.”

Posibleng kapag nagtapos ang tatlong taong kontrata niya sa TV5, mananatili pa rin siyang Kapatid?

“Why not, oo naman, happy naman ako rito. Pero yun e, kung gusto pa rin nila sa akin,” natawa niyang sabi.

Dugtong pa ni Ogie, “Noong una ko namang tinanggap ‘to, alam ko na ang role ko is to help in any way I can. Na mukhang nangyayari naman. Kaya lang siyempre, kailangan ko ng direksiyon nila.

“Yung first year that I was here, naramdaman ko ang pakiramdaman na, ano ba ang maganda. Until, decided na sila na ‘eto na ang gagawin natin. So, I’m happy with the show I had.”

Dahil puro spoof daw sila ngayon sa Tropa Mo Ko Unli, tinatawag nila na Tropa Mo Ko Unli Spoof ngayon ang ginagawa nila. Puro spoof daw kasi sila ngayon at talagang mas dinagdagan pa nila.

Matagal na ang Tropa Mo Ko sa TV5 at isa ito sa mga programa ng network na talagang nagtagal. Mahigit isang taon pa lang na naging bahagi ng programa si Ogie.

Sabi nga niya, “Masaya naman. Siyempre, nagkaroon sila ng Kuya. Nakakatuwa naman ang mga batang ‘to, kasi, magagaling. Nandiyan pa si Long [Mejia] at saka masisipag.

“Gusto nila yung ginagawa nila, which is most important.”

Nakita naman nila ang pagbabago simula nang maging bahagi siya ng Tropa?

“Hindi ko alam, tanong mo sa kanila,” natatawang sagot niya.

“Pero siyempre, team effort naman ‘yan. Hindi naman porke’t nandito na ko, ako na ang masusunod. Marami naman akong nakukuhang inputs sa kanila. Yung director namin, palagi kaming nag-uusap. Kapag pre-prod, kasama rin ako.”

Sinimulan ni Ogie ang karakter na Pamhinta. Nakikita naman daw niyang nagugustuhan ito ng mga manonood.

“Si Boy Pa-Mhin, yun ang character ko. Kahit saan ako pumunta, kinakanta siya. I think, naiintindihan nila na lalaki ako, pero, nilalaro ko ang pagiging pamhinta. Like yung ginagawa ni Alwyn [Uytingco na Boy, si Empoy, nagwu-work yun.”

Malaking bagay raw na sa TV5, malaya silang nakakapag-spoof ng ibang artists mula sa ibang networks.

“Yun ang maganda, kasi dito, maluwag kami. Kanina, ini-spoof ko si James Reid, si Daniel Padilla, malaya kami na puwede naming gawin yun. Nakakatuwa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN