Max Collins wants to have Alden Richards as her leading man in the future



Base sa titulo ng GMA-7 teleserye nila na Kailan ba Tama Ang Mali?, kailan ba masasabi ni Max Collins na tama ang mali?

“Kapag in love ka,” mabilis na sagot ni Max.

“Kasi para sa ‘yo, para sa puso mo, tama kahit mali, kahit alam mong mali.

“Para sa akin, hindi naman siya justifiable kung maraming taong nasasaktan sa proseso.

"Pero nasa sa ‘yo pa rin yun kung yun talaga ang sinisigaw ng puso mo.

“It’s up to you kung gusto mong magkamali but happy ka naman in the end.

"Or puwedeng happy ka lang ngayon 'tapos, later on, doon mo makikita yung consequences of your actions.”

Ano ba ang mas nangingibabaw sa kanya palagi, puso o isip?

“Puso,” natawang pag-amin niya. “Emotional na tao ako,” lahad pa ng GMA-7 actress.

Ayon kay Goeff Eigenmann, ito ang unang pagkakataon ng aktor na magkaroon ng mga intimate scenes talaga sa isang teleserye. First time rin ba ito kay Max?

“First time po akong magkaroon ng asawa sa show, pero hindi first time na mag-loveteam.

"Mas mature po talaga ang role namin dito sa show na ‘to.

"I think, mas maraming magiging love scenes at kissing scenes in the future.”

Kamusta naman ang mga intimate scenes nila ni Geoff?

“Actually, wala pa kaming mga intimate scenes, kissing scene pa lang.”

Pinaghandaan niya ba ang mga kissing scenes nila?

“Hindi po, hindi po namin pinag-usapan. Ano lang, professional lang.

"Kasi, magkakilala na kami kaya ginagawa lang namin ang kailangan para sa character.”



CHANGE OF HEART. Nakapareha na ni Max ang karamihan sa Kapuso leading men mula sa Primetime King na si Dingdong Dantes. Ngayon nga ay si Geoff naman.

Sino pa ba ang gusto niyang makapareha kung sakali?

“Si Alden [Richards],” mabilis naman niyang sagot.

“Well, naka-trabaho ko na rin siya sa Ilustrado at nakita ko kung gaano siya kagaan katrabaho.

"So gusto ko siyang makasama sa isang show.”

Noong una naming nakausap si Max, natatandaan pa namin nang sabihin niya na ayaw niya sa showbiz na ka-relasyon.

Pero habang tumatagal, tila nabago na naman ang paniniwala niyang yun.

Ayon kay Max, “Opo, mahirap makipag-relasyon sa taong hindi nakakaintindi ng trabaho mo, mundo mo.

"At mas madali talaga kapag parehas kayong showbiz kasi, yun lang ang time na magkikita kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN