Baeksang Arts Awards 2021: Shin Ha Kyun beats Song Joong Ki, Kim Soo Hyun for Best Actor; The Penthouse's Kim So Yeon wins Best Actress

by Erwin Santiago
May 14, 2021
Baeksang Arts Awards 2021 winners: (from left) Shin Ha Kyun, Best Drama Actor for Beyond Evil; Yoo Ah In, Best Film Actor for Voice of Silence; Kim So Yeon, Best Drama Actress for The Penthouse; You Jae Suk, Grand Award for TV; and Lee Seung Gi, Best Male Entertainer for Master In The House.
PHOTO/S: Twitter / TikTok

Sa kabila ng COVID-19 pandemic, matagumpay na naidaos ang 57th edition ng Baeksang Arts Awards ngayong Huwebes ng gabi, May 13.

Ang Baeksang Arts Awards ng South Korea ang itinuturing na katumbas ng Oscars at Emmy Awards ng Hollywood. Ang kaibahan lamang ng award-giving body ng South Korea ay pinagsama sa iisang gabi ang pagbibigay ng parangal para sa outstanding films, drama, at TV programs.

Kagaya sa mga awards night sa Hollywood, present ang halos lahat ng nominees sa Baeksang Arts Awards 2021 na ginanap sa Ilsanseo-gu, Gyeonggi Province.

Dahil popular ang K-dramas and movies hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang panig ng mundo, top trending topic sa Twitter ang Baeksang Arts Awards at iba pang related topics sa Twitter.

Halos lahat ng K-dramas at movie ay available sa Pilipinas via streaming services gaya ng Netflix at Viu.

Sa TV category, tinalo ng veteran actor na si Shin Ha Kyun bilang Best Actor ang popular Korean actors na sina Song Joong Ki (Vincenzo), Kim Soo Hyun (It's Okay Not To Be Okay), at Lee Joon Gi (Flower of Evil). Nominado rin sa kategoryang ito si Uhm Ji Koon ng top-rating drama series na The Penthouse.

Continue reading below ↓

Nanalo si Shin Ha Kyun para sa kanyang pagganap sa Beyond Evil, na itinanghal din bilang Best Drama at Best TV Screenplay.

Ang co-star ni Uhm Ji Koon sa The Penthouse na si Kim So Yeon ang nagwaging Best Actress.

Best Supporting Actor si Oh Jung Se para sa kanyang pagganap sa It's Okay Not To Be Okay. Kabilang sa nakalaban niya sa kategoryang ito ay ang popular ngayong si Kim Seon Ho, na na-nominate para sa kanyang pagganap sa Start-Up.

Hindi naman umuwing luhaan si Kim Seon Ho, na kilala sa kanyang karakter bilang "Good Boy" sa Start-Up, dahil nanalo siya ng special award na TikTok Popularity Award, katuwang ang kontrobersiyal na si Seo Ye Ji (It's Okay Not To Be Okay) na hindi dumalo sa awards night.

Best Supporting Actress ang veteran actress na si Yeom Hye Ran para sa The Uncanny Counter.

Best New Actor si Lee Do Hyun para sa 18 Again, at Best New Actress naman si Park Ju Hyun para sa Extracurricular.

Continue reading below ↓

Maliban sa K-dramas, binibigyan din ng parangal ng Baeksang Arts Awards ang variety at entertainment programs.

Ang popular TV host na si Yoo Jae Suk ang ginawaran ng Daesang o Grand Prize, ang pinakamataas na karangalan sa isang award-giving body. Si Yoo Jae Suk ay napapanood sa popular variety programs na Running Man (SBS) at How Do You Play (MBC).

Best Male Entertainer naman ang actor-singer na si Lee Seung Gi para sa Master In The House, at Best Female Entertainer si Jong Do Yeon para sa I Live Alone.

FILM CATEGORY

Sa film category, itinanghal na Best Actor si Yoo Ah In para sa kanyang role bilang pipi sa Voice of Silence.

Best Actress naman si Jeon Jong Seo para sa The Call.

Best Supporting Actor si Park Sung Min para sa Deliver Us From Evil, at Best Supporting Actress si Kim Sung Young para sa Three Sisters.

Best New Actor si Hong Kyung para sa pagganap niya sa Innocence, at Best New Actress si Choi Jung Woon para sa Moving On.

Continue reading below ↓

Ang itinanghal na Best Picture ay ang Samjin Company English Class, at Best Director si Hong Ui Kung para sa kanyang obra na Voice of Silence.

Ang nakatanggap ng Daesang sa Film category ay ang direktor na si Lee Jon Ik para sa The Book of Fish.

LIST OF WINNERS

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa Baeksang Arts Awards 2021:

Television

Grand Prize: Yoo Jae Suk

Best Drama: Beyond Evil

Best Director: Kim Chul Gyu, Flower Of Evil

Best Actor: Shin Ha Kyun, Beyond Evil

Best Actress: Kim So Yeon, The Penthouse

Best Supporting Actor: Oh Jung Se, It's Okay To Not Be Okay

Best Supporting Actress: Yeom Hye Ran, The Uncanny Counter

Best New Actor: Lee Do Hyun, 18 Again

Best New Actress: Park Ju Hyun, Extracurricular

Best Male Entertainer: Lee Seung Gi, Master In The House

Best Female Entertainer: Jang Do Yeon, I Live Alone

Best Variety Show: MBC's Hangout With Yoo

Continue reading below ↓

Best Educational Show: KBS' Archive Project - Modern Korea 2

Best Technical Award (Costumes): Cho Sang Kyung, It's Okay To Not Be Okay

Best TV Screenplay: Kim Su Jin, Beyond Evil

TikTok Popularity Award (Male): Kim Seon Ho

TikTok Popularity Award (Female): Seo Ye Ji

Film

Grand Prize: Lee Joon Ik, The Book of Fish

Best Film: Samjin Company English Class

Best Director: Hong Ui Jung, Voice of Silence

Best New Director: Yoon Dan Bi, Moving On

Best Actor: Yoo Ah In, Voice of Silence

Best Actress: Jun Jong Seo, The Call

Best Supporting Actor: Park Jung Min, Deliver Us From Evil

Best Supporting Actress: Kim Sun Young, Three Sisters

Best New Actor: Hong Kyung, Innocence

Best New Actress: Choi Jung Woon, Moving On

Best Visual Effects: Jang Song Jin and Jang Cheol Min, Space Sweepers

Best Movie Screenplay: Park Ji Wan, The Day I Died: Unclosed Case

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baeksang Arts Awards 2021 winners: (from left) Shin Ha Kyun, Best Drama Actor for Beyond Evil; Yoo Ah In, Best Film Actor for Voice of Silence; Kim So Yeon, Best Drama Actress for The Penthouse; You Jae Suk, Grand Award for TV; and Lee Seung Gi, Best Male Entertainer for Master In The House.
PHOTO/S: Twitter / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results