Dave Bornea "confident" na mas sexy kina Paul Salas, Derrick Monasterio

by Rose Garcia
May 21, 2021
Masaya si Dave Bornea na sa kabila ng pandemya ay nagkaroon siya ng TV series sa GMA-7 at movie. "Amen pa rin po...meron pa rin po talagang pumapasok," aniya.
PHOTO/S: @davebornea23 on Instagram

Pinagbidahan ni Dave Bornea ang magtatapos na GMA Afternoon Prime teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat.

Siya ang leading man ni Pauline Mendoza.

Ibig ba sabihin nito ay lead roles na ang tatanggapin ng Kapuso star?

Ayon kay Dave na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang online interview, ang GMA-7 daw ang makakaalam kung anong roles ang kanyang dapat tanggapin.

Aniya, “Nasa GMA naman po iyon, pero ako po kasi, nagtitiwala naman ako sa kanila na hindi nila ako pababayaan.

“And since nandito na ko, nandito na ko sa stage na ito, we’ll see kung ano ang mangyayari sa next chapter and basta, I’ll pray for that.

"Ayoko munang mag-expect too much pero gagawin ko lang iyong best ko sa trabaho.”

Nararamdaman naman daw niya ang pag-aalaga sa kanya ng GMA-7 simula pa nang mabuo ang kanilang boy group na One Up, hanggang sa mabigyan siya ng iba’t-ibang serye kabilang na ang Alyas Robinhood, kung saan mas napansin siya bilang isang actor.

Continue reading below ↓

Sabi ni Dave, “Nandito na po ako sa GMA for six years. At each year naman po, may nangyayari pong magaganda.”

Si Dave ang unang natanggal sa Top 18 ng StarStruck Season 6, pero ang mismong ultimate winner ng batch nila na si Migo Adecer ay wala na sa showbiz, gayundin sa iba pang top placer.

Nakikita ba niya bilang isang advantage para sa kanya ang pag-alis ni Migo sa showbiz?

Aniya, “I don’t wanna think that way or isipin na advantage ko kasi umalis na si Migo, wala naman po akong ganoon and kaibigan ko rin naman si Migo. Support din naman po ako sa kanya all the way.

“Pero ayokong—parang well, nakaka-eww lang na porke’t umalis, magte-take advantage. Hindi po ganoon, kung ano ang dumating. And lahat naman po ng ginawa ko, trinabaho ko naman. Let see what I deserve na lang po.”

DAVE BORNEA ON WORKING WITH LOVE-TEAM PARTNER PAULINE MENDOZA

Tungkol naman sa love team nila ni Pauline sa Babawiin Ko Ang Lahat, tingin ba niya ay kinagat ito ng viewers kahit sa totoong buhay, alam ng lahat na may boyfriend ito?

Continue reading below ↓

“Sa akin naman, when it comes to kakarerin ang love team, hindi na siya—kasi, may boyfriend si Pauline, di ba? Kumbaga, pinagtagpo po talaga kami for the show.

“Wala naman po ako iyong kailangan maging sweet kami ni Pauline, kailangan comfortable kami, wala naman pong ganoon,” lahad niya.

Si Pauline ay girlfriend ng millennial mayor ng Alaminos City na si Bryan Celeste.

Dahil nagkasama at naging magkapareha sila, sumagi ba sa isip ni Dave na sana ay naging single lang si Pauline?

“Kung single siya, baka there will be changes,” natawang sagot niya. “Kasi mabait naman si Pauline, magaling naman si Pauline. Pero, sa ngayon kasi, we’re talking of the present and may boyfriend nga siya and I do respect the relationship.”

Kung may boyfriend si Pauline, may usap-usapan naman na may non-showbiz girlfriend si Dave at nagli-live-in daw sila?

“Wala po,” mabilis niyang tanggi.

“Ang masasagot ko lang po, as of now, wala po. Hindi naman maiiwasan na may mga nakikipagkita tayo, but it’s way back before pandemic. Pero wala po, kung meron man po kasi, darating at darating din po.”

Continue reading below ↓

Paano kung isang araw, may batang lalabas at sasabihing anak niya?

Nangyari ang ganitong senaryo sa kanyang co-star sa Babawiin Ko Ang Lahat sa Akin na si Kristoffer Martin.

“Ang masasabi ko lang, kung mangyayari man iyan na nasa showbiz industry pa ako, 'tapos, nangyari na may anak ako, baka ganoon din ang gawin ko, gaya kay TunTun [Kristoffer's nickname] na hindi ko muna ipapalabas,” saad niya.

Pero bakit?

“Hindi mo naman kailangan ilabas lahat, kumbaga, may privacy rin naman. There will always be the right time for that—iyan ay kung mangyari man na magkaaanak ako.

“Kasi ako, kahit may social media ako, kung ano ang ipinapakita ko, iyong fifty percent, that’s my personal life na hindi ko kailangang ipakita sa lahat.

“Sa social media naman, the reason why I post is to spread some good vibes. Makapag-share ako ng magandang vibes sa kung sino man ang makakakita.”

DAVE BORNEA ON WORKING DURING THE PANDEMIC

Inamin ni Dave na maraming oportunidad ang nawala sa kanya dail sa pandemya. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil nakagawa siya ng pelikula, ang Ang Huling Bakla sa Balat ng Lupa, na dinirek ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

“It’s a comedy film po, comedy-drama at maganda po siya. Meron din po akong coming na digital film, online naman. Kaya amen pa rin po kasi, meron at meron pa rin po talagang pumapasok.”

Dahil sa trabaho ay naiwan si Dave sa Manila kasama ang isang nakababatang kapatid, habang ang pamilya naman niya ay nasa Cebu.

“Last time na nagkita kami, December 2019 pa. Nagkataon na nandoon lang ako kasi may work, may commercial shoot. Nagpunta sila, nanood, pero sakto lang iyong time na na-spent namin.

“May plano kasi talaga na 2020, magkakasama, uuwi ako ng mga two weeks. Ayon lang, nagkaroon ng pandemic kaya hindi natuloy. May two years na kaming hindi nagkakasama.”

Sa Messenger, group chat at video calls na lang daw sila nagkikita-kita kahit na pare-parehong nasa Pilipinas lang sila.

Pag-amin niya, “Mahirap din po. Kasi ayon nga, hindi mo maiiwasang ma-miss mo sila. Hindi mo maiiwasang mag-worry ka sa kanila. Hindi rin maiiwasan iyong anxiety mo sa kanila kasi nga, malayo sila 'tapos, iyong anxiety rin nila.”

Continue reading below ↓

DAVE BORNEA ON TOP 3 SEXIEST KAPUSO MALE STARS

Sa mga Kapuso male stars, isa si Dave sa inaabangan din ang mga topless, pa-abs niyang post sa kanyang Instagram account.

Kapansin-pansing mas napapadalas.

Natatawang sagot ng 26-year-old Kapuso, “Ano lang iyon, kasi nga ngayon, di ba, I’m more into dancing. Mas nakapag-focus ako sa sarili ko sa pagwu-workout, pagsasayaw, and since it’s summer, nag-post lang ako ng mga ganoon.

“Saka, hindi naman ako palaging nagpu-post ng mga ganoon, ngayon lang kasi summer. Sabayan lang natin ang init ng tag-araw.”

Continue reading below ↓

Hindi naman niya itinanggi na nae-enjoy niya ang natatanggap na appreciation sa kanyang katawan.

“Nakakataba rin naman po ng puso,” saad niya. “Ngayon nga, may nakikita ako sa IG ko na parang may voting-voting sila ng mga hot men at kasama ko roon.

“Nakakatuwa pero, hindi naman ako iyong nagpu-post ako para may patunayan ako, wala naman.”

Wala nga ba siyang gustong patunayan?

“Wala naman, sinabayan ko lang ang summer, ayon lang naman,” natawa niyang sabi.

Kung siya ang tatanungin, sino ang Top 1, 2, at 3 sexiest Kapuso male stars: siya ba, si Paul Salas o si Derrick Monasterio?

“Grabe naman iyan,” natatawang reaksiyon ni Dave.

“Depende kasi iyan on how you tackle sexiness. Pero siguro, confident ako na ako ang top 1. Then top 2 ko si Paul Salas at top 3 ko si Derrick Monasterio.

“Sabihin na natin iyong physique nila, sexy sila, no doubt. Napakagaganda ng mga katawan ng mga idolo ko. Pero sexy ako kapag ako ang sumayaw, ayon lang, doon ako sexy.

Continue reading below ↓

“Pasayawin mo kaming tatlo, ako ang sexy,” may kumpiyansang sagot niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya si Dave Bornea na sa kabila ng pandemya ay nagkaroon siya ng TV series sa GMA-7 at movie. "Amen pa rin po...meron pa rin po talagang pumapasok," aniya.
PHOTO/S: @davebornea23 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results