Piolo Pascual says he would have loved to work with Judy Ann Santos in Doctor Foster remake

by Melba R. Llanera
May 24, 2021
Piolo Pascual: "Sabi ko nga, kung tinanggap ni Juday, kung gagawin ni Juday, I'll do it. I'll do it in a heartbeat. It would be nice to work with her again."
PHOTO/S: @piolo_pascual / @officialjuday Instagram

Bago pa man inanunsiyo ng ABS-CBN na sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, at Sue Ramirez ang mga bibida sa Pinoy remake ng sikat na seryeng Doctor Foster, matunog na hiling ng fans na ito sana ang magsilbing comeback project nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos.

Huling napanood ang dalawa sa pelikulang Don't Give Up On Us noong 2006; at mula noon ay inaabangan ng mga tagahanga ng dalawa kung kailan sila magbabalik-tambalan.

Kung sakaling na-offer ang Doctor Foster remake kay Piolo, hindi raw magdadalawang-isip ang A-list actor na tanggapin iyon para makatrabaho uli si Judy Ann.

Ito ay sa kabila ng binitiwang salita ni Piolo noong March 2019 na ayaw na niyang gumawa ng teleserye.

Pahayag ni Piolo: "I was talking to my friends about it and I knew the casting long before.

"Sabi ko nga, kung tinanggap ni Juday, kung gagawin ni Juday, I'll do it.

"I'll do it in a heartbeat. It would be nice to work with her again."

Continue reading below ↓

Juday ang karaniwang tawag kay Judy Ann ng malalapit na kaibigan at fans.

Eksklusibong nakapanayam ni Bianca Gonzalez si Piolo sa Cinema News noong May 14.

Ayon kay Piolo, bukod sa laki ng utang na loob niya kay Judy Ann ay tagahanga siya talaga ng aktres.

"Juday is Juday. I'm always gonna be a fan.

"Ang laki ng utang na loob ko dun, I'm always gonna say that.

"If there's a chance for us to work again, anytime, anytime."

Hindi man pinalad na mapunta sa kanya ang proyekto, masaya naman si Piolo sa napiling lead cast members ng Pinoy remake ng Doctor Foster, o may titulong The Broken Marriage Vow.

"It could've been nice, but I'm happy for Zanjoe and Jodi. They're my friends too, kayang-kaya nila yun," sabi ni Piolo.

MISSING ABS-CBN

Hindi rin naitago ni Piolo na nami-miss pa rin niya ang Kapamilya network. Isa pa rin daw siyang Kapamilya.

Continue reading below ↓

"Kapamilya? Yeah. I miss everyone, my family in ASAP, my bosses, my fellow stars, the production people who became my family.

"I literally grew up in ABS. Everyone around in ABS—the people, the Kapamilyas.

"Nakaka-miss din kasi you're not as visible, as active. You kinda miss, ganun."

PIOLO'S UPCOMING MOVIE PROJECTS

Tinanong din si Piolo sa mga proyektong nakalinya niyang gawin at aabangan sa kanya ngayong taon.

Isa raw sa mga inaabangan niyang maipalabas na ay ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi.

Ayaw raw niyang ma-preempt iyon, pero pagmamalaki ni Piolo, "All I can say is Alessandra is on her tip-top shape. She wrote the film, she produced the film, she directed the film. Iba yung talent na gift na mayroon si Alessandra."

Excited na rin si Piolo na maipalabas ang pelikula nila ni Jasmine Curtis-Smith na Real Life Fiction, na ang director ay si Paul Soriano.

"It was shot during the bubble last year. We finished it in August. It's gonna be streamed soon as well," ani Piolo.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "I also did one movie with Brillante Mendoza, supposedly for the centenial celebration of the Philippines. Hindi pa natapos but I'm done with my part.

"Those are the three films that have yet to be shown."

May mga nakaplano na rin daw na proyekto para kay Piolo ngayong 2021.

Aniya, "I have three movies in the pipeline. Hopefully before the year ends, I'll able to finish all three."

Huling napanood si Piolo sa Sunday Noontime Live ng TV5, at pagkatapos nito ay hindi na siya napanood sa iba pang projects.

Paliwanag naman ng aktor, sa telebisyon lang siya pansamantalang namahinga pero hindi sa paggawa ng pelikula.

"I was never away, I took my time. I guess I just skipped TV. I wanted to focus more on being a probinsyano.

"For me, my first love, my passion, has always been the movies. I love films, and that's really my priority. I'm really gearing towards doing movies now."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual: "Sabi ko nga, kung tinanggap ni Juday, kung gagawin ni Juday, I'll do it. I'll do it in a heartbeat. It would be nice to work with her again."
PHOTO/S: @piolo_pascual / @officialjuday Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results