Eula Valdes joins Book 3 of The Half Sisters


Ang The Half Sisters ang isa sa matagal ng GMA Afternoon Prime na tumatagal sa ere. May balita pa itong mag-e-extend hanggang ngayong March 2015.
May papasok pa na panibagong karakter, si Ysabel sa katauhan ng magaling na aktres na si Eula Valdes.

Bilang pagwe-welcome na rin kay Eula sa The Half Sisters, kasama ang ilan sa production ng teleserye ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula at ang director ng programa na si Direk Mark Reyes.
Ang una ngang tanong kay Direk Mark, bakit naisipan pa nilang ipasok si Eula gayong nanatili namang mataas ang rating ng The Half Sisters?
Sinagot naman ito ni Direk Mark, “Kasi, tapos na kami sa Book 2. And noong natapos na namin yung book na yun, we needed a Book 3. Sa akin, sabi ko, kailangan nating magdagdag ng bagong character.
“E, fan ako ng Amor Powers at Claudia [from Pangako Sa 'Yo], so, sabi ko, why not we get an original? Long shot ‘yan. Kasi nga, I don’t know kung mag-aano pa ang network, ipapasok pa si Eula kasi, major actress.
“E, pumayag. So, sige, laban. And she’s available naman, so, we’re all happy, level up naman.”
Tinitingnan ni Direk Mark ang The Half Sisters ngayon na parang bagong serye na naman sa pagpasok ng karakter ni Eula at sa muling pagbabalik ng karakter ni Jomari Yllana.
“Actually, we’re still developing the script. Baka magkamali ako. Pero next week, papasok na ang character niya.”
Hindi raw masasabing kontrabida si Eula sa afternoon TV series na ito.
Sabi nga ni Direk Mark, “The magic of the characters in the soap, they are all gray characters. Kahit si Ashley na dating nagpapahirap, siya ang kawawa ngayon. Her character kasi will depend on her love for Benjie [Jomari].
Naitanong din namin kay Direk Mark kung may posibilidad na siya ang maging director ng bagong primetime series na gagawin ng kanyang inaanak na si Dingdong Dantes.
Pero ayon dito, “I know that, he mentioned that to me nga. Pero hindi, malabo dahil itong The Half Sisters, nag-extend pa and baka, baka posibleng beyond March pa ang airing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN