Kim Atienza suggests these titles if ABS-CBN shows get to air on GMA-7

by Arniel C. Serato
May 24, 2021
Kim Atienza suggests funny titles for ABS-CBN and GMA-7 shows if the latter allows blocktime agreement with its rival station that went off air last May 2020 due to its expired franchise.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Kinagiliwan ng netizens ang nakatutuwang komento ni Kim Atienza sa artikulo ukol sa posibilidad na maging bukas ang GMA-7 para tumanggap ng blocktime agreement sa ABS-CBN.

Noong Huwebes, May 20, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang artikulong may pamagat na "Is GMA-7 open to blocktime arrangement with ABS-CBN?"

Laman ng ulat ang sinabi ni GMA chairman and CEO Felipe L. Gozon sa Annual GMA Stockholders’ Meeting na ginanap noong May 19, 2021.

Natanong siya ng isa sa shareholders kung may posibilidad bang tumanggap ang GMA-7 ng blocktime arrangement sa ABS-CBN.

Sagot ni Gozon: “Being open for ABS artists has nothing to do with being open to a blocktime arrangement with ABS-CBN.”

Ito lang daw ang masasabi niya sa ngayon dahil wala pa silang natatanggap na proposal.

Saad niya, “But the situation right now is that there is no talk, there is no proposal, there is nothing to consider.

"But we are not closing the door. Every proposal that will come our way will be seriously evaluated.”

Continue reading below ↓

kuya KIM’S FUNNY COMMENT

Sa Facebook kung saan nai-share ang artikulo ng PEP.ph, nagkomento ang weatherman ng ABS-CBN na si Kim Atienza.

Dito ay nag-suggest siya ng mga posibleng title kapag pinagsama ang mga programa ng ABS-CBN at GMA-7.

Pakuwelang sabi niya: “Ang bagong title ng noontime show ay It's Bulaga at ang primetime news naman ay 24 patrol. Back to you guys (smile emoji)”

Kim Atienza viral comment

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Kim ay ang pinagsamang titulo ng noontime shows na It's Showtime at Eat Bulaga!, at ang primetime newscasts ng dalawang istasyon na 24 Oras at TV Patrol.

Ang komentong ito ni Kim ay nakakuha ng libu-libong likes mula sa netizens.

Sumagot naman ang maraming netizens sa kanya. Ang iba sa kanila ay ni-rumble-rumble din ang titulo ng mga palabas ng ABS-CBN at GMA-7.

Paano kung ang Matanglawin ni Kim at ang AHA! ni Drew Arellano ay pagsamahin?

Magiging “MATANG AHA! po naman sa LINGGO,” sabi ng netizen.

O kaya ay “born to be lawin” na pinagsamang Born to be Wild at Matanglawin.

Ang Gandang Gabi Vice naman ni Vice Ganda at maaaring ihu-host na ni Vic Sotto at gawin namang “Gandang gabi Vic.”

Maalaala mo magpakailanman” naman daw kung pagsasamahin ang Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos at Magpakailanman ni Mel Tiangco.

Narito pa ang ilan sa komento ng netizens:

Continue reading below ↓

Netizens suggest titles if ABS-CBN shows get to air on GMA-7

Netizens suggest titles if ABS-CBN shows get to air on GMA-7

Continue reading below ↓

Netizens suggest titles if ABS-CBN shows get to air on GMA-7

Netizens suggest titles if ABS-CBN shows get to air on GMA-7

Continue reading below ↓

Netizens suggest titles if ABS-CBN shows get to air on GMA-7

Sa ngayon, may blocktime agreement ang ABS-CBN sa A2Z Channel 11 at TV5.

Mapapanood din ang iba nilang palabas sa cable, online, at iWantTFC.

Nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN sa free TV matapos patayin sa Kongreso ang franchise application ng dating giant network.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza suggests funny titles for ABS-CBN and GMA-7 shows if the latter allows blocktime agreement with its rival station that went off air last May 2020 due to its expired franchise.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results