Ang Probinsyano fans plead to John Arcilla to stop chasing Cardo

by Arniel C. Serato
Jun 2, 2021
John Arcilla thanks netizens for supporting Ang Probinsyano: "Kakatuwa lang kasi napaka PLEASANT hindi siya ANTAGONISTIC. Thank you po for supporting FPJ AP."
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Mainit pa rin ang mga eksenang bakbakan sa pagitan ng grupo nina Renato Hipolito (John Arcilla) at ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa Kapamilya prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Natunton na kasi ni Hipolito ang pinagtataguan ng Task Force Agila nina Cardo.

Dahil dito, palaging trending ang episodes ng teleserye mula pa noong nakaraang linggo hanggang ngayon.

Sa kanyang Instagram at Facebook, ibinahagi ni John ang mga nakatutuwang komento at suhestiyon ng ilang fans na dalang-dala sa mga madudugong eksena sa Ang Probinsyano.

Nakiusap ang fans kay John, bilang si Hipolito, na tigilan na ang pagtugis nito sa grupo nina Cardo. Ilang araw na raw kasi silang tumatakbo sa mga eksena at baka pagod na sila.

Pangamba rin nitong baka maubusan ng bala ang grupo nina Cardo, at si Aling Virgie (Shamaine Buencamino) ay pagod na rin.

Sabi ng netizen (published as is), “John Arcilla Mr. Hipolito hayaan mo na sana sila Cardo at ang mga Agila, simula pa nung biyerness takbo na sila ng takbo, wag nyo na sila habulin, pagod na pagod na si Aling Virgie kakatakbo, may tama pa ng bala si Major Roxanne, please tama na po kakahabol, naubusan na din sila ng bala kaka baril sa inyo, kapag naubusan ng dugo si Manager Ramil malamang mamatay din yun, nakaka awa na si Don Ramon binaril mo na binaril pa ng kasama mo tsk!

Continue reading below ↓

“Anyway God Bless you po Mr. Hipolito.

“P.S. Sana mapagod din kayo kakahabol sa kanila.”

Hindi ito sinagot ni John.

Pero sabi ng award-winning actor sa caption: “Sobrang NAALIW LANG AKO sa comment ng isang fan ng Ang Probinsyano. Kakatuwa lang kasi napaka PLEASANT hindi siya ANTAGONISTIC. Thank you po for supporting FPJ AP!”

Sa isa pang post, tinanong naman si John ng isa pang netizen kung bakit habang tumatagal ang kakahabol nila sa grupo ni Cardo ay dumadami naman daw ang kanyang mga tauhan.

Buong tanong ng netizen, “Mr.HIPOLITO sir tanong ko lang po.apat na sasakyan lang Ang dala.ninyo para tugisin si cardo dalisay. Bakit po habang tumatagal na habol nnyo Kay kuya cardo at sa dami ng namatay na tauhan mo ay lalo’ pa silang dumamo. Tanong ko lang po Mr.hipolito may back up na tauhan po ba kayo?”

Pabirong tugon ni John sa kanya: “oo habang naghahabulan kami- tuluy tuloy lang ang dating ng mga trak trak na tauhan ko- D nyo lang nakikita kasi busy na kami sa kakatakbo- Tapos habang nagbabarilan- tawag din ako ng tawag ng mga dadating na trak trak kaso d na din namin nai-share kasi busy na kami sa barilan…”

Nakasulat pa sa caption ni John: “Mula sa isa nanamang nakaka aliw na fan ng Probinsyano. Sana po nasagot ko ng maayos ang inyong katanungan. Labyu- Hipolito”

Continue reading below ↓

Mag-aanim na taon na sa Setyembre 2021 ang Ang Probinsyano.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla thanks netizens for supporting Ang Probinsyano: "Kakatuwa lang kasi napaka PLEASANT hindi siya ANTAGONISTIC. Thank you po for supporting FPJ AP."
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results