Vice Ganda says Everybody Sing is a "blessing" despite limited budget, less contestants

by Rose Garcia
Jun 3, 2021
Vice Gnada: "Finally, ipapalabas na ang Everybody Sing. Originally scheduled ang pilot, 2020, pero tinamaan kami ng pandemic at closure ng ABS-CBN."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Simula June 5, 2021, araw-araw nang mapapanood si Vice Ganda sa iWantFC, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at TFC.

Bukod sa afternoon show niyang It’s Showtime from Mondays to Fridays, meron na rin siyang nighttime show, ang Everybody Sing, tuwing Sabado at Linggo.

Ang kuwento ni Vice sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email, "Finally, ipapalabas na ang Everybody Sing. Originally scheduled ang pilot, 2020, pero tinamaan kami ng pandemic at closure ng ABS-CBN.

“Pero masaya ako at excited.”

Kinailangan nga lang baguhin ang bilang ng players para masunod ang safety protocols.

Aniya, “Nanghihinayang din ako dahil nga sa pandemic. Originally, 100 sana ang maglalaro, but since COVID, siyempre hindi puwede ang maraming contestants.

“May limit lang ang mga players. From 100, we are down to 25. Sayang kasi kumonti iyong mga taong may opportunity to win.”

Hindi lang sa bilang ng mga contestants nag-adjust ang Everybody Sing para matuloy itong umere.

Continue reading below ↓

Pati raw ang premyong mapapanalunan ay nabawasan bagamat malaki pa ring amount ito.

“Since nawala ang franchise and ang Dos, limited din ang budget ngayon from two million prize, naging PHP500,000 na lang ang cash prize,” kuwento ni Vice.

“Nag-resume kami ng taping and there are certain episodes that we shot before na ipapalabas sa latter part ng show.”

Na-delay man ng mahigit isang taon ang pag-ere ng Everybody Sing, para kay Vice, "blessing" pa rin ito.

“It’s something new and I am very excited kasi, I am able to banter with people again. May 25 na tao akong nakakausap per episode at mayroong mga nagre-react sa mga jokes ko.”

At sinigurado niyang mahigpit na ipinapatupad ng safety protocols.

Aniya, “We strictly follow the protocols.

"All contestants are swabbed and locked-in prior to tapings. Matrabaho, ma-proseso, pero very fulfilling at very much worth it.”

Mukhang inspired si Vice ngayon sa trabaho.

Continue reading below ↓

Bukod sa Everybody Sing, si Vice rin ang isa sa nag-conceptualize ng bagong segment ng It’s Showtime na “Reina ng Tahanan.”

Sa July 17 at 18 naman ang kanyang Gandemic online concert, at maaari nang bumili ng tickets. Mapapanood ito sa ktx.ph, TFC, iWantTFC, at SkyPPV.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Gnada: "Finally, ipapalabas na ang Everybody Sing. Originally scheduled ang pilot, 2020, pero tinamaan kami ng pandemic at closure ng ABS-CBN."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results