Did you know: Dingdong Dantes was once a cheerleader?

by Rose Garcia
Jun 5, 2021
Back when Dingdong Dantes was popular among teens as Inaki Torres, his character in the defunct GMA-7 youth-oriented show TGIS, he was also a court heartthrob as a cheerleader.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

Viral ulit ang video ni Dingdong Dantes noong naging cheerleader para sa San Beda College.

Nang dahil sa pagbubukas ng season ’96 ng NCAA (National Collegiate Athletic Association) sa bago nitong tahanan, ang GMA-7, na-revive ang nasabing video na unang pinag-usapan ng mga fans sa social media noong 2016.

Mahigit dalawang dekada na ang video dahil kuha ito noong October 7, 1999, at ipinost, many years later, sa Facebook ng netizen na si Arnold Jocson Gasparillo.

Continue reading below ↓

Sa episode ng Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season ’96 noong May 25, 2021, ipinakita na noong kasagsagan ng popularity ni Dingdong sa TGIS, na umere mula 1995 hanggang 1996, ay tinilian rin siya ng mga sports fans bilang miyembro ng San Beda Cheerleaders Association.

Ang comment ni Sophia Senoron, isa sa hosts ng NCAA Primer, "Sobrang yun ang hitsura pa rin niya ngayon. Sobrang pogi.

"Yes, Dingdong Dantes! He actually performed in San Beda Cheerleaders Association, and it’s so cool and fascinating, ‘di ba? Hindi mo maiisip na cheerleader pala si Dingdong."

Sa mga nasubaybayan ang career ng aktor, una muna itong nakilala bilang miyembro ng Abztract Dancers.

Sa isa pang episode, nakausap naman nang live ng co-host ni Sophia na si Martin Javier si Dingdong.

Ayon sa 40-year-old Kapuso star, “Hindi ako masyadong pinagpala sa basketball. Baka naman meron akong ma-contribute rito kahit paano then I joined.

Continue reading below ↓

“Yun ang first experience ko being in a coliseum.”

Natatawang nag-comment pa si Dingdong tungkol sa mga moves niya noon.

"Siyempre, yun ang purpose ng cheering squad, to pump up and to cheer up, not just the audience but also the players."

Mapapanood ang guesting na ito ni Dingdong ngayong Sabado, June 5, at 4:30 p.m. sa GTV.

Pero araw-araw, napapanood ang NCAA Primer sa GTV sa mga ganitong araw at oras: Mondays to Fridays, 2:45 p.m., Saturday, 4:30 p.m., and Sunday 5:05 p.m.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Back when Dingdong Dantes was popular among teens as Inaki Torres, his character in the defunct GMA-7 youth-oriented show TGIS, he was also a court heartthrob as a cheerleader.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results