Kristoffer Martin grateful to GMA-7 "habang buhay"

by Rommel Gonzales
Jun 5, 2021
Kristoffer Martin (with co-star Elle Villanueva) on his unconditional loyalty to GMA-7: "GMA has been there for me sa 10 years ko sa industry na ito. They’ve honed me sa kung ano ako ngayon."

Halong kilig at iyak ang ihahatid ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang special guesting sa episode ng Magpakailanman na pinamagatang "Prisoners of Love."

Gaganap si Kristoffer bilang si Michael, kasama pa ng ibang miyembro ng cast na sina Elle Villanueva bilang Evelyn, Victor Anastacio bilang Ayeng at Don Umali bilang Tatay Eko.

Ang "Prisoners of Love" episode ay sa direksyon ni Conrado Peru, panulat ni John Roque at pananaliksik ni Angel Lauño.

Mabigat ang papel ni Kristoffer sa MPK. Sa tunay na buhay, hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pamilya?

Saad niya, "Lahat naman gagawin mo para sa pamilya mo. Iindahin ang lahat maging maganda lang ang buhay nila. Titiisin mo ang lahat kahit pagkatao mo pa iyong matapakan."

Dahil sa hirap ng buhay ngayon dahil sa pandemya, uso sa mga male models at male stars ang nagbebenta ng intimate videos. Ano ang opinyon niya tungkol dito?

Continue reading below ↓

Kibit-balikat niya, "We all have our opinions tungkol dito. Kanya-kanyang hustle lang sa buhay iyan. Lahat naman ng ginagawa natin ay choice natin."

Uso ang lipatan sa mga TV networks. Si Kristoffer ba ay na-offer-an na ng ibang TV networks? Na-tempt ba siya? Ano ang dahilan at solid Kapuso siya hanggang ngayon?

"GMA has been there for me sa 10 years ko sa industry na ito. They’ve honed me sa kung ano ako ngayon. Habang buhay kong tatanawing utang na loob ito sa Kapuso Network," deklara niya.

Matinding pagsubok ang naranasan ni Kristoffer noong magka-COVID ang buong pamilya niya. Sinu-sino ang dinapuan ng sakit at kailan eksakto? Ano ang matinding aral ang natutunan niya mula dito? Ano ang pinaghugutan nila ng tibay at lakas ng pagkatao para malampasan iyon?

Pagbabalik-tanaw niya, "September last year sila tinamaang tatlo. Nag-start kay Mama 'tapos nagkahawaan na silang lahat. Mahirap lalo na malayo ako. Iba iyong anxiety ko kasi di ko sila pwede puntahan. Pero ako ang naggu-grocery para sa kanila, nilalagay ko lang sa labas ng bahay. Mas naging matatag iyong relationship namin as a family. Mas nakita iyong importance ng isa’t isa sa amin."

Continue reading below ↓

Kapag natapos na ang pandemya, saan unang gustong pumunta ni Kristoffer at bakit at sino ang isasama niya?

Pag-amin niya, "Na-miss ko na mangibang bansa. Di pa kasi nakakalabas ang parents ko ng ibang bansa. Baka sila isama ko."

Sa palagay niya, ano ang isang bagay na na-miss ni Kristoffer na hindi niya nagawa dahil sa pandemya?

Sabi niya, "Na-miss ko iyong external shows. Iyong magpe-perform ka sa mga fiesta at malls. Na-miss ko mag-perform sa harap ng madaming tao."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristoffer Martin (with co-star Elle Villanueva) on his unconditional loyalty to GMA-7: "GMA has been there for me sa 10 years ko sa industry na ito. They’ve honed me sa kung ano ako ngayon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results