Jennylyn Mercado welcomes John Lloyd Cruz to GMA Network

by Rachelle Siazon
Jun 7, 2021
Kapuso actress Jennylyn Mercado on John Lloyd Cruz transferring to GMA Network: "Welcome to GMA Lloydie!"
PHOTO/S: Jennylyn Mercado Facebook / Screengrab from Wowowin

Nauna na si Jennylyn Mercado na personal na i-welcome si John Lloyd Cruz sa GMA Network.

Ito ay dahil magkasama ang dalawa sa isang brand event na ginanap sa Araneta Coliseum at live na napanood sa GMA Network noong Linggo ng gabi, Hunyo 6.

Pagkatapos ng event ay masayang ibinahagi ni Jennylyn ang ilang litrato na kuha nila ni John Lloyd.

Sa unang litrato ay makikitang parehong todo ang ngiti ng dalawa sa camera.

Continue reading below ↓

Sa ikalawang litrato ay kasama nila ang isa pang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Sabi ni Jennylyn sa pagkikita nilang muli ni John Lloyd, "Welcome to GMA Lloydie!"

Continue reading below ↓

Dating nagkatambal sina John Lloyd at Jennylyn sa Just The 3 of Us, ang 2016 romantic-comedy film na iprinodyus ng Star Cinema.

Noong panahong iyon, nasa bakuran pa ng ABS-CBN si John Lloyd, na kilalang premyadong aktor at homegrown talent ng Kapamilya network.

JOHN LLOYD'S TV COMEBACK

Ang paglabas ni John Lloyd sa brand event na umere sa GMA-7 ang unang pagkakataong nasilayan siyang muli sa telebisyon makalipas ang halos apat na taong pagla-lie-low niya sa mundo ng showbiz.

Dito ay kinumpirma ni John Lloyd na ang Wowowin host na si Willie Revillame ang nagbigay-daan sa kanyang TV comeback.

Emosyonal na sabi ni John Lloyd, "Kuya Willie, andito ako dahil sa iyo."

"Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula at alam ko dito tayo magtatapos din. Welcome back, John Lloyd Cruz," madamdaming sabi ni Willie.

PRIME-TIME SHOW IN GMA

Kinumpirma rin ni Willie na may pagsasamahan silang "prime-time show" ni John Lloyd sa GMA Network.

Continue reading below ↓

May special shoutout din si Willie kay Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Films President and Programming Consultant to the Chairman and CEO.

Ayon kay Willie, si Atty. Annette ang isa sa mga kausap niya tungkol sa nilulutong proyekto nila ni John Lloyd at nanonood daw ang abogada sa kanilang show sa Araneta.

"Bakit wala ka dito, Ma'am?” nangingiting hirit ni John Lloyd.

Sabay sabi ni John Lloyd na nais niyang personal na dalawin din ang GMA executive.

"Hindi, Ma’am. Diyan ka lang. Kung pwede kami ang pupunta sa iyo," dagdag ni John Lloyd.

Nag-shoutout din si Willie kay Maja Salvador, na owner at head ng Crown Artist Management, ang talent management company na humahawak sa showbiz career ni John Lloyd.

Nag-pan ang camera sa bandang audience sa Araneta kunsaan makikitang kasama ni Maja ang nobyo at business partner na si Rambo Nuñez.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Jennylyn Mercado on John Lloyd Cruz transferring to GMA Network: "Welcome to GMA Lloydie!"
PHOTO/S: Jennylyn Mercado Facebook / Screengrab from Wowowin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results