Maxine Medina considers network transfers "a good thing" for stars

by Rommel Gonzales
Jun 12, 2021
Ang Magpakailanman episode ni Maxine Medina ay pinamagatang "Mahal Kita, Mahal Mo siya," kasama niya si Dion Ignacio.
PHOTO/S: @maxine_medina on Instagram

Hindi ikinagulat ni Maxine Medina ang paglipat ng mga dating Kapamilya na sina Pokwang at Beauty Gonzalez.

"I think it’s a good thing for us, actors/entertainers, that we explore all the opportunities around us.

"Most especially in the showbiz industry, it’s not a one-way benefit, not only just because we are all in the midst of pandemic," ang pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng e-mail kahapon, Biyernes, June 11, 2021.

Taong 2016, during her reign as Binibining Pilipinas-Universe, nang pasukin ni Maxine ang mundo ng telebisyon through ASAP as one of the Kapamilya show's co-hosts.

Napanood siya ng mga Kapamilya viewers as an actress sa Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos, na umere noong 2018.

Taong 2020 nang mapanood siya sa Sunday 'Kada ng TV5.

Bago natapos ang taon, naging Kapuso siya at naging kontrabida sa First Yaya, na pinagbibidahan nina Sanya Lopez bilang Melody at Gabby Concepcion bilang Glenn.

Continue reading below ↓

Ang mahalaga, ayon kay Maxine, ay tuloy ang pagbibigay-ligaya sa mga viewers.

"I think it’s a good thing that we are all helping, that each and every one can contribute in lifting everyone up through acting and to bring entertainment for the people to help lessen their anxiety nowadays."

MAXINE MEDINA ON RABIYA MATEO'S FAILED MISS UNIVERSE BID

Si Maxine ang kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2016 na ginanap sa Mall Of Asia Arena dito sa Pilipinas kung saan ang kinoronahan ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay si Iris Mittenaere ng France

Sa katatapos lamang na Miss Universe sa Florida, ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay nasa top 21 semi-finalists.

Iisa ang mentor ng dalawa, si Jonas Gaffud, na creative director ng Miss Universe Philippines organization at pinuno ng Empire.PH.

Ano ang naging reaksiyon ni Maxine sa naging kapalaran ni Rabiya sa Miss Universe 2020?

Continue reading below ↓

"Of course, we are all for the Philippines. I think Rabiya gave all her effort and love for the country competing internationally. She’s so beautiful, smart, and she got all of that.

"I’m always proud of her no matter what. It’s not easy to compete in the Miss Universe pageant and be one of the finalists. I know the pressure because I’ve been there.

"We may not get what we want, but we learned and earned the respect from the journey we’ve been through."

Ano naman ang maipapayo ni Maxine sa mga sasali sa Miss Universe-Philippines ngayong taong 2021?

"Don’t be afraid to show them who you are because nothing is impossible now. You can be everything you can, be anything in the universe."

FIRST MAGPAKAILANMAN EPISODE

Samantala, female lead si Maxine bilang si Anne sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, June 12, 8 p.m. sa GMA.

May pamagat na "Mahal Kita, Mahal Mo siya," ang male lead dito ay si Dion Ignacio bilang si Jon.

Continue reading below ↓

Ang naturang MPK episode ay kinatatampukan rin nina Arny Ross bilang Roxy at Yvette Sanchez bilang Kim. Ito ay sa direksyon ni Neal del Rosario, sa pananaliksik ni Karen Lustica, at sa panulat ni Vienuel Ello.

Ito ang next Kapuso project ni Maxine, na siyang gumaganap bilang Lorraine Prado sa First Yaya.

Labis-labis ang tuwa ni Maxine sa magandang response ng viewers ng kanilang serye.

"I’m very grateful, blessed, and so lucky to be part of the show First Yaya because not only that I’m with the best actors and directors, but it’s the chemistry between all actors and co-workers.

"The bond, the love, the journey, and the relationship we built while doing the show; it’s amazing how it all worked out."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Magpakailanman episode ni Maxine Medina ay pinamagatang "Mahal Kita, Mahal Mo siya," kasama niya si Dion Ignacio.
PHOTO/S: @maxine_medina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results