Dion Ignacio's Magpakailanman episode malayong mangyari sa totoong buhay

by Rommel Gonzales
Jun 12, 2021
Sa Magpakailanman episode na "Mahal Kita, Mahal Mo Siya," mabibighani si Dion Ignacio sa ganda ni Maxine Medina.
PHOTO/S: PR

Sa fresh episode ng Magpakailanman na pinamagatang "Mahal Kita, Mahal Mo Siya" ay gaganap si Dion Ignacio bilang si Jon.

Si Jon ay mayroong kinakasama—ang mas bata at kasosyo niya sa negosyong si Kim (na gagampanan ni Yvette Sanchez).

Ang female lead na si Anne, na gagampanan ni Maxine Medina ay may karelasyong isang tomboy, si Roxy na gagampanan naman ni Arny Ross.

Magkakagusto si Jon kay Anne sa kuwento, kaya tinanong namin si Dion kung sa tunay na buhay ba ay narasanan na niya ang magkaroon ng karibal o kaagaw na tomboy?

"Hindi ko pa po naranasan na magkaroon ng karibal na lesbian," ang umpisang pahayag ni Dion sa palitan namin ng mensahe sa pamamagitan ng e-mail noong June 11, 2021.

Kung hindi pa, ano kaya ang mararamdaman niya kung sakaling malagay siya sa isang sitwasyon na ang babaeng mahal niya ay may karelasyong lesbian?

"Siguro po ay hindi ko na po sila guguluhin, rerespetuhin ko na lang po ang kanilang relasyon."

Continue reading below ↓

HAPPY DADDY IN REAL LIFE

Pero malayong mangyari sa kanya ang kuwento ng Magpakailanman character niyang si Jon dahil sa totoong buhay ay maligaya si Dion bilang asawa at ama.

Inanunsiyo niya noong March 2021 na engaged na sila ng non-showbiz partner na si Aileen Sison.

"Magpo-four years old na po ang aming anak. Dylanne Jailee po name niya pero ang palayaw niya ay Chummy, mas madalas po namin siyang tawagin sa kanyang palayaw na Chummy."

Continue reading below ↓

Kapag natapos na ang pandemya, gusto raw niyang mag-travel kasama ang pamilya.

"Ipapasyal ang aking anak sa labas. Sa mga amusement park, mall, or puwede ring magbakasyon ng ilang araw sa Japan para makapasyal sa Disneyland."

Nagplano silang bumiyahe pero inabutan nga ng pandemya.

Dugtong ni Dion, "Siguro po yung pinaplano po namin na mag-out of the country kahit dito lang po sa Asia.

Continue reading below ↓

"Pero patuloy lang ang pagdadasal na matatapos din itong pandemya.

"Babangon tayo ulit. Basta manalig lang po tayo sa Diyos."

Produkto si Dion ng unang batch ng StarStruck at halos eighteen years na rin siyang Kapuso.

Bilang isang loyal at solid na Kapuso, ano ang masasabi ni Dion tungkol sa mga dating Kapamilya artists na ngayon ay nasa GM-7 na?

"Excited po ako na maka-work sila in the future po," ang matipid na sagot ng 35-year-old actor.

Ang "Mahal Kita, Mahal Mo Siya" episode ng Magpakailanman ay sa direksiyon ni Neal del Rosario, sa pananaliksik ni Karen Lustica sa panulat ni Vienuel Ello at mapapanood ngayong June 12, Sabado, alas otso ng gabi sa GMA-7.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Magpakailanman episode na "Mahal Kita, Mahal Mo Siya," mabibighani si Dion Ignacio sa ganda ni Maxine Medina.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results