Dingdong Dantes names his top three Amazing Earth destinations

by Rose Garcia
Jun 13, 2021
Sa dami ng mga napuntahang lugar ni Dingdong Dantes para sa kanyang infotainment show na Amazing Earth, saan-saan kaya ang mga naging paborito niya?
PHOTO/S: GMA Network

“Ang hirap naman ng tanong.”

Ito ang reaksiyon ni Dingdong Dantes nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang top three favorite destinations na napuntahan niya sa Amazing Earth.

May three-week special ang informative program na hinu-host ni Dingdong sa GMA-7 simula ngayong Linggo, June 13.

Ayon sa actor-TV host, “Alam mo, mixed ‘yan, e. Mixed ‘yan ng destination na napuntahan plus mga taong nakausap mo na nasa iba-ibang episodes.

“Sa akin, yung top three, yung unang episode namin sa Verde Island. Sa gitna ng Batangas at Mindoro yun, kasi napasabak agad kami sa pagtawid ng Verde Island passage.

“Kinokonsider kasi ‘yan na center of center of marine surface biodiversity. Na-feature namin na may around 300,000 coral species and 60 percent ng mga shorefish sa buong mundo, e, meron doon.

“Siyempre, dahil unang sabak namin, e, talagang hindi ko makakalimutan.

"In fact, mali pa nga yung outfit ko nang pumunta ko. Sabi ko, nasa beach ako, tapos naka-maong! So, alam ko na ang susunod na dapat suotin, di ba?”

Continue reading below ↓


Verde Island

SAND DUNES OF ILOCOS NORTE

Pangalawa daw na naging paborito niya ay ang sand dunes sa Ilocos Norte.

Ayon kay Dingdong, “Dito nag-shoot yung movie na Panday ni FPJ [Fernando Poe Jr.]. Parang akala mo nasa Dubai ka, pero napakagandang sand dunes sa Ilocos Norte.

“Memorable siya kasi eksakto noong nagte-taping kami, may malakas na bagyo.

Continue reading below ↓

"As in nililipad ang mga tents namin at mabuti na lang, tinulungan kami ng mga locals doon at ginuide nila kami.

“Pero natapos naman at naitawid namin yung taping na yun. So, hindi ko talaga makakalimutan yun.”


Sand dunes in Ilocos Norte

MASUNGI GEORESERVE

Pangatlo naman daw na naging paborito niyang episode ay sa Masungi Georeserve.

Continue reading below ↓

“Diyan lang ‘yan sa Tanay, Rizal,” tila may pagmamalaking lahad niya.

“I think, third or fourth episodes namin yun at inakyat talaga namin yung bundok na yun. Halos eight hours of travelling, kasama na yung taping.

“Nakita mo talaga kung paano nila pinapahalagahan ang protected areas na yun at napakaganda.

“Isa rin sa pinakaunang experience ko ‘yan ng pagti-trek at mountain climb.”


Continue reading below ↓

ZIA AS FIRST AUDIENCE

Sa tanong naman kung nae-enjoy rin ng panganay na anak na si Zia ang infotainment show niya, nangiti si Dingdong.

Saad niya, “Si Zia actually, may access siya sa isang production side ng Amazing Earth na hindi nakikita ng kahit sino.

“Well, siguro for the past months, kung hindi ako, at yun ay kapag gumagawa na ako ng voiceover.”

Lahad pa ni Dingdong, “Magmula nang magkaroon na tayo ng lockdown, I’m doing the voice-over from home and siyempre, kinakailangan na gawin mo yun sa isang tahimik na lugar, sa loob ng kuwarto mo na walang tao.

“Madalas ginagawa ko yun kapag patulog na sila. Wala nang dumadaan na kotse, hindi na maingay. Wala nang tumatahol na aso, yung ganung oras.

"Siyempre si Zia, hindi siya makatulog na wala ako sa tabi niya, sinusundan niya ako."

Kaya ang nangyayari, naririnig na raw ni Zia ang lahat ng mapapanood pa lang sa Amazing Earth.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Dingdong, “Habang nakikinig siya, parang nanood na rin siya dahil kapag nagna-narrate ako through the voice, parang may plus pa na animation, para mas lively.

“So, nagugulat siya, at may term nga siya sa akin whenever I used that voice.

"Sinasabi niya na, 'You are using your Amazing Earth voice again.'

"So, I feel that while she’s listening to me, I’m sure na natututo siya at the same time, naaaliw rin sa akin at sa naririnig niya.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa dami ng mga napuntahang lugar ni Dingdong Dantes para sa kanyang infotainment show na Amazing Earth, saan-saan kaya ang mga naging paborito niya?
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results