Vice Ganda reveals other role in It's Showtime; talks about Reina ng Tahanan

by Rose Garcia
Jun 18, 2021
Aside from being the main host of It's Showtime, Vice Ganda is also part of the noontime show's creative team. He played an active role in conceptualizing the new segment "Reina ng Tahanan."

Mismong si Vice Ganda ang nakaisip sa "Reina ng Tahanan," ang segment na inaabangan ngayon sa It's Showtime.

Ang host ng noontime show rin ang masasabing nag-push na matuloy ang segment na binuo nila ng staff ng show.

Ito ang pahayag ni Vice sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email, “Sa 'Reina Ng Tahanan' nagbigay ako ng inputs, pero it is really conceptualized and developed in close collaboration with the staff of It’s Showtime—it’s a team effort".

Inamin ni Vice na sa tagal na niyang ginagawa ang paghu-host ng show, gusto raw niyang may bagong magawa at maipakita para may paghuhugutan rin siya ng excitement.

Ayon kay Vice, “I wanted a new segment para ma-excite ako dahil ilang taon ko na itong ginagawa. Before we do a new segment, we research first kung ano gusto ng mga tao. Based on recent research, because of the pandemic nagkaroon ng issue ang mga nanay.

Continue reading below ↓

“May mga nanay na nawala ang sense of purpose sa dami ng mga ginagawa nila na sabay-sabay, nalilito na sila. Iyong dati nilang routine ay nawala because of the pandemic. Ngayon, nasa bahay lang ang mga asawa at anak nila at sila lang ang nag-aasikaso sa lahat. Pumangit, napagod, at na-haggard ang mga nanay.

“Ang sabi ko, ibalik natin sa kanila ang belief na magaganda silang tao para di nila makalimutan ang essence ng pagiging tao nila bukod sa pagiging nanay.

"Over and above being a mother, may sarili din silang buhay. Maraming definition at attributes ang pagiging babae bukod sa pagiging nanay nila. Nakakalimutan nila na maganda sila at may talent sila at nakakalimutan na din nilang magpahinga.

“This is a segment para ma-empower ang mga nanay.”

REINA NG TAHANAN: A DIFFERENT KIND OF PAGEANT

Noong una raw, ayaw na sana ng ABS-CBN management na isang pageant ang bagong segment. Dito masasabing nailaban ni Vice ang ideya niya.

Continue reading below ↓

“Una ayaw ng management na gumawa kami ng another pageant. Kung pageant na naman daw, huwag na lang,” lahad niya.

“But I insisted on a pageant, but not a conventional one—iba ito.

“Iba ang Question and Answer portion namin, hindi manggagaling sa judges ang tanong. Ang tanong ay manggagaling sa isang taong connected sa Nanay na contestant at ang tanong na ito ay tungkol sa isang issue sa pagitan nilang dalawa na dapat ma-resolve at masagot.”

Sabi pa ni Vice, “Because of the unique Q&A portion of the segment, naging very personal iyong pageant, para siyang naging pageant/reality show.

"ABS-CBN Management eventually approved the concept.

“We immediately taped one episode of the segment which was originally supposed to air three times a week. When management saw the material we taped, they gave us the green light to air it right away and it became a daily segment.”

VICE GANDA's ADVOCACY TO PAY TRIBUTE TO MOTHERS

Maipapakita ng bagong segment ang maraming bagay na puwedeng magawa ng mga "Reina ng Tahanan."

Continue reading below ↓

Aniya, “I really wish to honor all mothers, get their interest, and pay tribute to them because it’s really my passionate advocacy to promote the love and care and respect to all mothers.

“I also fought for the talent portion of the segment dahil marami silang mga kakayanan na di na nila nagagawa nung naging nanay na sila. Their talents took a backseat in their lives. Aside from being a homemaker, talented individuals din ang mga nanay and it’s fulfilling to give them the chance to sing again, to dance again, to act again.

“For a time since they became mothers, ang alam lang nila maglaba, magplantsa, magluto, at tumalak. To have fun and revisit their talents will not make them any less of a mother.”

VICE GANDA ON FAMILY: "WE ALL HAVE ROLES."

Hindi raw maiwasan ni Vice na maging emosyunal sa first episode pa lang ng segment. Tila nai-relate rin niya kung paano silang magkakapatid sa pamilya nila.

Continue reading below ↓

“Umiyak ako sa first episode no’ng segment noong lumabas ang anak ng isang contestant,” sabi niya.

“Iyong anak ay 24 yars old, lalaki, maganda ang katawan, at may itsura. Gusto niyang patunayan sa kanyang ina na may kaya siyang gawin at kaya niyang tumulong sa kanyang pamilya. Kaya lang naghahanap siya ng work pero wala siyang mahanap at lalo pa siya nahirapan dahil sa pandemic.

“Nahihiya siya dahil hanggang ngayon ay nakaasa pa rin siya sa kanyang mga magulang. Super try pa rin siya na maghanap ng work pero wala talaga siyang mahanap. Tinanong niya ang nanay niya, ‘Was there ever a time na sawa ka na sa paniniwala sa akin?’

"Naiyak ako kasi lahat tayo gusto nating patunayan na di tayo pabigat pero may mga tao talaga na nahihirapang makahanap ng trabaho. Marami tayong kilala or part ng family natin na nakikita naman nating nagpupursige pero hindi talaga nila ma-achieve ang gusto nila lalong-lalo na ngayong pandemic na marami talaga ang nahihirapan sa work.

Continue reading below ↓

“Naramdaman ko iyong pain.”

Kuwento pa ni Vice, “Like iyong kapatid ko na si Babot, nahihiya siya kasi for her, overachiever ako at wala naman daw siya naibibigay financially sa family namin. Iba-iba ang purpose ng bawat member ng pamilya. Ako, I provide the financial support, my sister is taking care of our mother, at si Babot naman is taking care of the kids and the house.

“I can support them financially pero di ko kayang asikasuhin ang bahay like maglinis at magluto dahil sa schedule ko. Babot takes care of the kids and makes sure that the house is okay and that is as important as my financial support.

“We all have roles.

“We remind each other that we have roles and each of us is important. Importante lahat ng contributions namin sa pamilya.”

VICE GANDA ON BEING PART OF IT'S SHOWTIME CREATIVE TEAM

Sa naging interview naman sa kanya ng dati niyang manager na si Ogie Diaz sa YouTube vlog ng huli, inilahad ni Vice na kumpara sa ibang host ng It's Showtime, siya ay bahagi talaga ng Creative Team.

Continue reading below ↓

Ayon dito, “Hindi natatapos sa studio ang trabaho ko.

“Part ako ng Creative Team at iyon ang kaibahan namin ng ibang hosts. Sila, puwede sila or meron silang kalayaan na after the show, they can put on another hat or after the show, 'Tapos na ko. Hindi na ako Showtime or nanay na ko or may iba na ‘kong ganap.'

“After live or after the episode is done, gagawa na naman kami ng panibagong episode and I am part of that. Iyong mga writers, ‘pag nagsulat, idadaan nila sa akin. Babasahin ko, ia-approve ko. May say ako sa mga ano—ang dami.”

Kaya hindi rin daw siya napapahinga kahit nasa bahay na siya. Nakahiga na siya, pero nakaharap pa rin siya sa laptop. Binabasa na raw niya ang profile ng mga contestants kaya pagdating niya sa studio, alam na niya o kilala na niya ang mga ito.

Bukod pa sa It’s Showtime, napapanood na rin siya sa Everybody Sings at naghahanda sa kanyang two-night virtual concert sa July 17 at July 18 na pinamagatang Vice Ganda Gandemic The VG-Tal Concert.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aside from being the main host of It's Showtime, Vice Ganda is also part of the noontime show's creative team. He played an active role in conceptualizing the new segment "Reina ng Tahanan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results