OPINION: Why James Corden's "Spill Your Guts" TV segment is no laughing matter

by THE PEP STAFF
Jun 17, 2021
PEP.ph weighs in on the backlash against James Corden's "Spill Your Guts" TV segment, why it's no laughing matter, but why taking it off the air should not be an option.
PHOTO/S: Screengrab from The Late Late Show

Umani ng batikos ang British TV host na si James Corden dahil sa kanyang "insensitive" at "disrespectful" comments tungkol sa ilang exotic Asian foods na ipinapakita sa kanyang The Late Late Show.

Ang The Late Late Show ay American late-night talk show at variety comedy program na ipinapalabas sa major TV network na CBS.

Madalang ipinapalabas pero sikat ang signature segment na tinatawag na "Spill Your Guts or Fills Your Guts," kunsaan napapasubong sumagot ng controversial questions ang celebrity guests. Kapag hindi nila ito ginawa, kailangan nilang kainin ang exotic foods na ihahapag sa kanila.

Over the years, ilan sa mga sumabak sa hamon sa "Spill Your Guts" ay sina Justin Bieber, Kendall Jenner, Harry Styles, Alicia Keys, at Katy Perry—mga malalaking artista at performer. Ang American model na si Chrissy Teiger ang celebrity guest sa pinakahuling episode ng "Spill Your Guts" sa The Late Late Show noong March 2021.

Continue reading below ↓

Pero kamakailan ay nakapukaw ng atensiyon ng ilang netizens ang September 2016 episode, kunsaan ang celebrity guest ay ang TV host na si Jimmy Kimmel.

Habang ipinapaliwanag ni Corden ang mechanics ng challenge, sinabi niyang "horrific" at "disgusting" ang kaharap na exotic food.

Kabilang sa mga pagkaing ito ay balut, pig blood curd, fish smoothie, cod sperm, bull penis, at 1000-year-old egg.


Continue reading below ↓

Sumang-ayon ang celebrity guest na si Kimmel. Mukha raw terible at hindi pa maganda ang amoy ng mga exotic food na inihain sa kanya, pero game naman siyang kainin ang mga ito.

Walang banggit si Corden kung saang bansa matatagpuan ang sikat na mga delicacy.

Pero naalarma na ang netizens dahil consistent ang "Spill Your Guts" segment sa pagprisinta ng exotic Asian food na waring nakakapandiri para lang makakuha ng katawa-tawang reaksiyon kay Corden at sa kanyang guests.

ASIAN HATE CRIMES

Lumikha ito ng kontrobersiya sa panahong ito dahil hindi kailang talamak ngayong pandemya ang Asian hate crimes partikular na sa Western countries.

Sa pag-aaral ng Center for the Study of Hate and Extremism sa California University sa San Bernardino, napag-alamang noong 2020 ang hate crimes sa U.S. na ang target ay Asians ay tumaas ng "150 percent."

Base ito sa ulat ng NBC News Online noong March 10, 2021.

Continue reading below ↓

Mula sa naitalang 29 incidents noong 2019, tumaas sa 122 incidents ang bilang ng mga taong tinarget ng hate crime.

Ayon pa rin sa datos ng Center for the Study of Hate and Extremism, karamihan sa insidente ay naganap sa New York (28) at Los Angeles (15).

Hinihinalang may kinalaman ito sa "negative associations" sa "Asian Americans" at sa virus na dala ng COVID-19.

Humantong na ito sa racism.

Naniniwala naman ang PEP.ph na hindi racism ang isyu sa kaso ng "Spill Your Guts" segment ng Late Late Night Show.

Wala sa talakayan ni Corden at ng guest ang bansang pinanggalingan ng kanilang titikmang delicacy.

Wala rin sa usapan ang lahi ng sinumang personalidad na nabanggit nila sa Q&A.

Pero hindi maitatangging "culturally insensitive" ang konsepto ng "Spill Your Guts" na gawing katatawanan sa media ang mga hinahaing exotic Asian food tulad ng balut at bull penis.

Dagdag pa rito ang eksaheradong reaksiyon ni Corden na "horrific" at "disgusting" ang hamon na tikman ang exotic food na nakahain sa segment niyang Q&A challenge with a twist.

Continue reading below ↓

Tingin ng PEP.ph ay hindi tama na gawing katawa-tawa ang isang tao o isang bagay dahil lamang sa ito ay kakaiba o hindi nakasanayan ng nakagisnang kultura.

Kapag hinayaan itong maging normal sa media—na malawak ang saklaw at impluwensiya sa audience—para na ring unti-unting sinisira ang basic decency at respect na mahalaga sa lipunan at sa pakikipagkapwa-tao.

Continue reading below ↓

ON CENSORSHIP AND FREEDOM OF EXPRESSION

Sa kabilang banda, mahalaga ring suriin ang petisyon ng ilang netizens na tanggalin ang kabuuang segment ng "Spill Your Guts" sa Late Late Night Show dahil sa kontrobersiya.

Pumapasok dito ang usaping censorship.

Ang media censorship ay knee-jerk solution ng mga tamad mag-isip ng mas makabuluhang paraan para ayusin ang problema.

Mas makatutulong pa rin ang self-examination at self-regulation ng creators ng TV program kaysa basta na lang kitilin ito sa ere.

Ano nga ba ang magandang alternatibo sa inihahaing Asian food? Mas katanggap-tanggap ba kung i-customize ang exotic food sa kung saang bansa nanggagaling ang guest? O mas dapat lang bang pag-ingatan ng guest at host ang bibitiwang comments?

Mahalagang malaman ang mga kasagutan dito, at sa iba pang katanungan, para sa ikauunlad ng mga bumubuo ng show at ng audience.

Bukod pa rito, hindi katanggap-tanggap ang sensura ng TV show, kahit pa isang segment lang ito, dahil maaaring magtuluy-tuloy na ito sa pagsensura ng speech at expression.

Continue reading below ↓

Kung hahayaang matanggal sa ere ang isang show dahil sa isang kontrobersiya, bawat kibot ng show sa susunod ay posibleng gawan ng isyu ng mga manonood na may sariling agenda.

on food appreciation and blanket assumptions

Kung tutuusin, bakit nga ba may blanket assumption na ang isang native delicacy ay kinakain ng lahat ng tao sa bansang pinagmulan nito?

Ang anumang pagkain—exotic man o typicalay personal preference kung ito ay magugustuhan o hindi.

Hindi lahat ay iisa ang gusto. Hindi maaaring ipilit kung ayaw ng isang tao.

Normal na reaksiyon na, isang tingin pa lang sa pagkaing naiiba, tipong babaliktad ang sikmura ng isang tao.

Pero may paraan na ipakita ang disgusto nang hindi nakakabastos.

Sa isang banda, nakaka-curious din ang exotic Asian food na mapapanood sa "Spill Your Guts" segment ni Corden.

Kung ang manonood ay adventurous sa pagkain, siguradong mapapaisip kung ano ang lasa ng mga ito.

Ang balut o fertilized duck egg ay kilalang Pinoy delicacy at street food. Sinasabing nagsimula itong makilala sa Pilipinas dahil sa impluwensiya ng Chinese traders noong 1885.

Continue reading below ↓

Mayroon itong laman sa loob na prematurely developed embryo na sumailalim sa incubation period na 18 days.

Best served when hot, malinamnam ang itlog at sabaw nito, lalo na kung lalagyan ng asin, suka o toyo, depende sa preference ng kakain.

Maituturing ang balut na "super food" at "pampalakas ng tuhod" dahil sagana ito sa iba-ibang nutrients tulad ng protein, calcium, at iron.

Continue reading below ↓

Ang bull's penis ay isa ring kilalang Asian delicacy na iba-iba lang ang luto depende sa bansa.

Sa China, ang bull penis soup ay pinaniniwalaang aphrodisiac para sa kalalakihan. Mayroon ding version ng bull penis soup sa Malaysia.

Ang grilled bull penis ay karaniwang matatagpuan sa Korean barbecue restaurants. Hati-hati na ito kapag sine-serve sa stick o sa bowl tulad ng ipinakita sa "Spill Your Guts."

Continue reading below ↓

Ang "shikaro" o cod sperm ay isang uri ng Japanese delicacy na sagana sa protein at B vitamins.

Kadalasan ay inilalagay ito sa sushi o pwede ring deep friend na mala-tempura style.

Light at creamy raw ang flavor nitong mala-custard.

MIXED REACTIONS OF NETIZENS

Samantala, hati ang reaksiyon ng netizens tungkol sa kontrobersiyal na "Spill Your Guts" segment ni Corden.

Continue reading below ↓

Naninindigan ang ibang netizens na hindi dapat gawing isyu ang personal preference pagdating sa pagkain.

Lalo pa't wala naman daw binanggit sa show na hindi nila gusto ang inihaing pagkain dahil Asian food ang mga ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Normal na reaksiyon daw na mandiri kung hindi gusto ng tao ang isang pagkain, at normal din daw na magkaiba ang preference ng mga taong magkaiba ang kultura.

Continue reading below ↓

Mayroon ding netizens na naniniwalang "racist" ang maghayag ng pandidiri sa national TV sa mga pagkain ng ibang lahi.

Hindi raw excuse ang personal preference para mang-insulto ng Asian food.

Continue reading below ↓

Sang-ayon din ang netizens na malaki ang responsibilidad ng media para maging sensitibo sa pagkakaiba ng kultura ng iba-ibang lahi.

Hindi raw tamang gawing konsepto sa challenge ang pananadya na pandirihan ng guests ang ihahaing pagkain.

Continue reading below ↓

May netizens namang naniniwalang hindi akmang tawagin itong "racist," ngunit sinasabing tunay na "disrespectful" at "insensitive" ang pag-set-up na pandirihan ang pagkain ng ibang kultura.

Continue reading below ↓



HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP.ph weighs in on the backlash against James Corden's "Spill Your Guts" TV segment, why it's no laughing matter, but why taking it off the air should not be an option.
PHOTO/S: Screengrab from The Late Late Show
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results