Sheryl Cruz believes in mangkukulam, aswang

by Rommel Gonzales
Jun 19, 2021
Sheryl Cruz will play Glorie in a Magpakailanman episode depicting the true story of a "pure-bred aswang" and manggagamot.
PHOTO/S: Screen Grab from Magpakailanman

True story raw ang Magpakailanman episode mamayang alas otso ng gabi, June 19, 2021, kung saan gaganap bilang isang aswang si Sheryl Cruz.

Ang pamagat ng episode ay "Kaibigan sa Umaga, Aswang sa Gabi," at makasama ni Sheryl sina Tina Paner at Richard Quan.

Naniniwala ba si Sheryl sa aswang?

Tugon ng aktres, "Dito sa Pilipinas naniniwala ako sa iba't-ibang mga elemento na hindi natin nakikita. Ever since bata pa ako naniniwala ako sa mga witch doctors, alam niyo, yung mga albularyo, mga nagbibigay ng agimat, sa mga nagbibigay ng pangkontra sa mga kulam, mga ganyan."

May na-witness na ba siya na nakulam o inaswang?

Aware si Sheryl sa mga sinasabing paniniwala ng matatanda, partikular ang kulam at usog.

Aniya, "Bata pa ako, napagsasabihan kasi kami, dahil yung mga yaya namin most of them nanggaling sa Iloilo, sa Bacolod.

"Di ba usually sa side na yun marami sila talagang ano, sa Siquijor, ganyan, marami talagang naniniwala na may mga witch doctors, ganyan, sa mga kulam, sa mga albularyo.

Continue reading below ↓

"Kahit na dito sa mga matataas na mga bunduk-bundok natin, mga Antipolo ganyan, naniniwala ako doon sa pag nababati ka?

"Lalo na kami, kapag maraming artista na pumupunta sa isang bayan, 'tapos madaming mga tao, minsan hindi mo alam sino ang bumabati sa iyo, bigla sasakit yung tiyan mo.

"Di ba yung ganyan? O yung sasama yung pakiramdam mo. Sabi nila, lalawayan, di ba yung ganyan.

"Pag hindi nakuha sa ganun, kapag agad-agad para malaman mo kung sino yung nakaano sa iyo, yung may kandila naman.

"Di ba yung tawas-tawas, yung ganyan. Kasi pagsasabihan kami nung bata kami."

Ibinahagi rin ni Sheryl kung paano nag-iingat ang mga artista at production crew kapag may taping sila sa mga liblib na lugar.

Aniya, "Pagka may nakita ka halimbawa sa gubat-gubat pag nagte-taping kayo, di ba yung ganyan, medyo tahimik yung lugar.

"Biglang mag-iingay kayo, kasi isang buong production kayo, magse-set up at lahat-lahat, magugulo yung kapaligiran.

Continue reading below ↓

"'Tapos mabubulabog yung mga sinasabing 'nakatira' doon, naniniwala naman ako sa ganun. Kaya nirerespeto ko kung ano yung kanilang paniniwala.

"And at the same time ako naman naniniwala ako na may Diyos tayo, na anuman ang mangyari, hindi naman ako pababayaan."

TRUE STORY OF AN ASWANG

Tungkol naman sa aswang episode na ito ng Magpakainlanman, lahad ni Sheryl, "Ang pangalan ng character ko dito is Glorie, manggagamot siya pero ang pagkakaalam ko, pure-bred siya na aswang. Parehong magulang niya, aswang!"

Blurred raw ang mukha ni Glorie habang kinakapanayam ng Magpakailanman host na si Mel Tiangco kapag ipinalabas na ang naturang episode.

Ayon pa kay Sheryl, kilalang-kilalang manggagamot o healer si Glorie sa kanilang lugar.

Sa kuwento, dahil nangangamba sa kaligtasan ng kanyang pamilya matapos ang pag-atake ng isang aswang, humingi ng tulong si Arlyn (Tina Paner) sa albularyong si Glorie.

Hindi nagtagal ay naging malapit sila sa isa’t isa.

Hanggang isang araw ay nabalitaan ni Arlyn ang kagustuhan ng mga tao sa kanilang barangay na palayasin si Glorie.

Continue reading below ↓

Pinatay at kinain raw kasi ni Glorie ang ipinagbubuntis ng kinakasama ng ex-boyfriend niya.

Matapos magpaliwanag ni Glorie na hindi siya kagaya ng ibang aswang ay pinatawad din ni Arlyn ang kaibigan.

Pero sa pag-uwi ng asawa ni Arlyn na si Lito (Richard Quan) ay pinagbawalan na niyong magkita pa ang dalawa.

Kasabay nito ay nalaman din ni Glorie na niloko siya ulit ng kanyang kinakasama.

Matapos mawalan ng kaibigan at minamahal, magbabalik-loob na nga ba sa kadiliman si Glorie?

Patuloy pa ni Sheryl, "Nag-aral siya ng panggagamot para magamot niya yung sarili niya. Kasi gusto niyang gumawa ng kabutihan.

"Ayaw na niyang kumain ng tao after nung nalaman niya na yung mga magulang niya, parehong aswang. Kasi may mga anak din siya, sampu yung mga anak niya."

Sabi pa niya tungkol sa eksena nila ni Tina, "Actually nakaka-touch yung mga eksena namin lalo na yung mga iyakan na eksena.

Continue reading below ↓

"Kasi di ba saan ka nakakita ng aswang na umiiyak dun sa kaibigan niya dahil ayaw niyang mawalan ng kaibigan na tao?

"Kasi siya na lang yung pag-asa niya na may mga mabubuting tao pa pala daw na natitira sa mundo."

Ang "Kaibigan Sa Umaga, Aswang Sa Gabi" ay sa direksyon ni Frasco Mortiz sa pananaliksik ni Angel Launo at sa panulat ni Vienuel Ello.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryl nitong Miyerkules, June 16, 2021, sa pamamagitan ng Zoom interview na ipinatawag ng namamahala sa career ni Sheryl, ang Artist Circle Talent Management Services, na pinamumunuan ni Rams David.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz will play Glorie in a Magpakailanman episode depicting the true story of a "pure-bred aswang" and manggagamot.
PHOTO/S: Screen Grab from Magpakailanman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results