Pokwang reveals she planned GMA-7 transfer even before pandemic, ABS-CBN shutdown

by James Patrick Anarcon
Jun 18, 2021
Pokwang jokes about having palpitations during her contract signing with GMA Artist Center: “Hindi ko lang kinaya na nandoon lahat iyong boss na halos iyong talagang matataas na boss nandoon. Na-palpitate ako, pinalpitate ako nang bongga!"
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram

Bago pa man magkaroon ng pandemya at ibasura ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN noong 2020, nakaplano na raw talagang lumipat si Pokwang sa GMA-7.

Ngayong Biyernes, June 18, 2021, naging opisyal ang pagiging Kapuso ni Pokwang sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7.

Ito ay pagkatapos ng pagiging talent niya ng ABS-CBN sa loob ng 15 taon (2005 to 2020) at panandaliang stint sa TV5 (August 2020 to April 2021).

Sa kanyang PEP Exclusives interview pagkatapos ng kanyang contract signing ngayong araw, ikinuwento ni Pokwang na matagal na niyang napagdesisyunang lumipat sa GMA-7 bago pa man magkaroon ng pandemya.

Sabi niya sa editorial team ng PEP.ph: “Itong desisyon kong ito, pre-pandemic pa and pre doon sa problema sa prangkisa ng ABS.

“Wala pa ito, wala pa iyang mga 'yan, nakaplano na lahat.”

Sa katunayan, nang una siyang magpaalam sana sa ABS-CBN para lumipat na sa GMA-7 ay hindi raw siya pinayagan.

Continue reading below ↓

Kapalit naman ito ay binigyan siya ng counter-offer o mga bagong programa sa ABS-CBN.

Kasama rito ang huli niyang proyekto na Make It With You, na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil mula January to March 2020.

Kuwento ni Pokwang, “First attempt ko na magpaalam, siyempre, hindi po ako pinayagan.

“Hindi po ako pinayagan and meron naman po silang inilatag sa akin na shows, kaso bigla naman dumating yung pandemic.

“Iyong last show na ginawa ko sa kanila was with LizQuen, iyong Make It With You, iyon po yung huling huli, tapos mayroong regular na gag show na Banana Sundae.

“In all fairness, mayroon pa rin po silang ibibigay na show sa akin, kaya lang, walang-wala.

“Nagkaroon na po tayo ng mga problema, mga dagok na dumating sa network at sa buong mundo, ang pandemic.”

Parehong naapektuhan ng pandemya at ABS-CBN shutdown ang Make It With You at Banana Sundae.

Continue reading below ↓

Ang dalawang programa ay hindi na nakabalik sa ere nang mag-resume ang ilan sa mga palabas ng ABS-CBN sa cable channel na Kapamilya Channel noong June 2020.

Kasabay ng pagkawala ng prangkisa ng network, kinailangan nitong kanselahin ang karamihan sa kontrata at i-release ang artists nila.

Patuloy ni Pokwang, “Since ni-release naman po kami nang maayos, kinausap po kami ng management na wala pong maibibigay sa amin na trabaho, and naunawaan naman po namin siyempre kung ano iyong pinagdadaanan ng network.

"That’s the time na, kumbaga, mas naging smooth po iyong paglipat ko."

Hindi rin naman daw naging ganoon kadali ang naging paglipat ni Pokwang dahil sinigurado niyang maayos ang pagpapaalam niya.

“Siyempre, hindi ganun kadali kasi, kumbaga, may iniiwasan kang bagay na baka makasakit ka.

“So, inayos ko muna ang lahat bago iyong paglipat ko, wala akong tatapakang tao.

“But nangyari nga itong pandemic, dumating pa iyong problema sa prangkisa, kaya nagpatung-patong talaga.”

Continue reading below ↓

Bago maging opisyal ang paglipat ni Pokwang, gumawa muna siya ng dalawang programa sa TV5 under Archangel Media, ang Fill In The Bank at Chika, BESH!

“PINALPITATE AKO NANG BONGGA!”

At ngayong araw na nga ang tamang panahon nang sa wakas ay nakapirma na ng kontrata si Pokwang sa GMA Artist Center.

Continue reading below ↓

Bagamat nakahanda naman siya sa araw na ito ay na-overwhelm daw siya sa naging pag-welcome sa kanya ng Kapuso network.

Biro pa ni Pokwang, o kilala rin bilang Mamang sa showbiz, nag-palpitate siya sa presensiya ng top executives ng GMA-7.

Pagbabahagi ni Pokwang, “Alam ko naman talaga, naka-ready naman ako talaga na ngayon ang presscon at pirmahan,

“Hindi ko lang kinaya na nandoon lahat iyong boss, na halos iyong talagang matataas na boss nandoon.

“Na-palpitate ako, pinalpitate ako nang bongga! Natuwa naman ako at nakasuporta sila sa akin, sa pagsalubong sa akin.”

Kasama sa mga dumalo sa virtual contract signing ni Pokwang ngayong araw ay ang Executive Vice President at Chief Financial Officer ng GMA Network na si Felipe S. Yalong.

Present din ang officers ng GMA Entertainment Group na sina Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable; First Vice President for Drama Redgie A. Magno; First Vice President for Business Development Department III Darling de Jesus-Bogedon; Vice President for Comedy, Infotainment, Game & Reality Productions Janine P. Nacar; Senior Assistant Vice President for Drama Cheryl-Ching Sy; Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara; Assistant Vice President for Comedy, Infotainment, Game & Reality Production Bang U. Arespachochaga; at Senior Program Manager Enri Calaycay.

Continue reading below ↓

Sa departamento naman ng GMA Artist Center ay nasa virtual ceremony sina GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer at GMA Artist Center Senior Talent Manager Daryl Zamora.

Nasa contract signing din ni Pokwang sina First Vice President and Head of GMA Regional TV and Synergy Oliver B. Amoroso at Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier Cruz.

At dahil bago si Pokwang sa GMA-7, hindi maiwasang kabahan siya sa kanyang bagong tahanan pero hindi naman daw ganoon ang ipinaramdam sa kanya ng network.

“Siyempre, di ba, parang ganun naman talaga tayo. Kapag nasa bagong school, bagong kaklase, parang iyon iyong pakiramdam.

“Pero ano naman, kumbaga, ipinaramdam nila sa akin na, ‘Okay ka lang, relax ka lang, maging komportable ka,’ ganun.”

Marami ang nakalinyang guestings kay Pokwang bago siya sumalang sa kanyang sariling programa.

Paglalarawan niya rito, “Mas energetic, mas busy na Mamang, mas visible na Mamang!

Continue reading below ↓

“Mas maraming maise-share na bagong programa para sa ating Kapuso viewers na magbibigay rin naman talaga ng saya at ngiti sa pinagdadaanan natin ngayon.

“Kasi iyan ang importante talaga, balik-ngiti tayo kahit hindi madali.

“Siyempre, meron tayong mga viewers na nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pandemic na ito, pero ita-try nating lahat ng mga programang naka-ready na mapangiti natin silang muli.”

Kasama sa nakalinyang programa kay Pokwang ay ang prequel ng Pepito Manaloto.

Lalabas din siya bilang guest sa The Boobay And Tekla Show, Wish Ko Lang, Magpakailanman, Sarap Di Ba?, Dear Uge, at All-Out Sundays.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang jokes about having palpitations during her contract signing with GMA Artist Center: “Hindi ko lang kinaya na nandoon lahat iyong boss na halos iyong talagang matataas na boss nandoon. Na-palpitate ako, pinalpitate ako nang bongga!"
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results