Pokwang reveals wish list as Kapuso star

by Rose Garcia
Jun 18, 2021
On top of Pokwang's wish list as a Kapuso star is "maging babaeng Anthony Bourdain."
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram

Ngayong araw, June 18, 2021, humarap sa entertainment press si Pokwang bilang opisyal na Kapuso.

At ang bungad ng komedyana sa virtual presscon: Hindi siya ang kinuha ng GMA Artist Center kundi siya raw mismo ang lumapit at nag-alok ng sarili niya noong taong 2019 pa.

"Actually, ako ang magpapasalamat kasi, sila ang nag-'yes' sa akin,” ang rebelasyon ni Pokwang.

"Kasi, ako talaga ang lumapit. Since 2019 pa, 2019 pa kami nag-uusap-usap and in all fairness naman, binuksan nila ang kanilang mga braso sa akin, thank you."

Sabi pa rin niya, “Siyempre, bilang artista, marami pa akong gustong i-share. Marami pa akong gustong gawin sa aking mga followers.

"And thankful ako kasi nabigyan naman nila ako ng pagkakataon na matupad iyon.”

KAPUSO STARS POKWANG WISHES TO WORK WITH

Sino ang mga gusto niyang makatrabaho na Kapuso?

“Naku napakarami,” nakangiting lahad niya.

Una niyang binanggit si Alden Richards.

Ani Pokwang, “Sobrang dami kong gustong makatrabaho. Siyempre, isa na riyan si Alden.

Continue reading below ↓

"Siyempre, di ba? Kasi si Alden, kahit na hindi ko pa siya nakakatrabaho, nakasama ko lang siya sa isang event na ako yung host, sobrang malambing yung bata.

“Doon pa lang, nakita ko na at sobrang marespetong bata siya. Hanggang sa siyempre, nakatrabaho ko sina Wally [Bayola] at Jose [Manalo] sa Eat Bulaga!, kapag dumadalaw ako roon, very accommodating yung bata.

"At kahit nagpo-post ako ng kung anu-ano, ma-react. Kaya sabi ko, sobrang malambing itong batang ito."

Bukod kay Alden, gusto rin daw niyang makasama si Rayver Cruz na dati niyang nakasama sa ABS-CBN.

"Sobrang namimiss ko na rin si Rayver. Matagal ko na rin kasi siyang nakakasama sa mga tour abroad. Kaya noong malaman niya na GMA Artist Center na ako, sobrang tuwang-tuwa siya.

"Kaya excited din ako na makatrabaho siya ulit."

Sa mga actresses naman, binanggit niya sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado.

"Si Maria, nakasama ko sa movie and gusto ko rin siyang makasama.

Continue reading below ↓

"Si Jennylyn, hindi ko pa siya nakasama, pero nakikita ko naman yung mga nagawa niyang pelikula and click din naman nang bonggang-bongga at mahusay rin naman ate niyo."

Excited na raw siyang gawin ang mga proyektong naka-line up para sa kanya.

Ang una niyang regular show ay ang Pepito Manaloto.

Bukod dito, sunud-sunod ang guesting niya sa mga Kapuso shows: The Boobay and Tekla Show, All-Out Sundays, Wish Ko Lang, Sarap Di ba, Magpakailanman, Dear Uge, at Unang Hirit.

"Sabi ko nga, answered prayer. Iba yung pinagdarasal mo ang mga bagay."

POKWANG ON POSSIBLY WORKING WITH AI-AI DELAS ALAS AND EUGENE DOMINGO

Nasa GMA-7 ang comedy queen na si Ai-Ai delas Alas at ang comedy empress na si Eugene Domingo. Parehong kumare at kapwa komedyante-aktres ni Pokwang ang dalawa kaya excited daw siya na makatrabaho sila.

"Siyempre, kagaya nga ng sabi ng aming mga boss dito sa GMA, magkakasama na kami nila Ms. Ai-Ai, Ms. Uge, at isa sa nilu-look forward ko, ang makatrabaho sila.

Continue reading below ↓

"Gusto ko rin i-remake or buhayin muli yung dating show ng GMA, yung SiS ng GMA. 'Tapos kami naman ang mga hosts, kaming tatlo.

"And since mga Tita na kami, ang title naman ay Tits!,” ang natatawang sabi niya.

Puwede rin naman daw na magkaroon silang tatlo ng sitcom.

Sa pagpapatuloy ni Pokwang, "Sobra, sobra. Si Ms. Ai-Ai, kasi, pareho kaming mga negosyante, nag-aano kami sa Viber, so sobra yung tuwang-tuwa siya. And fan din siya ng aking si Malia, si Tisay."

Si Malia ang three-year-old daughter ng komedyana sa partner nitong si Lee O'Brian.

"And si Uge, bilang kumare ko rin naman si Uge kay Malia, and, in fact, meron din akong guesting sa kanya, sa Dear Uge. Excited siya."

Pero nang tanungin kung ano ang pinakapangarap niyang TV project, heto ang sagot niya:

"Alam naman natin na cooking is my passion talaga. Travel… alam mo, gusto kong maging babaeng Anthony Bourdain, wow! Sobrang idol na idol ko siya.

Continue reading below ↓

"Kaya noong namaalam siya sa mundo, hindi ko talaga matanggap,” pag-amin niya.

At meron raw siyang libro nito na kahit mabigat, parati niyang dala sa mga out-of-the-country trips niya.

"Palagi ko siyang bitbit tuwing pupunta ako sa ibang bansa. Na just in case na makasalubong ko siya, papa-autograph ko kako.

"Pero ngayon, parang hindi ko naman siya gustong masalubong. Kasi, iba na yun,” ang sabi pa ni Pokwang tungkol sa American chef na pumanaw noong 2018.

Nabanggit na rin daw niya sa GMA na isa nga ito sa mga gusto niyang gawin.

"Hindi naman masamang mangarap, pero yun talaga ang isa sa gusto kong gawin. Although siyempre ngayon, hindi pa naman tayo fully vaccinated, pero isa yun sa talagang gusto kong gawin, yung meron kang mai-share sa masa at sa nanay also.

"And as a businesswoman, yung mai-share ko na puwede nating gawin dahil pahirap nang pahirap ang buhay."

Si Pokwang ang isa sa mga artista na active sa social media, kung saan madalas rin niyang pinapahayag ang kanyang saloobin at opinyon. Minsan pa nga, nakakasagutan niya ang mga bashers.

Continue reading below ↓

Ngayong lumipat na siya ng network, may mga netizens ba na nagpahayag ng pagkadisgusto sa paglilipat niya ng network?

“So far wala,” sabi naman niya. “Kung meron man siguro, isa, dalawa, tatlo, mga ganyan. And alam mo, hindi naman natin maiaalis talaga.

"Kailangan lang naka-ready talaga. And hindi natin maiaalis ang mga opinyon nila na gano’n. At hindi niyo rin maiaalis sa akin na gumawa ng paraan na maipagpatuloy ko kung ano yung pangarap ko sa sarili ko at sa pamilya ko.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On top of Pokwang's wish list as a Kapuso star is "maging babaeng Anthony Bourdain."
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results