Mikael Daez discloses most difficult scene he shot for Ang Lihim Ni Annasandra



Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael Daez sa last taping day niya para sa GMA teleserye na Ang Lihim Ni Annasandra sa Montalban, Rizal, noong January 26.

Si Andrea Torres ang kapareha niya sa show bilang si Annasandra. Bilang si William, ano ang pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa teleserye nila?

“Si William kasi namatay yung tatay niya, tapos namatay ang nanay.

"'Tapos akala niya tinraydor siya ng pinakamamahal niyang babae, si Annasandra.

"So I think yung scenes na yun, combined.

“Mabigat, mabigat sa loob ko yun.

“Nung namatay yung mom ko especially [in the show]…

"Kasi siyempre my mom’s the only one I have now kasi my dad passed away na.

"So ngayon ko lang na-realize na mabigat pala yung mom ko mawala rin sa akin.

“So maaalala ko yun, sa hospital yung eksena.

"Talagang wow! Intense, intense.

“'Tapos nag-shoot kami ng scene na hinarap ko na yung pagtatraydor niya [Annasandra].

"Ang bigat rin pala, minsan hindi mo natatantiya pag nandun ka sa eksena.

“After nag-cut, ‘Wow, ang bigat pala nun.’

“Kasi siyempre yung rehearsal, iba yun, wala pang feeling, hindi pa one hundred percent.

“Yung one hundred percent napupunta lang yun sa take mismo.”

Sa tunay na buhay ay wala ng ama si Mikael. Pumanaw na ito bago pa man pumasok sa showbiz si Mikael.



SHOE BUSINESS. Magbabakasyon muna si Mikael pagkatapos ng Ang Lihim Ni Annasandra.

“Bibiyahe ako! Gusto ko ngang mag-Baguio this weekend.

"Malamig, gusto kong mag-drive.”

May plano rin siyang mamasyal abroad kung kakayanin ng schedule niya.

“Maybe, but I can’t promise myself. Hindi ko pa alam.”

Sino ang kasama niya?

“Ako naman, kahit ano, soloista or grupo okay lang, e.”

Kung abroad, nais ni Mikael pumunta sa Hong Kong o sa Japan o sa New York.

“Kailangan isa dun.”

Ang biggest investment naman ni Mikael bukod sa kanyang kotse ay ang kanyang online shoe store, TheSecretSneakerShop.

“Last year lang nangyari, sobrang biglaan.

“Okay siya, every month my growth siya.

"Online, so far, pero may offers na nga na magpatayo na ako ng store, e.

“Katuwaan lang talaga, pero naging mahilig ako sa sapatos.

"At pag nahihilig ako sa isang bagay parang medyo naaadik ako.”

Sila ng kapatid niyang lalaki ang nagpapatakbo ng naturang business.

“As of now we specialize on Nike, eventually, we’re going into different brands.”

Bumibiyahe raw siya sa Hong Kong at sa Amerika para sa business niyang ito.

“Usually pumupunta lang ako dun para kausapin ang suppliers.”

Ino-order ang mga sapatos kay Mikael online at idini-deliver nila sa buyer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN