Cassy Legaspi unwittingly refers to Joaquin Domagoso as "JD ko"; teased by co-stars

by Rommel Gonzales
Jun 28, 2021
Is "JD ko" Cassy Legaspi's term of endearment of love-team partner Joaquin Domagoso?
PHOTO/S: @cassy on Instagram

Sa mahigit na three-month run ng GMA-7 series ng First Yaya umusbong ang CassQuin—tawag sa love team nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso.

Pero bago nagkatambal ang dalawa ay matagal nang magkilala sina JD (nickname ni Joaquin), Cassy, at ang twin brother ng huli na si Mavy.

"Well, for me, I'm really thankful din sa First Yaya because I got to be close with everybody here.

"And kami ni JD kasi, Mavy was friends with him before and I met JD, mga 2018 yun. That was around 2018, 'tapos naging friends na kami.

"We started off as friends and iyon nga po, dahil sa First Yaya, we got closer and naging close friends. Closer friends," ang tumatawang sinabi ni Cassy.

Acting wise, bilang una niyang pagsabak sa isang serye ang First Yaya, ano ang mga natutunan niya in terms of improving herself as an actress?

"Ako kasi po, nag-acting workshop po ako before this show, and it's really different once you actually do the work, once you actually do the serye.

Continue reading below ↓

"So I really learned a lot po. I learned how to relax on set, huwag masyadong mag-overthink ng lines ko, and just to really study my character."

Marami rin daw naitulong kay Cassy ang direktor ng First Yaya na si L.A. Madridejos.

"So direk L.A., thank you so much! You helped me so much."

Pinasalamatan rin ni Cassy ang mga co-stars o kapwa "dear," na term of endearment nila sa bawat isa nina Sanya Lopez, Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez, at Thia Thomalla.

"They always tell me to relax lang, kaya mo iyan, just know your character by heart."

Sa pagpapatuloy ng unica hija nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, "And siyempre I also wanna thank JD coz I know na pareho kaming bago lang sa teleserye world and yet we're still able to help each other.

"So ayun, I learned a lot from everybody."

Kapansin-pansin rin ang pagpayat ni Cassy kahit na palagi siyang binibigyan ng maraming pagkain ni JD during their lock-in taping ng First Yaya.

"Nagda-diet po ako, pero salamat sa effort, JD," at tumawa si Cassy.

Nakausap ng PEP.PH at iba pang members ng media si Cassy sa Zoom mediacon para sa finale week ng First Yaya nitong Huwebes, June 24, 2021. Matatapos na ang serye sa Biyernes, July 2.

Ano ang pinaka-mami-miss ni Cassy kay Joaquin?

"Well actually alam na ni JD ko, but well honestly I miss his presence.

"Kasi every time after taping, he would always wait for me, and he would always ask, 'Kumain ka na ba?' And he always carries my stuff, yung pang-taping ko.

"And, of course, I'll definitely miss that, and I guess our, parang companionship, us just working together.

"Kaya when I saw him yesterday, we had taping, we had guesting, parang sabi ko, 'Ay, na-miss ko talaga ito! Grabe!' So iyon."

Binanggit namin kay Cassy tinawag niyang "JD ko" ang ka-love team.

Nagulat ang young actress at saka tumawa, "Ay! Sabi ko yun?! Oh my god! Sorry, sorry, nag-slip, nag-slip."

Continue reading below ↓

Pilit pa rin naming pinag-explain si Cassy, pero panay ang sagot niya ng, "Nag-slip lang, nag-slip lang po. Na-excite lang ako."

"JD ko" ba talaga ang tawag niya kay Joaquin?

"Hindi po, hindi po. Sorry po, nag-slip lang po. Oh, my God!"

Umani naman ng panunukso si Cassy mula sa "dears" na sina Sanya, Maxine, Thia, Cai at Kakai.

May reaksiyon si JD rito, CLICK THIS.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is "JD ko" Cassy Legaspi's term of endearment of love-team partner Joaquin Domagoso?
PHOTO/S: @cassy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results