Pancho Magno hopes to work with "Bea Alonzo, isa sa pinakamagaling na actress"

by Rommel Gonzales
Jul 31, 2021
Pancho Magno describes Bea Alonzo as "isa sa pinakamagaling na actress," and hopes to work with her in the future.
PHOTO/S: @magnopancho on Instagram

"Si Bea Alonzo" ang sagot ni Pancho Magno nang tanungin tungkol sa gusto niyang makatrabaho in the future.

Dugtong niya, "Isa sa pinakamagaling na actress sa showbiz and kakalipat lang niya sa GMA, bago siya sa Kapuso Network."

Nakapalitan ng email ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 34-year-old actor dahil sa Magpakailanman episode nila ni Rhian Ramos na pinamagatang "Biktima ng Gayuma."

Magkapatid ang mga karakter nilang sina German (Pancho) at Ella (Rhia) dahil makikilala ng una ang textmate niyang si Jenny (Muriel Lomadilla) at hindi kalaunan ay pakakasalan niya ito.

Hindi maintindihan ni Ella kung bakit mabilis na nahumaling ang kanyang kapatid kay Jenny, at nagbago rin ang kanyang ugali.

Yun pala, nagayuma ni Jenny si German.

Sa totoong buhay, hindi naniniwala sa gayuma si Pancho at hindi pa raw niya nararanasang magayuma "sa pagkakaalam ko."

Hindi rin niya ini-encourage na gumamit ng gayuma dahil aniya, "Mas maganda na mahalin ka ng isang tao kung sino ka talaga."

Continue reading below ↓

Ang episode ay idinirek ni Don Michael Perez at ipapalabas ngayong July 31, Sabado, 8 p.m., pagkatapos ng Catch Me Out Philippines sa GMA-7.

PANCHO ON HIS REAL-LIFE ROLE AS A DAD

Samantala, nag-iba na ang priorities ng Kapuso star simula noong ipinanganak ng asawang si Max Collins ang anak nilang si Skye noong July 6, 2020.

"Masasabi ko na more on Skye na," ang banggit niya sa email.

Aminadong nahirapan siya noong unang nawalay sa anak para sa lock-in taping ng First Yaya.

Nagkataong nag-lock-in taping din nun si Max para sa To Have And To Hold series.

Kaya ang joke ni Pancho nung nag-Zoom mediacon ang First Yaya para sa finale week nito last June, "Iyong baby po namin, welcome kayo kung sino may gustong mag-alaga sa kanya kasi hindi namin kaya, e."

Mahirap man, kinakaya ng aktor dahil ang pagtatabaho ay para rin sa kinabukasan ng anak.

Continue reading below ↓

At ang reward lang daw niya ay, "Every time makikita ko si Skye Anakin nakakawala ng pagod, iba yung saya na nabibigay niya sa family."

Lastly, kapag natapos na ang pandemya, balak ni Pancho na dalhin sa Boracay si Skye.

Sabi niya sa email nito sa PEP.ph, "Boracay with the family, first time kasi ng family mag-beach."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pancho Magno describes Bea Alonzo as "isa sa pinakamagaling na actress," and hopes to work with her in the future.
PHOTO/S: @magnopancho on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results