Bea Alonzo on her upcoming Kapuso projects: “After my movie with Alden, I might start the soap already.”

by Bernie V. Franco
Jul 2, 2021
Bea Alonzo is excited to start her projects now that she is with GMA Network. She will top-bill a movie opposite Alden Richards and to be followed by a very big teleserye.
PHOTO/S: @tingduque and @aldernrichards02 on Instagram

Nagbigay ng tila preview si Bea Alonzo sa mga proyektong nakaabang sa kanya sa GMA Network ngayong isa na siyang certified Kapuso artist.

Bukod sa isang pelikula na co-produced ng GMA Films, nakatakda raw siyang gumawa ng malaking primetime teleserye.

Pumirma ng exclusive contract si Bea sa GMA-7 kahapon, Huwebes, July 1, 2021.

Si Bea ay isa sa A-list stars ng ABS-CBN at Kapamilya sa loob ng dalawang dekada bago ang kanyang network transfer.

Pahayag ni Bea, magbabakasyon muna siya sa U.S. at sasabak agad sa trabaho pagkauwi niya ng Pilipinas.

“So many exciting things ang mangyayari sa akin and I will be going to the States in a few days,” ani Bea sa Instagram Live gamit ang GMA Network account kahapon.

Matagal na raw kasing nakaplano ang U.S. trip niya.

Sasamantalahin daw ng aktres ang bakasyon para ma-reenergize at magkaroon ng positive vibes.

“Para pagbalik, tuloy-tuluy na yung work, and yun din yung maire-release ko sa mundo—positive energy.

Continue reading below ↓

“I can give my total one hundred percent to the world.”

Pero mauuna na siyang ma-interview ni Jessica Soho ngayong Biyernes, July 2, at ieere ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa Linggo, July 4.

Katuparan daw para kay Bea na ma-interview siya ni Jessica.

Bilang ganti, pumayag naman daw si Jessica na maging guest sa YouTube vlog ni Bea.

Pagbalik mula sa U.S., iikot naman si Bea sa mga programa ng GMA-7 kagaya ng Unang Hirit, Mars Pa More, at All-Out Sundays.

Nag-message daw mismo sa kanya ang Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania, na dati ring Kapamilya stars.

Sa puntong iyon, may hinirit si Bea kaugnay kay John Lloyd Cruz, na napapabalitang gagawa rin ng proyekto sa GMA-7.

Sabi ni Bea, “Malay mo, makapag-guest na ‘ko sa bagong show ni John Lloyd na sitcom!” sabay tawa ng aktres.

“Sana…”

Sa mismong contract signing, nagkausap sina Bea at John Lloyd via Zoom.

Continue reading below ↓

“Kanina, sinabihan ko na siya Zoom. Nasa Zoom pala siya, so I was so excited.

“Sa totoo lang, it was nice to see a very familiar face today,” dugtong ng aktres.

Una nang napabalita ang paggawa ng proyekto ni John Lloyd sa GMA, pero wala pang konkretong detalye tungkol dito.

MOVIE WITH ALDEN, PRIMETIME SERIES

Kabilang din sa nakapilang gagawin ni Bea ay ang pagsasamahan nilang pelikula ng Kapuso prime star na si Alden Richards.

Pagkatapos nito, isang malaking primetime series daw ang pagbibidahan ni Bea sa Kapuso Network.

“Exciting times kasi, after my movie with Alden, I might start the soap already sa GMA.”

Nagpigil si Bea na magbigay ng iba pang detalye, pero may clues siyang ibinigay.

“Hindi ko pa masabi kung anong soap… bawal pa. Sayang.

“Pero excited na excited na akong sabihin. Kaya lang, sabi nila, that would call for another mediacon, yung announcement.

“Because it’s a very big title. Hindi pa namin pwedeng sabihin, at hindi ko pa rin pwedeng sabihin kung sino ang makakasama ko.

Continue reading below ↓

“But after my movie with Alden, that should start already, and it shall air soon sa primetime ng Kapuso network.

“So, sana abangan ninyo ako.”

Ngayong may bago na siyang tahanan, tiniyak ni Bea na pagbubutihan niya ang kanyang trabaho.

“I will work very hard to give you quality performances and to give you quality shows because you deserve it,” pangako ni Bea.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo is excited to start her projects now that she is with GMA Network. She will top-bill a movie opposite Alden Richards and to be followed by a very big teleserye.
PHOTO/S: @tingduque and @aldernrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results