Gabby Concepcion learns Tiktok, thanks to Sanya Lopez, Kakai Bautista

by Rose Garcia
Jul 2, 2021
Gabby Concepcion says chemistry with leading ladies can be attributed to the "creatves" in charge of casting: "I think, sila yung dapat nating bigyan ng credits."
PHOTO/S: @concepciongabby on Instagram

Isa sa mga nagustuhan ni Gabby Concepcion sa First Yaya leading lady na si Sanya Lopez ay walang ka-ere-ere ito.

Panimula ng batikang aktor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press noong June 24, 2021, sa Zoom mediacon, "Yung mga bagong artista, meron silang konting angas. Hindi ko naman nakita sa kanya iyon umpisa pa lang.

"Nakita ko naman na magaling siyang makisama. Hindi naman siya bungisngis, tawa lang siya nang tawa.

“Lahat ng kasama niya, ganoon din, kapag magkakasama sila, maingay na masaya. Masasarap kasama."

Sa katunayan, nagkaroon ng moniker na "dear" ang samahan ng mga girls sa First Yaya. Kabilang dito sina Sanya, Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez, at Thia Thomalla.

Sa pagpapatuloy ni Gabby, “Si Sanya, magaling makisama talaga. Kaya nga Sanya ang pangalan niya, magaling makisanya—makisama.

“Kahit sino naman sa set, kasundo siya. Hindi mahirap katrabaho."

Ikinuwento rin ni Gabby kung paano siya natutong mag-Tiktok.

Continue reading below ↓

"Tinuruan pa niya akong mag-Tiktok, sila nina Kakai, kung paano sumayaw.

“At nagsasama kami sa break namin, bago matulog, konting kuwentuhan.

"At ang lock-in talaga, malaking bagay na nagiging close kayong lahat. Ang galing pa ng mga kasama namin.

"Ang galing pa ng mga directors, ang galing pa ng mga writer kaya ang ganda ng chemistry talaga.”

Continue reading below ↓

Sa tanong kung ano ang sikreto na meron siya dahil parang kahit sino ang aktres na maipareha sa kanya—mapa-bata man o may edad na, nagki-click.

Ayon kay Gabby, “Ang tingin ko lang, magagaling mag-match yung mga creatives natin, yung mga head natin.

"Kung sino ang bumubuo at namimili ng casting, I think, sila yung dapat nating bigyan ng credits.

“Kasi, sila ang nakakaalam, kilala nila kami na kapag pinagsama natin ito, alam nila na magki-click. Kaya palagay ko, pinag-aralan nila iyan.”

At sabi rin niya, “Wala naman talagang secret, tingin ko, nagki-click lang at kung paano na kayo magsama kapag nag-take na.

“Doon lang lumalabas yung magic.”

Ngayong gabi, July 2, ang finale ng First Yaya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion says chemistry with leading ladies can be attributed to the "creatves" in charge of casting: "I think, sila yung dapat nating bigyan ng credits."
PHOTO/S: @concepciongabby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results