LJ Reyes' contract with GMA Artist Center renewed after 16 years

by Rose Garcia
Jul 7, 2021
LJ Reyes on staying as a contract star of GMA: “After all of what happened in my life, in personal life, career, they have been there for me. Palagi naman nila akong binibigyan ng project."
PHOTO/S: @kapusoPRgirl on Instagram

Kapuso pa rin si LJ Reyes.

Muling pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center (GMAAC) si LJ, na unang pumirma ng kontrata sa network pagkatapos niyang maging bahagi ng StartStruck Batch 2.

“Nasa 16 years turning 17 siguro. Kasi, yung contract namin started ng 2005,” ang sabi ni LJ nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na online mediacon para sa muli niyang pagpirma sa GMAAC noong June 29, 2021.

Sa loob ng 16 na taon, hindi ba niya naisip na lumipat ng network?

Pag-amin ni LJ, “Alam mo, hindi mo masasabing hindi sumagi sa isip mo in terms of...palagi namang may magtatanong sa iyo, hindi mo ba pinaplano na lumipat ng network or what?

“Pero in my plans? Wala.

“After all of what happened in my life, in personal life, career, they have been there for me. Palagi naman nila akong binibigyan ng project. Parang sabi ko nga, wala naman yatang reason kasi. Parang tinatanong ako, bakit hindi ka lumilipat or why are you staying?

Continue reading below ↓

“Because wala naman akong reason to leave. Parang ganoon sa akin."

Sa dami ng mga bagong pumipirma sa GMA-7, hindi ba kinabahan si LJ na baka hindi marenew ang kontrata niya? O confident ba siyang hindi siya pakakawalan ng Kapuso network?

“Parang hindi naman ako confident,” natawang sabi niya.

“Siyempre, iisipin mo iyan. Siyempre, meron kang binubuhay na pamilya. Siyempre, hindi totoong hindi mo maiisip iyan. Paano, di ba, kung hindi?

“But as I have said, this pandemic has really brought me so much closer to God. Palagi Niyang nire-remind, palagi Niya akong nire-reassure na if one door closes, another door opens or another window opens."

Aminado si LJ na sumagi sa isip niyang maghanap na ng ibang options.

“Kung hindi man ako bigyan, iniisip ko, 'Ano kaya ang puwede kong gawin?' Parang ganoon. But meron, meron sigurong konting, ‘Paano kung hindi?’ Mag-iisip ka rin na, 'Paano, ano na ang work na gagawin ko? Saan ako pupunta? Ano na ang magiging plano ko kung hindi?'”

Continue reading below ↓

Kaya ang laking pasalamat niya na muli siyang pinagkatiwalaan ng GMA-7 at muli siyang pumirma ng management contract sa GMAAC.

Ayon kay LJ, “Thankful naman ako na nandito tayong lahat ngayon.”

LJ REYES ON BEA ALONZO BECOMING A KAPUSO

Halos kasabay ng pag-renew ng kontrata ni LJ ang pagpirma ni Bea Alonzo sa GMA-7.

Ang reaksiyon ni LJ: “Somehow na-excite rin ako. Na parang what are they gonna bring to the table. Siyempre kami, sanay na kami. Sanay na kaming makatrabaho ang isa’t-isa, e.

“I mean, halos lahat nakatrabaho mo na. Maganda rin na paminsan-minsan, meron kayong makilalang bago, bagong katrabaho, alam mo yun.”

Kaya nga masaya si LJ na nagkaroon siya ng chance na makatrabaho ang mga artistang hindi contract stars ng GMA-7 sa movies. Noong 2010, nakatrabaho niya si Alwyn Uytingco sa The Leaving. Noong 2013, kasama siya sa cast ng She's The One, na pinagbidahan nina Bea, Dingdong Dantes, at Enrique Gil. Noong 2015, nakasama niya sina Janella Salvador at Jerome Ponce sa Haunted Mansion.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Alam mo, ang gusto ko lang naman, e, makatrabaho ang ibang tao, iba pang artista sa industriya.

"Pero siyempre, at a certain point, gusto mo na magkaroon ng chance para makatrabaho yung iba pang tao.

“Nag-blossom ang independent films, nagkaroon na rin ng venue for us to work together. So not really, do’n mo na lang sila makakatrabaho.

“And now, we have more Kapuso artists in the house. So hopefully, makatrabaho ko sila isa-isa.”

LJ REYES ON LEARNINGS DURING PANDEMIC

Sa loob ng 16 na taon, marami nang nagampanang karakter si LJ sa telebisyon at pelikula, at naipakita niya ang kanyang kakayahan. Ilang beses na rin siyang nanalo ng acting awards.

Ano pa ang gusto niyang gawin bilang aktres?

Sagot ni LJ, “Bilang isang actress, I think, itong pandemic na ito has really brought so much emotion to us. Yung emotion bank naming mga artista, siguro punung-punung-puno at umaapaw.

Continue reading below ↓

“Siguro napaka-exciting na makapagtrabaho ulit with a lot of actors and production. Siguro lahat naman tayo ay merong renewed eye on looking at things, giving importance to our work, to the opportunity that comes our way.

“Feeling ko, lahat tayo, ibang tao na. And coming from that, iba na rin ang maibibigay mo.”

Nakikita niya ang oportunidad na mag-work sila ng partner na si Paolo Contis behind the scenes.

Dugtong pa niya, “Ngayong pandemic over the last year, ang dami rin naming natutunan from shooting from home.

“So malay natin, in the near future, baka hindi lang bilang actor baka umabot kami sa producing. Si Pao, maging director in the near future.

“Sa dami ng natutunan namin, I mean, these are things that we can explore. Nabigyan na kami ng patikim kung paano.

"Dahil sa mga circumstances, kailangang mag-shoot from home, ang dami naming natutunan.”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes on staying as a contract star of GMA: “After all of what happened in my life, in personal life, career, they have been there for me. Palagi naman nila akong binibigyan ng project."
PHOTO/S: @kapusoPRgirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results