Kapamilya stars, directors reflect on first anniversary of non-renewal of ABS-CBN franchise

by Jerry Olea
Jul 7, 2021
Binalikan ng Kapamilya stars na sina (clockwise) Zaijian Jaranilla, Heaven Peralejo, Shamaine Buencamino, at Iza Calzado ang pagkitil ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN noong July 10, 2020.
PHOTO/S: Zoom

Unang anibersaryo ng pagkitil ng Kongreso sa ABS-CBN franchise sa Hulyo 10, Sabado.

Sa virtual mediacon ng Maalaala Mo Kaya (MMK) nitong Hulyo 6, Martes ng hapon, inusisa ng Kapamilya field reporter na si MJ Felipe ang saloobin ng panelists kaugnay rito.

IZA CALZADO

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Iza Calzado, “Ahh, wow! July 10, naalala ko tuloy, around this time last year was our first taping for Ang Sa Iyo Ay Akin

“One year later, we’re still here. And not just… of course surviving, but I’d like to think that we’re fighting really.

“Because despite the loss of the franchise, there have been talked about shows…

“I have to commend and congratulate the network, everybody I know, that’s working really hard to make this possible.

“How amazed I am! How we have managed to turn our struggles into our strength, you know.

“And it has made us stronger, and I think, has united all of us…

Continue reading below ↓

“Para sa industriya talaga itong ginagawa natin. It’s been a tough more than one year, but I guess, more so for ABS-CBN.

“So, I think, it’s very meaningful that we are doing this for our Kapamilyas.

“So, thank you for this opportunity. We’re really deeply grateful for it.”

HEAVEN PERALEJO

Sang-ayon ang 21-anyos na si Heaven Peralejo sa sinabi ni Iza.

Nakangiting pahayag ni Heaven, “Sobrang galing talaga ng ABS-CBN.

“Kasi, hanggang ngayon, nandito pa rin tayo. All I can say is, I will always be loyal to my family. So, iyon lang po iyon.”

ZAIJIAN JARANILLA

Matatas na salaysay ng 19-anyos na si Zaijian Jaranilla, “Dito na ako lumaki sa ABS-CBN. Dito ako nakilala. Parang… dito na ako nagkaisip.

“So, noong nangyari po iyon, parang… siyempre, para sa akin, malungkot. Kasi, lahat kami na mga artista, iyong mga direktor, lahat po ng mga nagtatrabaho sa ABS, naapektuhan. And iyong mga loyal din na supporter.

“Pero… sobrang happy ako. Kasi, kahit hindi ni-renew iyong franchise ng ABS, e, nakaka-survive pa rin tayo.

“Nakakagawa pa rin tayo ng mga teleserye na magaganda para maka-inspire at i-present sa mga tao sa kabila ng lahat.”

SHAMAINE CENTENERA

Pagmamalaki ng respetadong veteran actress na si Shamaine Centenera, “I’m just so proud lang kasi, I’m so proud of ABS-CBN because considering what they went through, they still do not cut corners, ha, when it comes to being safe in the production.

“Iyong SOP [standard operating procedure] nila, talagang nakaka-proud. Na considering that, you know, there’s not a lot of ads now, and they’re not as financially robust like before, hindi pa rin sila nagtitipid when it comes to the safety and health of their people.

“That’s all,” sambit pa ni Shamaine, na gumanap bilang ina ni Alyana (Yassi Pressman) sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

DIREK MAE CRUZ-ALVIAR

Pag-amin ni Direk Mae Cruz-Alviar, “Masakit pa rin kahit one year na siya, but it’s not like iiinda mo iyong pain, because what you gotta do is… just move on and show them that you’re still standing.

Continue reading below ↓

“And, ahhm, you’re doing this not just for yourself but for everybody who’s still there, and still believes in us.

“And… naku, baka maiyak ako! And basta ano, this is not just a job, this is not just a company that you work for.

“This is a family. And you are there for your family, and I am here for my family, and I’m still here, and I will be here for my family.

“And that’s one of the motivations that’s keeping us going inspite of the difficulty of filming, and inspite of the threat of COVID.

“It’s because you are also doing this to survive, not just for yourself but for everybody. And also, ahhm, for the industry na rin because this is really, really tough on all of us.”

DIREK JERRY LOPEZ SINENENG

“Tama si Direk Mae, hindi talaga nawawala iyong sakit,” saad ni Direk Jerry Lopez Sineneng, na humingi ng pasensya dahil malat ang boses niya.

Continue reading below ↓

Nagbiro pa si Direk Jerry na siya si Mary Walter nang mga sandaling iyon, bago nagpatuloy, “Hindi talaga nawawala iyong sakit lalo na, palapit na ang anniversary.

“Pero sa kabilang banda, nagpapasalamat ako sa Diyos, naka-survive tayo nang isang taon na walang prangkisa, pero hindi nila napatay ang ABS-CBN!

“Hindi napatay ng ilang makakapangyarihan ang ABS-CBN. Ahh, siguro dahil nga sabi ni Direk Mae, we are a family.

“We have formed a really strong family. Na kahit ganyan na ang pagsubok, naghawak-kamay, nagkapit-kapit at kahit paano, naitawid ang isang buong taon.

“At hindi lang basta tawid. Naitawid naman siya nang matagumpay sa kabila ng kawalan ng prangkisa.

“Pero isang patunay lang talaga na ang inaapi ay inaalalayan ng Diyos!”

MMK STORIES OF LOVE

Mapapanood ang part 2 ng “Loving To Care” episode ng MMK sa Hulyo 10, Sabado ng 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Continue reading below ↓

Bida rito si Zaijian Jaranilla bilang Nursing student na si Andy, na humarap sa masaklap na hamon ng buhay—ang pagkakasakit ng ina at dalawang kapatid ng chronic kidney disease.

Paano malalampasan ni Andy L at ng kanyang ama na si Abe (Nonie Buencamino) ang sunud-sunod na problema?

Ang episode na ito ay idinirek ni Jerry Lopez-Sineneng.

Ire-replay ng MMK sa Hulyo 17 ang “Pinoy-Korean Love” nina Tim (Ejay Falcon) at Jung Won (Sunshine Kim).

Malaking pagsubok ang pagkakaiba ng kulturang kanilang kinalakihan, pero mas mananaig ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Matutunghayan sa Hulyo 24 ang “My Two Mothers” ni Julie (Heaven Peralejo), isang dalaga na nagkaroon ng dalawang inang nagsilbing gabay sa kanya.

Labis ang paghanga ni Julie sa kanyang inang si Caridad (Iza Calzado) na naging protektor niya laban sa kanyang mapang-abusong ama. Mag-iiba ang lahat nang magkaroon ng schizophrenia si Caridad.

Sa pagdating naman ni Esther (Shamaine Buencamino), unti-unting mahahanap ni Julie ang pagmamahal sa ina.

Continue reading below ↓

At sa Hulyo 31, ire-replay rin ang nakakakilig na “Janitor Love” sa pagitan ng janitor na si Emman (Joem Bascon) at boss niyang si Maricar (Denise Laurel).

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binalikan ng Kapamilya stars na sina (clockwise) Zaijian Jaranilla, Heaven Peralejo, Shamaine Buencamino, at Iza Calzado ang pagkitil ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN noong July 10, 2020.
PHOTO/S: Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results