Max Collins signs with GMA network again, looking forward to working with ex-Kapamilya artists turned Kapuso

by Rose Garcia
Jul 10, 2021
Max Collins
Max Collins has been a Kapuso artist for 10 years. She recently renewed her contract with GMA Network and is looking forward to working with newly-signed Kapamilya turned Kapuso artists.
PHOTO/S: @maxcollinsofficial Instagram

Naging usap-usapan ang pagdaos nina Max Collins at Pancho Magno ng magkahiwalay na birthday parties para sa anak nilang si Skye Anakin.

Naipaliwanag naman ni Max na hindi lang nagkatagpo ang schedules nilang mag-asawa, kaya nagkaroon sila ng magkahiwalay na parties kunsaan hindi sila nakitang magkasama.

Nagsalita rin siya tungkol sa estado ng kanilang relasyon at sinabi pa niyang nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng asawang katulad ni Pancho na nauunawaan ang kanyang career.

a decade of being a Kapuso

Samantala, isang dekada na pala si Max bilang Kapuso artist.

Nagsimula siyang maging Kapuso nang i-manage siya ni Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc.

Pero bago iyon, nagsimula ang showbiz career ni Max bilang artist ng ABS-CBN.

May apat na taon din siya rito hanggang sa lumipat siya ng GMA-7 kunsaan, ayon kay Max ay nag-grow na siya kung ano siya ngayon bilang isang artista.

At nitong July 9 ay muling pumirma si Max ng kontrata sa GMA Network bilang isang Kapuso pa rin.

Continue reading below ↓

Sa ginanap na online mediacon sa araw na pagpirma niya, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max tungkol sa pagiging Kapuso niya sa loob ng isang dekada.

“There were a lot of ups and down for me kasi, I didn’t know where I was going with my career, to be honest.

“But I’m just so thankful that GMA always gave me these projects and even if I didn’t believe in myself, GMA still believed in me. And it’s such an amazing ride!

"Kasi, I wouldn’t be where I am today if it’s not for GMA. I feel that this is the best time that I’m having now with my career.

"It really is my prime and I’m looking forward to doing more projects this next decade in GMA."

Growth as an artist; kapamilya becoming kapuso

Tungkol naman sa growth niya bilang artista.

“Sa GMA na talaga 'ko lumaki,” saad ni Max. “From learning to act, for one thing. And also the projects that I’ve done from the fantaserye, to drama, to action, everything.

Continue reading below ↓

“I’ve learned so much along the way, and yeah, 10 years is a very long time. So, I’m really thankful for the decade that I’ve been in GMA.”

Katulad ni Max 10 years ago na lumipat din ng network, ngayon ay halos sunod-sunod din ang lumilipat sa Kapuso network.

Paano niya tinitingnan ang bagay na ito.

“I’m really looking forward to working with them,” positibo niyang sagot.

“Someone asked me what’s my dream project, what’s my dream role. Really, my dream is to work with all the actors that I haven’t worked with yet.

"That goes yung mga bagong lipat sa atin and I’m really looking forward to doing projects with them in the future.”

To Have And To Hold

Halos kasabay rin ng pagre-renew ni Max ng kontrata sa GMA-7 ay ang bago niyang primetime series na malapit ng mapanood sa GMA Telebabad, ang To Have And To Hold, kunsaan, makakasama niya rin sina Rocco Nacino at Carla Abellana.

Continue reading below ↓

Sa totoong buhay, hanggang saan nga ba niya kayang panindigan ang katagang "To have and to hold" sa isang relasyon?

“How far will I go? I guess, it depends on the circumstances,” sagot ni Max.

“Kasi, like sa To Have And To Hold, the entirety of the show is about how to forgive, how to love again.

"And I feel that love is always going to be there in any relationship, di ba? Kasi, once na magmahalan kayo, nandiyan naman yun forever.

"So what really matters is how can you forgive each other and can you forgive each other?

"Yun talaga ang mapapanood natin sa To Have And To Hold.”

Sa parte raw niya, “So ako, I’ll do everything for the one that I love, siyempre.”

sexier than before

Sa huli, kapansin-pansin at lalo na kung nasusubaybayan ang mga posting niya sa kanyang Instagram account, na ilang buwan pa lang niya halos naipanganak si Skye, bumalik na agad ang kaseksihan niya.

Continue reading below ↓

At ngayon nga, tila mas maganda at mas sexy pa siya na parang hindi siya nanganak. Pero wala naman daw siyang sikreto.

“For me kasi, I really enjoy working out, e,” nakangiting lahad niya.

“So hindi ko siya inisip na kailangan ko talagang magpapayat. I really made it as my lifestyle.

"I guess, that’s how nakabalik ako and I think, I’m even thinner now than before because naging part siya ng lifestyle and I really enjoy doing.

“There’s really isn’t any secret, that’s all that I did.”

At pagbibigay-diin pa niya, “Consistency talaga.”

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Collins has been a Kapuso artist for 10 years. She recently renewed her contract with GMA Network and is looking forward to working with newly-signed Kapamilya turned Kapuso artists.
PHOTO/S: @maxcollinsofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results