Sarah Geronimo, Piolo Pascual to stay "Kapamilya Forever"

by James Patrick Anarcon
Jul 11, 2021
Sarah Geronimo and Piolo Pascual are part of ASAP Natin 'To's "Kapamilya Forever" AVP aired today, July 11, 2021.
PHOTO/S: ASAP Natin 'To

Nananatiling “Kapamilya Forever” sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.

Ito ay base sa audio-visual presentation (AVP) na ipinalabas ngayong tanghali, July 11, 2021, sa ASAP Natin ‘To.

Nagsama-sama ang ilan sa malalaking Kapamilya stars sa live show ng ASAP Natin ‘To para i-celebrate ang pagiging “Kapamilya Forever.”

Ito ay sa kabila ng unang anibersaryo ng pagkakabasura ng Kongreso sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Bukod sa mga artistang nasa studio, may mga ibang artista ring nagpahayag ng pasasalamat sa Kapamilya viewers sa pamamagitan ng pre-recorded videos.

Kasama na rito ang dating ASAP host na si Piolo, na nawala sa programa noong 2020 nang piliin muna niyang sumali sa katapat na TV5 program na Sunday Noontime Live.

Tumakbo ang Sunday Noontime Live mula Oktubre 2020 hanggang January 2021, at idinirek ng dating Star Magic chairman emeritus at direktor ng ASAP na si Johnny “Mr. M” Manahan.

Sa kanyang mensahe sa AVP, nagpasalamat si Piolo sa viewers na nanunuod sa iba-ibang broadcast platforms ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Aniya, “Kapamilya, thank you for continuing to let us into your homes through all the different available platforms.

“As we face a lot of hardships and difficulties this last year, your support and your trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino.”

Isang pangako naman ang binitawan ni Piolo sa dulo ng kanyang mensahe: “Maraming salamat po, I’ll see you soon.”

Continue reading below ↓

Sumunod kay Piolo ay ipinalabas naman ang video ni Sarah, na kinikilala pa ring host ng ASAP kahit matagal na itong hindi napapanood sa programa.

Sabi ni Sarah sa kanyang mensahe, hindi raw nag-iiwanan ang magka-Kapamilya.

“Mga kapamilya, nandito pa rin ang ating pamilya dahil sa hindi nagbabagong pagmamahal natin para sa isa’t isa.

“Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit niyo ring pinapatunayan na ang magkapamilya, hindi nag-iiwanan. Mahal na mahal po namin kayo.”

Continue reading below ↓

Parehong napapabalitang lilipat sina Piolo at Sarah sa GMA-7 nitong mga nakaraang buwan.

Una nang itinanggi ng VIVA head honcho na si Vic del Rosario, Jr. na lilipat si Sarah sa Kapuso network dahil mananatili itong Kapamilya. Babalik din daw ito sa ASAP Natin ‘To.

Itinanggi rin ng GMA executive na si Annette Gozon-Valdes ang balitang ito tungkol kay Sarah.

Ngayong Hulyo naman, nakatakdang umere sa GMA-7 ang Tala: The Film Concert ni Sarah.

Samantala, wala pang sagot ang kampo ni Piolo kung totoo ang mga balitang lilipat siya sa GMA-7.

Pero ayon sa omnibus plug ng ABS-CBN para sa offerings nito for 2021, isang online concert ang nakatakdang gawin ni Piolo sa network.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo and Piolo Pascual are part of ASAP Natin 'To's "Kapamilya Forever" AVP aired today, July 11, 2021.
PHOTO/S: ASAP Natin 'To
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results