Dina Bonnevie heaps praises on World Between Us co-stars

by Rommel Gonzales
Jul 11, 2021
Veteran actress Dina Bonnevie (top left) commends the professionalism of her The World Between Us co-stars Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith and Tom Rodriguez
PHOTO/S: Screen Grab from Zoom script reading of The World Between Us

Isa sa malakas na puwersa sa cast ng The World Between Us ay ang mahusay na aktres na si Dina Bonnevie na gaganap sa nabanggit na GMA-7 teleserye bilang si Rachel Libradilla.

At sa unang pagkakataon ay nakatrabaho ni Dina ang isa sa mga importanteng artista ng Kapuso Network, si Alden Richards, na gaganap naman bilang si Louie Asuncion.

"For me, working with Alden Richards is something really refreshing. It's the first time I'm working with him.

"Actually, nakakatuwa, kasi when you're doing a scene with him, you can't help but really stare at his dimple," natatawa niyang pag-amin.

"Pero more than that, si Alden kasi, he's a very passionate actor, yung talagang you can feel his heart. In every scene, he gives his best.

"He's not afraid to explore, you know, to let his emotions go and to go with your flow.

"Parang when you're doing a scene, nararamdaman mo na nagbibigayan kayo, e. You can feel his energy, he can feel your energy and then it's like you're making music together!

Continue reading below ↓

"Iyon ang experience ko sa kanya, he's so professional, and I'm really happy, finally I've worked with Alden," nakangiting pahayag ni Dina sa Zoom mediacon ng The World Between Us nitong nakaraang June 23.

DINA HATS OFF TO TOM'S VERSATILITY

Labis rin ang papuri ni Dina kay Tom Rodriguez na bilang si Brian Libradilla ay gaganap bilang isang bad boy sa naturang GMA Primetime series

Saad ni Miss D, "Actually, ginulat niya ako dito sa soap na ito kasi he's always been the good boy.

"I've worked with Tom several times already pero dito, yung talagang the way he delivers his lines, yung talagang maiinis ka, e.

"Kung puwede lang, gusto kong pingutin at tadyakan! Very effective siya as a bad boy.

"Pero at the same time, hindi ka magagalit sa kanya because you know yung pinanggagalingan niya is, kulang siya ng pagmamahal, e.

"Kulang siya ng pag-aaruga, kulang siya ng... parang he's lost.

Continue reading below ↓

"He's looking for an identity, something like that, so even if he's kinda bad, na siya yung hadlang kay Jasmine and Alden, kay Lia at kay Louie, in a way parang iisipin mo pa rin na... siyempre natural, kuya, ipagtatanggol mo yung kapatid mong babae.

"But I'm happy na pumayag si Tom na medyo dark naman ang character niya ngayon, kasi din it's going to show his versatility as an actor.

"And he is very versatile as an actor," pagdidiin pa ni Dina. "Kasi hindi naman madaling maging magaling na aktor.

"Because to be a good actor you have to be a thinking actor e, and matalino si Tom.

"So, hats off ako sa kanya."

DINA RELISHES GOOD GIRL ROLE

Mabait ang papel ni Dina sa The World Between Us.

Pag-amin niya, "Actually, refreshing na bumalik sa pagka-good girl na role naman kasi palagi na lang akong nagiging mataray and bad, but what's really refreshing also here is it's the first time you're trying to create love in different boxes?

Continue reading below ↓

"Parang kunyari itong love na 'to square, ito bilog, ito triangle. Parang, kailangang maipakita mo yung difference ng pagmamahal mo kay Lia, pagmamahal mo kay Louie at kay Brian."

DINA HEAPS PRAISE ON JASMINE

Magaganda rin ang mga salitang binitiwan ni Dina para kay Jasmine Curtis-Smith na gumaganap na anak niyang si Lia Libradilla sa kanilang serye.

Nakatrabaho na rin daw niya si Jasmine, maging ang kapatid nitong si Anne Curtis, sa ilang mga nakaraang proyekto.

"And si Jasmine naman talaga very passionate actress yan, e! Professional.

"I actually love working with the Curtises, I've worked with Anne, too.

"So, kudos to you, Jas!

"I'm happy na I'm her mom and good girl ako, na minamahal ko lang siya, hindi ako bad," at natawa si Dina.

Bukod kina Alden, Jasmine, Tom at Dina, nasa The World Between Us si Ms. Jaclyn Jose bilang Yachie Delgado.

May mahahalagang papel din sa The World Between Us sina Sid Lucero bilang Eric Carlos; Kelley Day bilang Audrey Villacer; Yana Asistio bilang Jackie Carlos-Libradilla; Jericho Arceo bilang Edison Tomas; at Donn Boco bilang Pitoy Flores.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng espesyal na partisipasyon sa serye si Glydel Mercado bilang Clara Asuncion.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, ang The World Between Us ay napapanood weeknights pagkatapos ng 24 Oras.

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Dina Bonnevie (top left) commends the professionalism of her The World Between Us co-stars Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith and Tom Rodriguez
PHOTO/S: Screen Grab from Zoom script reading of The World Between Us
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results