Tom Rodriguez grateful to Jaclyn Jose, Dina Bonnevie: "They tolerate me...help me out"

by Rommel Gonzales
Jul 13, 2021
Tom Rodriguez describes The World Between Us co-stars Jaclyn Jose and Dina Bonnevie as "treasure troves of wisdom."

Kasama sa cast ng The World Between Us ang mga mahuhusay na dramatic actresses ng bansa na sina Dina Bonnevie bilang Rachel Libradilla at Jaclyn Jose bilang Yachie Delgado.

At para kay Tom Rdriguez, na halos 12 years nang nasa showbiz, pakiramdam niya ay isa pa rin siyang "newbie" kapag nakaka-eksena sina Dina at Jaclyn.

Ikinumpara niya ang sarili sa pagpipinta.

Aniya, "I still consider myself a newbie actor, there's so much that is still out of my capacity, parang yung palette ng pagpipinta ko ng kontribusyon ko sa show na ito, I still feel like it's still limited.

"And it's nice seeing the palette that they have, and they're nice enough to hand me a tube of paint and put it on my own palette.

"And I'm so thankful to the both of them, na kinukunsinti nila ako, they tolerate and they really help me out."

Sang-ayon siya sa sinabi ni Jasmine Curtis Smith, ang female lead ng serye, na "generous" ang dalawang actresses sa pagsi-share ng kanilang mga karanasan at kaalaman.

Continue reading below ↓

Puri pa ni Tom, "I can't begin to stress enough how lucky I feel to be working with veteran actresses of such caliber.

"And not for the first time, I've been lucky to have worked with the both of them.

"They're treasure troves of wisdom and knowledge, hindi lang sa life experiences pero maging sa craft.

"Jasmine said it perfectly na they're so generous with their wisdom and experience.

"Kasi ang sarap na paghugutan..."

TOM'S COMPLICATED CHARACTER IN THE WORLD BETWEEN US

Tampok rin sa The World Between Us si Alden Richards bilang Louie Asuncion.

Si Tom ay gumaganap bilang si Brian Libradilla, na ayon sa kanya, ay kumplikadong karater.

Sa Zoom mediacon ng The World Between Us noong June 23, 2021, sinabi ng aktor ng noong una raw niyang nabasa ang script, parang "mahirap maka-relate kay Brian."

Ani Tom, "Kahit ako, e, even reading the script, and reading the character's synopsis and all of it, hahanapin mo yung bubog niya, e. 'Grabe 'tong si Brian, bakit siya ganyan?'

Continue reading below ↓

"Ano yung meron sa kanya, what's driving him? And hindi lang si Brian yung may ganun, lahat meron.

"And for Brian, I really found out that he's just longing for love. Uhaw siya.

"Uhaw at gutom siya sa pagmamahal, pag-aaruga.

"For that warmth, he's hungry for that validation na hindi niya mahanap na to the point na kahit siya, kapag naghahanap siya at nagbibigay ng pagmamahal, hindi niya alam kung paano gawin.

"So medyo hindi na magma-manifest yung the right ways."

Sa tingin niya ay isang "wounded person" si Brian.

Pag-aanalisa ni Tom, "Having been wounded myself in my life, maybe not to the same extent that he has, mas na-curious ako what makes him that way. I realized that he’s only hungry for love and affection.

"Minsan may mga ganun tayo sa kanya-kanya nating buhay, e, whether maliit o malaking bagay, o maliit na bagay na pinapalaki, tao lang tayong lahat.

Continue reading below ↓

"So may mga ganun tayong aspeto. Na minsan nagiging selfish, akala natin sa atin umiikot ang mundo.

"Na the world between us nga, pero sometimes, we think the world revolves around us without meaning to. Minsan may mga ganung aspeto kay Brian."

Para kay Tom, interesting ang lahat ng characters sa The World Between Us.

Aniya, "Lahat ng character, makaka-empathize ka, you will know where they're coming from. So iyon yung maganda dito, e.

"Each character has that element and Brian Libradilla is no exception to that rule.

"The characters here, they're not just one-track characters, so kahit yung mga characters dito sa show na 'to, may chance sila to see their mistakes, to see outside of themselves.

"So even the characters in the show also have the chance to see the world, thru the perspective of others."

Kasama rin sa cast sina Sid Lucero bilang Eric Carlos; Kelley Day bilang Audrey Villacer; Yana Asistio bilang Jackie Carlos-Libradilla; Jericho Arceo bilang Edison Tomas; Donn Boco bilang Pitoy Flores.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng espesyal na partisipasyon sa serye si Glydel Mercado bilang Clara Asuncion.

Ang The World Between Us ay sa direksyon ni Dominic Zapata at napapanood weeknights pagkatapos ng 24 Oras.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez describes The World Between Us co-stars Jaclyn Jose and Dina Bonnevie as "treasure troves of wisdom."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results