David Licauco peeved by bashers who tell him, "Bano mong umarte"

by Ruel J. Mendoza
Jul 17, 2021
To the netizens who bash his acting skills, David Licauco taunts, "Paturo nga ng acting!"
PHOTO/S: @davidlicauco on Instagram

Kabilang si David Licauco sa mga artistang nag-renew ng kontrata with GMA Artist Center noong nakaraang July 7, 2021.

Sa naganap na Zoom mediacon para kay David, nagpasalamat ang Kapuso hunk sa muling pagbigay ng tiwala sa kanya ng Kapuso network.

"I’m very, very grateful to GMA kasi yung pagiging artista ko naman is a dream of mine, way back. So, just given this opportunity at alam mo yung nag-renewal ako ulit this year, sobrang happy lang. And dahil doon, gusto kong suklian yung trust na binigay nila sa akin.

“Kaya sa mga next projects ko, mas gagalingan ko pa, mas iwuwork-on ko pa ang sarili ko with regards to acting. I’m just really thankful talaga.

“Hindi rin ako nag-expect. Kumbaga, kung tingin ng Network, e okay pa ako, if they still see a future with me, e di I’ll accept that, sobrang magiging happy ako. Pero kung hindi, masa-sad ako but then I have to accept it," pahayag ni David.

Continue reading below ↓

IMPROVING HIS CRAFT

Aminado si David na marami pa siyang kailangang matutunan pagdating sa pag-arte, kaya nagsusumikap siyang matuto sa mga artistang nakakasama niya sa TV o pelikula.

Hindi niya maiwasang maging sensitive kapag may mga netizens na bina-bash ang kanyang pag-arte.

“Naiinis lang ako kapag bina-bash ako sa acting ko. Pinaghirapan ko yun at sensitive ako pagdating doon.

"I love my craft. Alam ko naman way back sa mga projects ko na hindi ako okey. But I have proven myself and I’ve worked hard the past years.

“Like one time, there was a troll account who messaged me na, ‘Bano mong umarte,’ gano’n. Medyo na-hurt ako, di ba?

“Sabi ko, ‘Gago ito, a.’ Pinatulan ko sa Twitter. Sabi ko, 'Dami mong alam sa mundo. Paturo nga ng acting!'" sabay tawa niya.

Aware din si David na hindi lang siya ang ginu-groom na leading man ng GMA-7. Marami silang pinagpipilian tuwing may mga bagong projects, kaya kailangang maging prepared siya sa lahat ng aspeto ng pagiging artista.

Continue reading below ↓

“Siyempre kailangan ko talagang mas gumaling, mas maging good looking, or mas magaling umarte. Sa showbiz, mas marami kang kailangan.

“Kailangan magaling kang umarte, kailangan magaling ka sa social skills. I am trying my best to work on those things pero hindi ko kasi nakikita yung competition.

“Parang, for example, si Derrick [Monasterio], a few weeks ago, nagkita kami. Kinakausap ko lang siya kung ano ang puwedeng gawin sa showbiz para ma-improve niya yung sarili niya. For me naman, I want everybody to win. I want everybody to be successful lalo na sa lahat ng kaibigan ko.

“Hindi ko iniisip yung competition but at the same time, siyempre I want to get the good projects. I want to get, if not the best, mga magagandang projects talaga," diin pa niya.

OPEN TO SEXY ROLES?

Nauuso na ulit ang sexy movies, at marami sa mga kaedad ni David ang sinusubukan na ito. Kabilang dito sina Marco Gumabao, Jason Abalos, Rob Gomez, Marco Gomez, at iba pa.

Continue reading below ↓

Open din ba si David sa pagpapa-sexy?

Sagot ng 27-year-old Fil-Chinese hunk, "Wala naman akong restrictions as long as my managers would see na okay iyon for my career. I mean, yung GMA Network, e tingin nila na okay for me kasi tiwala naman ako sa kanila, I would do it.

"Siguro in a few years baka puwede na akong magpa-sexy. Pakita na natin ang lahat!"

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
To the netizens who bash his acting skills, David Licauco taunts, "Paturo nga ng acting!"
PHOTO/S: @davidlicauco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results