Martin del Rosario on ABS-CBN stars transferring to GMA-7: "Kailangan din nila ng work"

by Rommel Gonzales
Jul 17, 2021
Martin del Rosario on ABS-CBN stars transferring to GMA-7: "Kung lumipat man sila sa GMA, natural lang yun para may trabaho."
PHOTO/S: @martinmiguelmdelrosario on Instagram

Masaya si Martin del Rosario para sa mga tulad niyang dating Kapamilya na naging Kapuso.

"Honestly, happy ako for them. And welcome na welcome sila dito sa GMA," ang sabi ng 28-year-old actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email.

Hindi raw masama na sunggaban ang isang magandang oportunidad lalo pa't may pandemya.

"Siyempre, kailangan din nila ng work. So kung lumipat man sila sa GMA, natural lang yun para may trabaho.

"Excited din ako makatrabaho sila in my future projects."

Ang latest na Kapamilya na lumipat sa GMA ay si Bea Alonzo, nakatrabaho na ba siya dati ni Martin?

"Actually, hindi pa. Pero nagkikita and nagkakasalubong naman kami dati.

"Based on what I hear, napakabait daw niya. Very humble and down-to-earth. And she's a very good actress.

"I am hoping na makatrabaho ko siya soon as a new Kapuso!"

MARTIN DEL ROSARIO'S MAGPAKAILANMAN EPISODE

For now, ang makakatrabaho niya ay dalawang StarStruck alumna na sina Katrina Halili at Kris Bernal.

Continue reading below ↓

Gaganap si Martin rito bilang si Karlo na pinagsama sa iisang bahay ang asawa niyang si Marites (Kris) at kabit niyang si Lea (Katrina).

Sa tunay na buhay ba ay naranasan na ni Martin na pinag-agawan siya ng dalawang babae?

"Wala pa naman kasi sinisigurado ko na hindi umabot sa ganyang situation at kawawa ang mga babae pag ganoon ang nangyari."

Continue reading below ↓

Kaya ba niya sa tunay na buhay kung sakali na pagsamahin sa iisang bahay ang dalawang mahal mo?

"Hinding-hindi! Una sa lahat, malaki ang respeto ko sa babae. Pag ginawa ko yun parang binastos ko silang pareho. Dapat talaga kung may patitirahin ka sa bahay mo na babae, yung talagang pinili mong makasama, na kayong dalawa lang ang may relasyon, para hindi complicated ang situation."

Kung magkakagusto siya sa dalawang tao, ano ang gagawin niyang basehan para pumili ng isa lamang sa kanila?

"Unang-una pipiliin ko siyempre yung mas mahal ko.

"Second, yung sa tingin ko gagawin ko ang decision base sa ikabubuti naming dalawa at sa mga taong nakapaligid sa amin," sagot pa sa amin ni Martin sa pamamagitan ng e-mail kahapon, July 16, 2021.

Ngayong Sabado, alas otso ng gabi, July 17, mapapanood ang episode na “Asawa At Kabit Sa Isang Bubong," sa direksyon ni Rechie del Carmen.

Continue reading below ↓

Ang naturang episode ay mula sa pananaliksik ni Karen P. Lustica at sa panulat ni Loi Argel Nova.

MARTIN DEL ROSARIO ON PANDEMIC

Samantala, buong mundo ay sinalanta ng COVID-19, anu-ano ang mga natutunan niya sa pandemya?

"Natutunan ko ang value of having my family around. Pinaka-importanteng support group ang pamilya.

"Natutunan ko ding mag-share ng kung ano mang meron ako para makatulong sa ibang tao. At higit sa lahat mas lalo akong napalapit sa Diyos."

Kapag tapos na ang pandemya, saan unang gustong pumunta ni Martin at bakit?

"Actually, matagal na naming plano ng sister at cousin ko na mag-out of the country. Maybe sa Scandinavian area."

Kabilang sa mga Scandinavian countries ang Denmark, Norway, at Sweden.

Pero kailangan munang isantabi ang planong ito.

Dugtong ni Martin, "...since may pandemic, kailangan munang i-postpone, and busy rin ako sa lock-in tapings ng teleseryeng ginagawa ko ngayon."

Kasalukuyang naka-lock in si Martin sa taping ng Voltes V: Legacy ng GMA-7 kung saan siya ang main contravida na si Prince Zardoz, ang leader ng Boazanian empire.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin del Rosario on ABS-CBN stars transferring to GMA-7: "Kung lumipat man sila sa GMA, natural lang yun para may trabaho."
PHOTO/S: @martinmiguelmdelrosario on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results