Nagbabagang Luha director on Glaiza de Castro: "Laging magaling"

by Jerry Olea
Jul 18, 2021
Glaiza de Castro (left) and Claire Castro face off in a dramatic confrontation scene in the GMA-7 TV adaptation of the 1988 movie Nagbabagang Luha

Tinuhog ni Alex (Rayver Cruz) ang magkapatid na sina Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro) sa Kapuso teledramang Nagbabagang Luha, na magpa-pilot telecast sa Agosto 2, Lunes ng hapon.

Nagbabagang Luha cast

“Fan ako ni Glaiza. As usual, lagi siyang magaling, laging all out,” sabi ng direktor ng teledrama na si Ricky Davao nang makausap namin sa cellphone nitong Hulyo 18, Linggo ng gabi.

Continue reading below ↓

Ricky Davao

“Bigay na bigay sa mga karakter niya. First time kong nakatrabaho si Glaiza sa Grazilda [Setyembre 2010-Enero 2011], yung first series na pinagbidahan niya.

Glaiza de Castro

Continue reading below ↓

“Second unit director ako doon. Bumilib ako sa kanya nang i-deliver niya ang kilometric lines na may meters, parang balagtasan.

“Ang galing niya! Bumilib talaga ako sa kanya, kaya I’m looking forward everytime na makakatrabaho ko siya.

“Naidirek ko rin si Glaiza sa Dading [2014] na pinagbidahan ni Gabby Eigenmann. May drama series pa kaming hindi natapos dahil sa pandemic, yung Seed of Love.

“Pag normal na ang sitwasyon, baka ituloy pa iyon. Naka-10 taping days na kami sa Seed of Love, na para sa three to four weeks of airing. Sayang kung hindi iyong itutuloy.”

Ang teledramang Nagbabagang Luha ay base sa 1988 Regal film of the same title na pinagbidahan nina Lorna Tolentino as Maita, Gabby Concepcion as Alex, Alice Dixson as Cielo, and Richard Gomez as Bien, sa direksyon ni Ishmael Bernal.

MIKE TAN

“Kasama rin si Mike Tan sa cast ng Seed of Love. Dito sa TV remake ng Nagbabagang Luha, maganda ang role niya, iyong role ni Richard Gomez sa movie,” kuwento ni Direk Ricky.

Continue reading below ↓

“Sa TV series, mas malaki na siyempre yung role. He always delivers naman.”

RAYVER CRUZ

First time makatrabaho ni Direk Ricky si Rayver Cruz.

Lahad ni Direk Ricky, “Medyo nagulat ako kay Rayver. He’s very professional. Marami siyang dramatic scenes.

“Minsan, biniro ko si Rayver. Sabi ko, si Gina Alajar ang kaeksena niya, batikang artista. Ninerbiyos siya.

“Sabi ko pa, si Gina, sinasabihan noon ni Lino Brocka, ‘I want you to deliver this line with tears falling from your left eye only.’

“Biniro ko si Rayver, ‘Gano’n ang gawin mo, sa left eye lang ang tears?!’ Umalma si Rayver, pero pag-take, nagawa niya.

“Magaling pala si Rayver! Puwede talaga siya sa drama, very effective. Akala ko kasi noong una, comedy ang forte niya. Pero seryoso pala siyang aktor.”

CLAIRE CASTRO

First major role ni Claire ang pagganap bilang Cielo, na inahas ang kanyang bayaw. First time din itong naidirek ni Ricky.

Continue reading below ↓

“Siyempre, inalalayan talaga si Claire. She’s very lucky, she’s working with some very good actors—Gina Alajar, Glaiza, Rayver, Alan Paule,” salaysay ni Direk Ricky.

“Lahat, umalalay sa kanya. In fairness to Claire, nabigyan niya ng justice ang role.”

ROYCE CABRERA

Kumusta naman si Royce Cabrera, na pumapel bilang big-time drug dealer na si Sherwin? Co-stars sina Ricky at Royce sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois.

Royce Cabrera
Claire Castro

Continue reading below ↓

Natatawang bulalas ni Direk Ricky, “Ang unang lalaking hinalikan ko sa paa! OK si Royce. He’s a very serious actor.

“Palagay ko, ibi-build up siya ng GMA. And I think he can make it. Lalaking-lalaki ang dating niya, hindi basta pa-pogi o pa-macho lang. OK ang dating.

“Marunong mag-deliver, hindi lang kung ano ang sinasabi ng script. May sarili siyang diskarte.”

WATCHING THE ORIGINAL MOVIE FOR THE FIRST TIME

Bago ang lock-in taping ng teledramang Nagbabagang Luha, sadyang hindi pinanood ni Ricky ang movie version niyon.

“Kahit noong 1988, hindi ko rin napanood. Hindi ko maalala kung bakit,” saad ni Direk Ricky.

“Pag-uwi ko sa bahay matapos ang taping, naninibago pa ang katawan ko. Kung minsan, mga 4:00 am, 4:30 am na ako nakakatulog.

“Two days ago, nakita ko sa Cinema One, magkaeksena sina LT at Alice Dixson. Sabi ko, parang familiar.

“Ayun, Nagbabagang Luha pala yun! Tinapos ko ang panonood hanggang 5:30 am. Yun ang first time na napanood ko yung movie.”

Continue reading below ↓

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro (left) and Claire Castro face off in a dramatic confrontation scene in the GMA-7 TV adaptation of the 1988 movie Nagbabagang Luha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results