Joel Lamangan not making an issue out of Bea Alonzo's transfer to GMA-7

by Rommel Gonzales
Jul 19, 2021
Joel Lamangan on Bea Alonzo's transfer to GMA-7: "Sana maging mahusay ang plano para sa kanyang career."
PHOTO/S: Gerry Olea; GMA Corp Comm

Sa nangyaring lipatan ng mga ABS-CBN stars sa GMA-7 nitong July, ilang direktor ang nagbigay ng kani-kanilang saloobin tungkol dito.

At isa sa inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay si Joel Lamangan, na nagsilbing direktor ng maraming Kapuso series.

In particular, tinanong siya tungkol sa pagpirma ni Bea Alonzo ng exclusive contract with GMA-7 noong July 1, 2021.

"Ay naku, bigyan na natin siya ng pagkakataong i-decide kung ano ang puwede sa kanyang career,"ang mabilis na sagot ni Direk Joel.

Diugtong niya, "Sa akin, kung gusto niyang lumipat, di lumipat siya. Malaya naman tayo.

"Ngayon, sana maging mahusay ang plano para sa kanyang career."

Nagkatrabaho ang dalawa noong 2006 sa Pacquiao: The Movie.

Gumanap si Bea bilang si Jinkee Pacquiao, na asawa ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, na ginampanan naman ni Jericho Rosales.

Ang ilan naman sa mga serye sa GMA-7 na si Joel ang direktor ay ang Pamilya Roces (2018), Onanay (2018), Pahiram Ng Isang Ina (2011), Magic Palayok (2011), Beauty Queen (2010), Sine Novela: Basahang Ginto (2010), Ikaw Sana (2009-2010), Adik Sa 'Yo (2009), Sine Novela: Paano Ba Ang Mangarap? (2009), Sine Novela: Una Kang Naging Akin (2008), Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Sine Novela: Pasan Ko Ang Daigdig (2007–08), Sine Novela: Sinasamba Kita (2007), at Kung Mawawala Ka (2002–03).

Continue reading below ↓

Samantala, kilala si Direk Joel na matalino at matapang magbigay ng opinyon at pananaw. Wala ba siyang balak pasukin ang pulitika?

"Noong bata ako, akala ko, wala pala, ayoko, hindi ko type."

Muntik na raw siyang sumubok dati.

"Hindi ko itinuloy. Kakandidato sana ako congressman ng 1st District ng Cavite, hindi ko kaya. Ayoko."

Baka mapahamak raw siya nang dahil sa pagiging bokal niya sa pagsasabi ng saloobin.

"At saka maraming magagalit sa akin, baka mapatay agad ako! Oo! Dahil, dyusko, marami akong makikita, marami akong... alam mo madaldal ako, e.

"Sasabihin ko kung ano nakikita ko.

"E, magagalit sa akin, mapapatay ako! Mas gusto ko na lang magdirek."

Nakausap ng PEP.ph si Direk Joel sa special screening ng Lockdown noong July 3, 2021 sa Sine Pop Boutique Cinema sa Cubao, Quezon City.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joel Lamangan on Bea Alonzo's transfer to GMA-7: "Sana maging mahusay ang plano para sa kanyang career."
PHOTO/S: Gerry Olea; GMA Corp Comm
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results