Enchong Dee totally clueless about Bea Alonzo's decision to transfer to GMA-7

by Rommel Gonzales
Jul 20, 2021
Enchong Dee on Bea Alonzo's transfer to GMA-7: "Bilang kaibigan, you just have to be there to support her..."
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram

Ikinagulat ni Enchong Dee ang paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7.

Matalik na magkaibigan ang dalawa, pero clueless daw si Enchong na naging desisyon na ito ni Bea.

"Well kami kasi, never naging aspeto yung trabaho sa pagkakaibigan namin, never!

"That's why bilang kaibigan, you just have to be there to support her, di ba?

"Merong... bawat isang artista may kanya-kanyang karera. So sa sarili ko pa lang nga, pagod na pagod na ako, iintindihin ko pa ba yung sa iba," at tumawa si Enchong.

"Pero I think the best thing is to support each and everyone. Everyone has their own reasons."

Kinukumusta ba niya si Bea?

"We were supposed to have dinner pero she flew to the States...so pagbalik pa niya yung pagtatagpo namin."

Maaring hindi na sila magkikita ni Bea sa bakuran ng ABS-CBN, pero ayon kay Enchong, "Puwede ko naman siyang puntahan, e, kung mami-miss ko siya, madali lang."

Continue reading below ↓

ENCHONG DEE ON ACADEMY OF ROCK

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong noong Linggo, July 18, 2021, sa presscon ng Academy Of Rock, ang music/dance school na negosyo nila ni Joshua Garcia, kasama ang anim pa nilang mga kasosyo.

Bakit nila naisipan ni Joshua na ang pasuking negosyo ay isang music/dance school?

"Ako po kasi kapag nagnenegosyo, meron na po talaga sa utak ko kung ano yung gusto kong pasukan na negosyo, and isa po dun is education. So when the door finally opened up, na there's an opporunity for me to invest in Academy Of Rock Philippines I jumped into it.

"Pero this was two years ago pa, this was a plan two years ago pa. Pero because of what happened parang na-adjust ng na-adjust so now we're finally opening it," nakangiting wika ni Enchong.

Sa bansang Singapore nagmula ang Academy Of Rock, at may ilang Singaporean investors o partners sa Academy Of Rock Philippines sina Enchong at Joshua.

Continue reading below ↓

Paano sila naging close ni Joshua?

"Ako kasi I will consider almost everyone a good friend. I have a good relationship with almost everyone, lalo na sa mga kapatid ko sa Star Magic.

"But Joshua, in particular, nung nag-start talaga yung ASAP taping last year—kasi di ba tine-tape na namin yung buong month? Kasi buong araw talaga kaming magkakasama.

"'Tapos four straight days, hanggang sa iyon, every time na magkasama kami, ang pinag-uusapan namin either buhay o negosyo. So nung nagkaroon nga ng mga questions siya na saan ba ako puwedeng mag-invest, ganyan, so naiisip ko si Joshua, first in mind kasi he's very open to learning.

"So nung nangyari nga itong Academy Of Rock Philippines and may opening, sabi ko, 'Joshua, may papakita ako sa iyo.'

"True enough, dire-diretso!"

Ang Academy Of Rock ay matatagpuan sa #19 Scout Borromeo, South Triangle, Quezon City.

Bukas na ito sa mga nais mag-enroll at matutong kumanta, sumayaw, at tumugtog ng lahat ng uri ng musical intruments.

Continue reading below ↓

Available ang Academy Of Rock para sa one-on-one physical classes (one student, one teacher policy with strict health and safety protocols) at online classes.

"And hindi namin siya ginagawa (one student, one teacher policy) just because may pandemic, ginawa namin siya because this is the style of Academy Of Rock Singapore."

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee on Bea Alonzo's transfer to GMA-7: "Bilang kaibigan, you just have to be there to support her..."
PHOTO/S: @mr_enchongdee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results