Jessy Mendiola tells leading man JC de Vera: "Kailangan nating pantayan yung chemistry ng Richard-Dawn."



Balik soap si Jessy Mendiola sa teleseryeng Will Never Say Goodbye ng ABS-CBN. Ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Jessy at JC de Vera, na siyang vocal sa pagsasabi ng paghanga niya sa kapareha.

Ani Jessy, “Masaya kami sa set. Maraming good and positive feedback, masaya ako. Si JC dati ko pa kasi siyang kakilala pero first time pa lang kaming magkatrabaho. Okay naman siya, mabait naman si JC, nakakatawa, cool lang, professional.

“Nakakatuwa naman kasi naalala ko nung nag-look test kami, siyempre pag loveteam kayo may mga shots na kailangang magkadikit ang mga mukha ninyo, di niya alam ang gagawin niya kung titingin ba siya or ano. Nakakatuwa lang kasi siguro nahihiya lang yung tao. Naa-appreciate ko yung fact na he’s reaching out sa akin, he messages me from time to time, nag-aaya siya lumabas. I guess dun din nagi-start yung working relationship din namin.

“No, di siya nanliligaw.”

Masaya din si Jessy na makakasama niya sa Will Never Say Goodbye sina Dawn Zulueta at Richard Gomez na tatayong mga magulang niya sa istorya.

Kinuwento din ng aktres na isang mature na Jessy ang mapapanood dito.

“Ang saya. Second time ko na nakatrabaho si Kuya Gom’s, sa The Trial before, ngayon Daddy ko na siya dito and Mommy ko si Dawn Zulueta.

"Pag tinitingnan ko nga sila kinikilig ako, sinisiko ko nga si JC, 'JC ha, kailangan nating pantayan yung chemistry ng Richard-Dawn. Very professional din, masipag sila, kahit umaga na nagpapatawa pa rin si Kuya Gom’s, Si Ms. Dawn very sweet so masaya.”

Ano naman ang masasabi ni Jessy tunkol sa role niya sa upcoming teleserye na ito?

“Mas mature. I’m not saying mature in showing some skin, alam mo naman ang ibang tao pag sinasabing matured more skin, more sensual, sexy.

"But this one no, it’s more of me being a mature woman, yung personality niya, yung role ko dito, sobrang iba yung ikina-mature. Very responsible, very independent, makikita mo ako dito, ako ang nagda-drive.

“Soon na pero wala pang definite date.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN