That's Entertainment alumnus Ryan Soler recalls replacing child star who couldn't cry on the spot

by Jerry Olea
Jul 22, 2021
Now a resort owner in Batangas, That's Entertainment alumnus Ryan Soler reminisces about working with the late "Da King" Fernando Poe Jr. when he was a child star. He also recalls earning PHP15,000 per day as a teen star in the late '80s.
PHOTO/S: Courtesy of Ryan Soler

Bumabalik-balik pa rin kay Ryan Soler ang pagnanais na mag-artista, bagamat nalinya na siya sa pagnenegosyo.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Ryan na lakas ng loob at likas na hilig sa pag-arte ang naging daan para makapasok siya sa showbiz.

"Child star ako dati. I started my first movie, kay Lino Brocka, Cain at Abel [1982], from which I won as FAMAS best child actor," napangiting pagbabalik-tanaw ni Ryan.

"After that, naging sidekick ako ni Fernando Poe Jr. sa Umpisahan Mo… Tatapusin Ko [1983] at the age of seven, kung saan na-nominate uli ako sa FAMAS as best child actor.

"I did commercials. I had around 30 commercials. Tapos, lumalabas ako noon sa Lovingly Yours Helen, Anna Liza...

"Ang buena mano sa akin sa TV, si Direk Argel Joseph. Nag-taping sila sa bahay namin, iyong kinuha nilang bata, hindi makaiyak.

"Lumapit ako kay Direk Argel. Sabi ko, 'Direk, bakit iyong bata, hindi marunong umiyak?' Tanong ni Direk Argel, 'Bakit, kaya mo bang umiyak?'

Continue reading below ↓

"E, mabilis akong umiyak. Tumalikod lang ako. After 20 seconds, pagharap ko kay Direk, umiiyak na ako. 'Ganito po ba, Direk?'

"Kaya ayun, ako na ang kinuha para sa eksena."

Pagkatapos ng movie with Fernando Poe Jr., pinatigil si Ryan ng parents niya sa pag-aartista.

Continue reading below ↓

"Medyo bumababa po kasi iyong grades ko," paggunita ng 47-anyos na si Ryan, na nainterbyu ng PEP.ph nitong Hulyo 22, Huwebes, sa Soler Sea beach resort sa Balayan, Batangas.

FAMILY AND RELATIVES IN SHOWBIZ

Nananalaytay kay Ryan ang dugong-showbiz.

"My grandfather was the late Virgilio Garcia. Producer po siya at artista noong 1960s, iyong Lights… Camera… Action!, Tindahan sa Nayon with Dulce Lukban," lahad ni Ryan.

"Ang aking ama ay si Jun Soler. Ang aking ina ay si Raquel Monteza. Noon pong 1970s, sila po ay mga kasamahan nina Nora Aunor, Christopher de Leon, Tirso Cruz III. Sila po ang mga ka-contemporary ng aking ama’t ina.

"Tapos, ang aking tiyahin, si Kristine Garcia. Nag-artista rin po. After po nun, ang kapatid ko po ay artista rin, si Simon Soler. Siya iyong kumanta ng 'Nanghihinayang' sa Jeremiah.

"Kapatid ko rin ang singer na si Maffy Soler-da Rozza, wife ni Robin da Rozza."

Continue reading below ↓

Namulat at lumaki si Ryan sa showbiz.

"Opo, pati po ang negosyo ng aking pamilya ay nasa showbiz, dahil sila naman po’y mga producer noong araw sa TV, pati sa radyo," sambit ni Ryan.

Trese anyos si Ryan nang magbalik-showbiz sa GMA program na That’s Entertainment (1986-1996) kung saan pangunahing host si German Moreno aka Kuya Germs. Napabilang siya sa Tuesday group.

"Marami po akong natutunan kay Kuya Germs. Unang-una, kung paano makisama. Kasi, nandoon iyong teenage days," pagbuntong-hininga ni Ryan.

"Tinuruan kami kung paano sa production numbers, paggawa ng produksyon. Pakikisama sa tao, how to manage people, how to mingle with different kinds of people. At the same time, you also earn money."

Malaki-laki ang kinikita noon ni Ryan sa pagkanta-kanta sa mga fiesta, na kung minsan ay nili-lip synch pa niya.

"Noong araw po, at the age of 13, kumikita ka na ng limang libo sa isang araw," pagngiti muli ni Ryan.

Continue reading below ↓

"Mga 1988 po iyon, 1989, noong mga panahong iyon. Halimbawa, pupunta ka sa Bulacan. Kakanta ka ng dalawang kanta. Minsan, lip synch pa, babayaran ka na ng limang libo, sampung libo.

"Minsan, may lagare ka pa. Dahil pag fiesta season, dalawang magkatabing bayan ang pupuntahan mo. So, lumalagare ka. Minsan, tatlo.

"Ayun, kumikita ka ng kinse mil sa isang gabi."


Continue reading below ↓

WHY RYAN QUIT SHOW BUSINESS

Kailan niya natanggap na hindi siya pang-showbiz? Na kahit FAMAS best child performer siya, dapat mag-iba siya ng linya, at sumubok sa ibang larangan?

"Actually, hindi po. Ang nagpatigil sa akin ay ang magulang ko," salaysay ni Ryan.

"Mga taong 1997 po ito. Hindi po ako makatapos noon ng pag-aaral.

"Sabi po ng aking ama, ‘Anak, hindi kita pinag-aartista. Alam kong nakita mo sa amin iyan, nagkaroon na kami ng pagkakamali. Pero ang maibibigay mo lang sa amin, ay bigyan mo kami ng tamang edukasyon. Dahil iyan lang ang maibibigay namin sa iyo na haligi, para maitaguyod mo ang buhay mo pagdating ng araw.'

"Nasaktan po ako noon. Ang sama ng loob ko sa mga magulang ko!

"But you have to listen to your parents, e. Bottom line, you have to listen to them because they have the wisdom and knowledge na napagdaanan na nila.

Continue reading below ↓

"So, pinuwersa ako ng magulang ko! Earning PHP15,000 a day, biglang nawala! Fortunately, ganoon siguro ako. Kumbaga, lahat ng bagay sa iyo, sabi nga ng magulang ko, kailangan mong tanggapin.

"Depende iyan kung paano mo tanggapin. Halimbawa, binatuhan ka ng negative, tanggapin mo na positibo.

"So, tinanggap ko pong positibo, tinanggap ko pong challenge na sandali… may purpose ang magulang ko kung bakit pinahinto ako sa pag-aartista. So, doon ako nag-focus."

Kailan niya na-realize na tama ang parents niya sa paggabay sa kanya, na iwaksi niya ang pag-aartista at hanapin kung saang linya siya magtatagumpay?

"Nito na lang po… nitong malalaki na ang mga anak ko," pagngiti muli ni Ryan.

"Ilan na po ang mga anak ko, and at the same time, maganda na po ang aking kabuhayan. Maganda na po ang negosyo.

"Doon ko lang po na-realize na, 'Ooops! Tama pala ang ibinigay na payo sa akin ng aking magulang.'

Continue reading below ↓

"Na kung minsan, iyong mga sinabi noon sa akin ng ama ko, sinasabi ko ngayon sa mga anak ko.

"Napapatingin sa akin ang ama ko, ‘Dialogue ko ‘yan, ah?!’"

ryan on marriage and family-owned resort

Masaya raw si Ryan sa kanyang pribadong buhay, at natagpuan niya ang true love na nakalaan para sa kanya.

"Yes, I’m happily married with my wife right now. We got married two years ago. We have a daughter, and right now she’s pregnant again."

May two daughters si Ryan sa naunang karelasyon. Ang panganay niya ay flight stewardess sa PAL, at kamukha ng lola nitong si Raquel Monteza.

"Nagkaroon ako ng ups and downs sa buhay, maraming mga pagsubok most especially sa relasyon. Sa pagiging isang single parent.

"Pero kahit paano, medyo… with God’s grace, natagpuan po natin iyong tamang direksyon."

Sa ngayon, abala si Ryan sa pamamalakad ng pag-aari ng pamilya niya na Soler Sea Resort sa Batangas.

Continue reading below ↓

Tukoy niya sa kapatid na si Maffy at asawa nitong si Robin Da Rozza, "Katuwang ko po sila sa pagma-manage nitong Soler Sea."

Nakatulong daw ang showbiz para masumpungan ni Ryan ang tagumpay sa larangan ng pagnenegosyo.

"Ang show business, isa po iyan sa stepping stones kung ano po ako ngayon," ani Ryan.

Continue reading below ↓

"Binigyan po ako ng lakas ng loob, koneksiyon, at tamang pananaw sa buhay."


Ang huling pelikulang ginawa ni Ryan ay Miss na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2 (1992) nina Robin Padilla at Vina Morales. Kapagkuwan ay nag-guest pa siya sa TV shows, gaya sa Maalaala Mo Kaya (MMK) drama anthology ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Hinahanap-hanap ba niya ang pagso-showbiz?

"Kasabihan po iyan, kung ano ang nasa dugo mo, kung ano ang ipinakain sa iyo ng magulang mo, mananalaytay iyan sa iyo," matamang sagot ni Ryan.

"So, kahit paano, minsan, humaharap pa rin ako sa salamin, lalung-lalo na pag nanonood ka sa TV, minsan ginagaya mo iyong mga dialogue nila.

"Nananalaytay sa dugo mo, kaya minsan, hinahanap ng katawan mo."

THAT'S ENTERTAINMENT BATCHMATES

Maraming nabuong pagkakaibigan sa That’s Entertainment.

"Marami po. Katulad si Isko Moreno, si Harlene Bautista. Sina Jeffrey Santos, Zoren Legaspi, Brylle Mondejar, Keempee de Leon. Iyan po ang mga kaibigan natin," saad ni Ryan.

Kahit pandemya, nagre-reunion via Zoom ang alumni ng That’s.

"After Isabel Granada died in 2017, doon uli ‘nabuhay’ iyong That’s Entertainment,” kuwento ni Ryan.

"Doon nagising lahat, e. Dahil ang punto, lumilipas ang panahon, grupo-grupo lang. Tuesday group lang ang nagsasama-sama. Wednesday group lang ang nagsasama-sama. Friday group lang ang nagsasama.

Continue reading below ↓

"For the first time, nagkaroon kami ng bonding bilang isang grupo. Dapat nga iyan, ang gagawin namin, taun-taon meron kaming That’s anniversary, na kami-kami lang talaga.

"Walang halong showbiz. More on mingling, more on chikahan. Yearly event dapat. Medyo naantala lang ng COVID. Dapat iyon, October namin ginagawa."

Pinakalider ba nila ngayon si Manila City Mayor Isko Moreno?

Sagot ni Ryan, "Yes, isa siya sa mga lider. But the main leaders, sina Harlene Bautista. Kumbaga, siya, being the head, being Yorme, isa siya sa mga nagtataguyod sa grupo namin ngayon."

Nagulat ba siya na nagkamabutihan si Harlene at ang anak ni Kuya Germs na si Federico?

"Actually, bilang kaibigan, ako po’y natutuwa’t nagagalak dahil kahit paano, natagpuan na nila ang tunay na pagmamahal!" bulalas ni Ryan.

Matutuloy na kaya iyon sa kasalan?

"Well, we’re praying. We’re praying. And we’re hoping na sana, doon na. Kasi, iba iyong sigla ng dalawa!

Continue reading below ↓

"Nakakatuwa, nakakagalak na natagpuan nila ang kanilang true love."

ADVICE TO ASPIRING STARS

Ano ang aral na maibabahagi niya sa mga kabataang nangangarap mag-artista?

"Unang-una, ang pag-aartista, nasa guhit ng palad iyan. Kumbaga, kung sa tingin mo, pangarap mo, pursue your dream," pahayag ni Ryan.

"Pero always have a fallback. Kumbaga, kinakailangan, unang-una, may natapos ka sa pag-aaral.

"Halimbawa, ako, iyong iniidolo ko, si Piolo Pascual. Iyan, kahit paano, noong kasabayan ko sa That’s Entertainment… huminto iyan sa That’s Entertainment noong araw, e.

"Huminto siya dahil nag-aaral siya. Kaklase ko pa siya noon sa UST. Huminto siya sa That’s… at tinapos muna niya ang pag-aaral niya, bago siya nag-artista nang tuluyan.

"Kung minsan, you just have to decide, e… Kung hindi mo talaga guhit ng palad, at hindi mo nararamdaman na diyan ka magsa-succeed, e, maghanap ka ng ibang fallback."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Now a resort owner in Batangas, That's Entertainment alumnus Ryan Soler reminisces about working with the late "Da King" Fernando Poe Jr. when he was a child star. He also recalls earning PHP15,000 per day as a teen star in the late '80s.
PHOTO/S: Courtesy of Ryan Soler
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results