Piolo Pascual confirms return to ABS-CBN months after TV5 stint

by Melba R. Llanera
Jul 26, 2021
Piolo Pascual on being a Kapamilya star: "I'm a Kapamilya through and through, I don't have to reiterate that."
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @piolo_pascual Instagram

Isa ang pangalan ni Piolo Pascual sa matunog na nababalitang posibleng sumunod sa bakuran ng GMA-7 dahil sa paglipat doon ni Johnny Manahan.

Si Johnny, o mas kilala bilang Mr. M, ang founder at dating chairman ng Star Magic, na talent management arm ng ABS-CBN.

Itinuturing na ama ni Piolo si Mr. M, na sumubaybay sa "ups and downs" ng kanyang showbiz career sa loob ng 25 taon.

Huli silang nagkatrabaho sa Sunday Noontime Live, ang Sunday musical-variety show na umere sa TV5 mula October 2020 hanggang January 2021.

Ang co-owned production company ni Piolo na Spring Films ay isa rin sa line producer ng Niña Niño, ang ongoing TV5 series tampok si Maja Salvador.

Pero ayon kay Piolo, kahit kailan ay hindi niya tinalikuran ang pagiging isang Kapamilya.

"At the end of the day, I never left," sabi ni Piolo sa panayam ng Cinema News noong Biyernes, July 24.

Continue reading below ↓

Kakauwi lang ni Piolo galing U.S., at nakatakda raw siyang makipagkita kay ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

Lahad ni Piolo, "I spoke with my boss, si Sir Carlo, on the 4th of July, and we had a good talk.

"When the time I'm done with quarantine, may meeting kami.

"I'm a Kapamilya through and through, I don't have to reiterate that."

Tiniyak ni Piolo na malapit na siyang magbalik sa ABS-CBN.

"I'll be back home for sure, pagkatapos ng mga meetings for sure.

"Just to put this to rest, I'm not going anywhere."

Noong July 11, unang ipinahiwatig ni Piolo ang pagbabalik niya sa ABS-CBN nang mapanood siya sa audio-visual presentation na pinalabas sa ASAP Natin 'To, ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.

Ipinagdiriwang sa show noon ang pagiging "Kapamilya Forever" ng ABS-CBN stars sa kabila ng isang taong anibersaryo ng pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal application ng network.

Continue reading below ↓

Kasama sa pre-recorded videos ang paghayag ni Piolo ng pasasalamat sa viewers na nanonood sa iba-ibang broadcast platforms ng ABS-CBN.

Maraming Kapamilya supporters at fans ni Piolo ang natuwa nang bitawan niya ang mga salitang "I'll see you soon."

Si Piolo ay longtime mainstay ng ASAP bago siya lumipat sa katapat na programang Sunday Noontime Live noong October 2020.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual on being a Kapamilya star: "I'm a Kapamilya through and through, I don't have to reiterate that."
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @piolo_pascual Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results